Chapter 16

247 40 0
                                    

Nakarating agad kami sa Heaven's Condominium ng wala pang 30 mins

Luminga linga pa ko ngunit kahit anino ni boss ay wala akong makita

"Tss! Bagal talaga ng impakto na yun" naiiling kong bulong habang akay pa rin ang lasing na si Jp at ng makakita ako ng upuan ay iniupo ko muna sya dun

Nagtungo ako sa front desk para magtanong kung san bang floor yung unit ni Jp

"Uhm hello miss! San po ba yung floor ng unit ni Jp Sandiego? " maayos kong tanong ngunit tinaasan lang nya ko ng kilay

"Bakit miss ano ba kayo ni Sir Jp? " malditang tanong nito

"Kaibigan nya po ako" pinilit ko pa ring maging kalmado kahit gusto ko ng isubsob yung muka nya sa counter

"Kaibigan? O baka naman isa ka rin sa mga babaeng desperadang naghahabol kay sir Jp" sarkastikong turan nito at dun na napatid ang kapiranggot kong pasensya

"Excuse me miss is that how you treat a visitor? Napaka bastos mo naman ata para ilagay sa front desk? Alam ba ng manager nyo na ganyang ang ugali mo? And ayun si Jp lasing "sabi ko sabay turo kay Jp nakaupo pero nakayukyok ang ulo

"Kung gusto mong dyan sya magkalat then suit yourself! Basta siguraduhin mo lang na ikaw ang maglilinis nun" pagtataray ko dito na ikinaputla nito

"And one more thing kilalanin mo muna ang mga taong kausap mo bago ka magtaray " tinignan ko ito mula ulo hanggang paa sabay tingin sa name plate nito

"So? Jaime ang pangalan mo, what's your surname? " tanong ko rito ngunit nakayuko pa rin ito at ayaw sumagot dahil na rin sa pagkainis ko ay mabilis kong tinawagan ang pinsan kong si James Fortalejo na namamahala ng Heavens Condominium

After 3 rings ay sumagot ito na pupungas pungas pa

"Hello C.A napatawag ka? " bungad agad nito

"James ano ba namang klaseng empleyado meron kayo dito sa heavens condominium mga walang modo! " sigaw nya agad dito

"Huh? Bakit? Asan ka ba? Ano bang nangyare? " tarantang tanong nito

Magbubunganga pa dapat sya kay James ng mapansin nyang sumuka si Jp

Holly golly! This is gross! Tinignan nya yung babae sa front desk na halatang nandiri din

"Anong floor ng unit nya? " iritadong tanong nya

"7th floor Ma'am" magalang ng sagot nito

"And by the way it's Chase Arielle Fortalejo, do keep that in your mind, understand? " binalikan ko muna si Jp para alalayan at muling nagbilin sa babaeng nasa front desk

"One more thing! Kelangan pagbaba ko malinis na yan at ikaw mismo ang maglilinis dahil kapag hindi, sisiguraduhin kong wala ka ng trabaho bukas! Malinaw ba? " mataray kong tanong

"Y-yes ma'am" naiiyak na sagot nito, serves her right

Sumakay kami ng elevator at pinindot ko sa 7 floor, sa una ay maayos pa ngunit makalipas ang ilang minuto ay inakbayan ako ni Jp at pinisil pisil ang pisnge ko

"Hang chute chute mho thalaga! Hik! " ngiting mongoloid pa ito

"Lord ipaalala nyo pong lasing ang kasama ko at baka po makalimot ako mabugbog ko po sya" naiusal ko na lamang habang nagpipigil ng inis ng tumunog ang elevator hudyat na narating na namen ang floor nya

Saktong paglabas namen ay nangunyapit sya saken na parang bata at pinugpog ako ng halik sa pisnge

Loading............

Did he just kiss me?

Aarrrrrggggghhhhhhh!!!!!!!

Susuntukin ko na dapat si Jp ng may sumigaw na babae

"Ang lakas naman ng loob mo na landiin ang fiance ko! " sigaw nito sabay sugod saken pero dahil mabilis ang reflexes ko ay naiharang ko agad si Jp at sya ang nasampal pero hindi man lang natinag si Jp parang wala lang dito ang sampal nung babae pihadong masakit yun dahil bumakat yung kamay nung babae

"Miss nagkakamali ka! Hindi ko nilalandi yung fiance mo! Actually hinatid ko lang sya dahil sobrang lasing na sya at isa pa hindi ko sya type no! " paliwanag ko pa ngunit sinamaan nya lang ako ng tingin at nahabag ako ng tumulo ang luha nito

"Magkakaanak na kami pero nilalandi nyo pa rin sya! Wala ba kaung awa sa magiging baby namen? " umiiyak na turan nito

Natigil lang sya sa pag iyak ng bumukas ang elevator at iluwa nun si Boss

"Baby! buti dumating ka na, napagkamalan kasi akong babae nitong kaibigan mo" pa sweet na sabi ko kay boss kahit gusto ko ng masuka

Tinignan ko sya sa mata at mukang na gets nya naman ako at sumakay sa gusto kong mangyare

"Sorry baby natagalan ako sa pagpapark" lumapit si boss at tinulungan ako at humarap na kami dun sa babae

"Hanny hindi ba makakasama sa baby nyo yang pagpupuyat mo? " seryosong tanong nito boss dun sa babae

"Nag aalala kasi ako kay Jp kaya hinintay ko sya, uhmm girlfriend mo? " tanong nito

"Yeah" sagot ni boss at ng maihatid na namen ng maayos si Jp sa unit nya ay umalis na rin kami agad

C.A The Deceiving AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon