Chapter 24

231 43 0
                                    

Chase POV

Nagising ako sa mahinang tapik saken
At ng magmulat ako ang lapit ng muka ni Boss saken sa sobrang taranta ko ay naitulak ko sya ng malakas kaya bumagsak sya sa sahig

"Damn! Bakit mo ko tinulak? " iritang angil nya sa akin

"Sorry! Bakit ka kasi ng gugulat? " bulyaw ko sa kanya

"Ikaw pa tong galit samantalang concern lang ako dahil hindi ka pa kumakain! Hinayaan na lang sana kitang mamatay sa gutom" bulyaw na rin nya saken mabuti na lang at mukang wala ng tao sa bus dahil nakakahiya kong makikita nila kaming ganito

Tatanggi pa sana ako ng kulaman yung sikmura ko tsk walang pakisama!

"Ginising na rin kita dahil yung laway mo tumutulo na sa polo ko! kababaeng tao nakanganga habang na tutulog! Yuck! " asar nya saken sabay takbo

Nagdadabog akong bumaba ng bus balak ko na sanang sugurin si boss ng marinig ko yung boses ni Irene sa gilid

"Yes dad, kapag hindi pa rin sya pumayag gagawin ko na yung next plan naten" seryosong wika nito

"Kanino pa ba ako magmamana kundi sayo" sabay tawa ng malademonyo

"Hoy Chase asan ka na ba?" Sigaw bigla ni boss

Wrong timing talaga tong kulugong to

"Aba! Hoy babae sinama kita dito para pagsilbihan ako hindi para magbakasyon!" Dagdag pa nito napa irap na lang ako sa hangin wala na tuloy akong narinig kundi

"Sige bye na Dad mukang kelangan ko ng magpalapad ng papel kay Rogelle" sabi nito bago binaba ang tawag kaya mabilis ako tumalilis para hindi nya ko makita

Tinawagan ko agad sila Lovelyn para alamin kung nakarating na sila sa paggaganapan ng team building ng kompanya ni Rogelle

"Hello Love nandyan na ba kayo?" bungad ko sa pinsan kong si Lovelyn

"Unnie ! Ang ganda ng bati mo eh no? Wala man lang kamusta nakarating ba kayo ng ligtas dyan " Sagot nito in sarcastic way

"Tss! Ano ng balita dyan?" Tanong ko ulet

"Ayos na lahat naka set up na kami pa ba?" Pagmamayabang nito

"Hambog" pang aasar ko

"Hoy! FYI mana lang sayo no!" Depensa nito

"Sya nga pala pagdating ko mamaya magkita kita tayo para sa kongkretong plano, mukang may hindi magandang balak ang mga Mendez kailangan naten silang maunahan" seryosong bilin ko bago ko ibaba yung tawag

Naglakad na ko pabalik sa mga kasamahan ko para mailigtas sa linta si Boss at hindi nga ako nagkamali nakalingkis na parang sawa si Irene kay Boss

Pasimple ko itong binangga dahilan para mapabitaw ito at masubsob ang muka ni Irene sa minibus

"What the f*ck is wrong with you bitch?" Angil nya saken

"Huh ginawa ko sayo?" Inosente kong sagot

"Boss asan pagkain ko?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti na ikinagulat nito

"Natulala ka sa ganda ko no?" Ngumisi ako sabay hatak sa kanya sa kainan kaya wala na syang nagawa

Rogelle Paul's POV

Kaharap ko ngayon si Chase na maganang kumakain

"Para kang construction worker kumain, babae ka ba talaga?" Singhal nya rito pero para itong bingi tuloy parin sa paglamon

"Mabulunan ka sana" biro ko na nagkatotoo ng sunod sunod ito maubo at animo hindi makahinga
Sa sobrang taranta ko ay dinampot ko ang unang nahagip ng mata ko na may tubig
Agad naman nitong tinanggap ng akma nya ng iinumin bigla itong napatingin sa hawak ko
Padabog nitong binitiwan ang baso at dinampot ang nasa gilid nitong pitsel at walang gatol na nilaklak

"Seryoso ka bang ipapainom mo talaga saken yung tubig sa Vase? " angil nya saken tsaka ko lang na realize na flower vase yung hawak ko ng makita kong may bulaklak ito sa ibabaw at nasa loob ang tangkay dala na rin siguro ng pagkataranta kaya hindi ko napansin

"Sorry magkamuka kasi" sagot ko na inirapan nya lang pero hindi naman nya ko nilayuan

Hindi man nya sabihin na gusto nya ko ay napapansin ko kung pano nya ko ilayo kay Irene kaya alam kong nagseselos sya

"Shet ang gwapo ko talaga" nasabi ko na lang sa aking sarili habang nasa byahe.

Chase POV

Hindi ko maiwasang hindi titigan si Boss na parang tangang ngiti ng ngiti sa hindi ko malamang dahilan

"Hindi kaya nabagok to kanina? O baka may pinainom si Irene dito na pang pa high?" Patuloy pa rin ako sa pag iisip ng bigla nya kong kalabitin

"Ganun ba talaga ako kagwapo?" Nakangiti nyang tanong saken

"Aminin mo na kasi yung feelings mo saken hindi yung idadaan mo ko sa ganyan ganyan madali naman akong kausap" dagdag nya pa

Ako (-_-)

Loading .......

10%

25%

50%

Buffering .......

Analysing Data

Error (x_x)

"Naka droga ka ba?" Sa sobrang speechless ko yun lang ang pumasok na ideya sa utak ko na hindi ko namalayang naisigaw ko pala kaya nakatingin silang lahat sa amin

Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik kaya binasag ko na ang nakabibinging katahimikan

"Hindi ko alam na ibang level pala ang imagination nitong kaibigan nyo next time kung may time kayo samahan nyo to sa Doctor at ipatingin nyo kung anong utak meron sya dahil talagang hindi na ko natutuwa" asar na wika ko sabay talikod kay Boss

"Pre ano na namang ginawa mo dyan ?" Tanong ni Jake na hindi naman sinagot ni Boss

Nagpanggap na lang akong tulog at hindi nya na rin naman ako kinulit kaya nakatulog na ko ng tuluyan.

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon