Chase Pov
"You need to give her this ring ok? Pretend that this is your engagement ring , at ibilin mo na wag nyang tatanggalin kasi gusto mong laging nakikita " bilin ko kay boss dahil sa kaniya nakasalalay kung pano namin ma ta track down si Irene Mendez at ang mga daily activities nito
"Wala ka bang tiwala saken? Kahit ibato ko pa sa kanya yan baka matuwa pa rin yun at hindi na hubarin" mayabang na sagot ni boss
"Basta siguraduhin mo kundi lagot ka saken!" Asik nya dito
"Fine !" Naka irap na sagot nito
Tss bading ! Napa irap na din sya bilang tugon
"Basta wag kang magseselos ha? " Bilin din nito na ipinagtaka nya
"Huh? Ano? " Hindi kasi nya alam kung tama ba yung dinig nya
"Wala! Bilisan mo na nga bingi!" Aba't napaka antipatiko talaga ng baklang to kaysa mainis lang sya ng tuluyan ay binilisan nya nga yung pagmamaneho nya na parang nakikipaghabulan kay kamatayan
"Are you gonna fuck*ng kill me?" Bulyaw nito ng makababa at para mainis pa lalo ito ay ngisi lang ang ginawa nyang sagot
"Ang dami mong dada para kang kanta ni Katy Perry na Hot N Cold gosh mas babae ka pa saken! Dyan ka na nga !" Iniwan na nya ito at nagpalit ng uniporme
Why do I always need to change uniform? Peste talaga yung boss ko pahirap sa kagandahan ko
Janitress to the rescue na naman ang peg ko
Umakyat na ko sa opisina ni Boss at nagpanggap na maglilinis pero makiki usyuso lang talaga ako
Saktong pagpasok ko ay inabot ni Boss yung engagement ring kuno nila kay Irene na mukang tuwang tuwa
"This is Beautiful bagay na bagay saken" nakangising pagpaparinig nito
"Ang ganda di ba? Magaling kasi akong pumili" nakangising sagot ko kaya nawala yung ngiti ni gaga
"By the way hindi ka talaga magsisi sa pakikipag merge mo sa Company namin" pagbibida na naman ni bruha
"Of course para sa ikabubuti naman ng company to at mukang hindi naman ako talo sayo" ngiting ngiti si Boss pero bwesit na bwesit ako
Lumabas na ko bago ko pa sila mahambalos
"Huh! Kung hindi ka talo sa kanya aba napaka palad mo kung ako ang pipiliin mo! Kumbaga ako ang perfect definition ng kanta ni Daniel Padilla na na sayo na ang lahat" paglilitanya ko pa habang nagtitimpla ng kape
"Hoy bakla sinong kausap mo dyan?" Tanong ni Yvette
"Wag mo kong guluhin nagpa practice ako ng mga lines ko dahil balak kong mag audition"
"Sabagay sayang yung ganda mo kung ibuburo mo lang, kaya kung kailangan mo ng manager tandaan mo nandito lang ako"
Sabi ko nga patola talaga to si Yvette kaya mahirap mag biro sa bruha na to
"Teka anong role pala yung bet mo?"
"Balak kong mag ala Sisa"
"Ay bet ! Saktong sakto sayo, effortless yan bakla" naka approve sign pa si gaga
"Oh ito kape mukang sabog ka pa eh" sabay abot sa kanya ng tinimpla kong kape at nilayasan ko na sya
Saktong naka break yung finance department kaya naghanap ako ng bakanteng kwarto at tinawagan ko si Sheena
"Suot na ni Irene yung singsing so start tracking her down"
"Copy that"
"I hope we can finish this as soon as possible"
"True! I need a break!" Reklamo ni Sheena sa kabilang linya na tinawanan ko lang
"This is supposed to be my vacation leave pero tingnan mo naman I'm still working my ass off"
"Sus! Enjoy ka naman eh!" Buyo nya pa saken
"Enjoy my ass!" Pag kontra ko
"Kung ayaw mo kay Sullivan pwede namang saken na lang"
"Huh! Sayo na kung makukuha mo" singhal ko bago ko binaba yung tawag
Umakyat ulet ako sa opisina ni Boss syempre sisilay muna ako bago kumain pampagana pero mukang imbis na ganahan ako ay mukang mawawalan ako ng gana
Andun pa din yung hitad na si Irene mukang walang balak lumayas
"Boss lunch break na wala kang balak kumain?"
"Umorder na si Yvette ng food sumabay ka na samin" nakangiti pa si Boss
"Bakit naman sasabay pa satin yang alalay mo?" Maarteng tanong ni Irene
"Naku Boss wag na, baka mawalan pa ko ng gana sasabay na lang ako kay Jhun total nagyayaya din naman yun kanina"
Lumabas na ako at nag antay ng Elevator ng hatakin ako ni Boss sa pantry
"Sinong nagsabing pwede kang sumabay sa lalaki mo?!" Singhal nito sa mismong muka
"Lalaki ko? Sabog ka ba?" Inis ko ring sagot sa kanya
"Ginagawa ko na nga yung gusto mo tapos ganito pang igaganti mo?"
"Sinusumbatan mo ba ako? FYI para rin naman sayo yun!" Nagsisimula na ring uminit yung ulo ko
Chase kalma gutom lang to wag mong patulan yung boss mong sintu sinto
"Niyaya kita ng maayos pero mas gusto mong sumabay sa iba!" Parang batang maktol nito
"Boss kung ayaw mong mag hinala si Irene ayusin mo yung kilos mo please lang" mahinahong pakiusap ko tsaka ko sya nilayasan
BINABASA MO ANG
C.A The Deceiving Angel
HumorWalang gustong makipagkaibigan saken, because I'm a nerd,kahit pa mayaman kami at sa isang all girls school pa ko pinasok ni lolo, no one dare to be friends with me, madalas pa akong ma bully sa school ngunit hindi ko ugaling mag sumbong pero isang...