Chapter 8

223 7 8
                                    

"Hindi! Hindi pwede, Tom!"

"Anong magagawa ko, Kaye. Andrea made her choice."

"No. Dapat magbago ang desisyon ni Debby. It's not gonna happened again, Tom."

"Wala na rin tayong magagawa. Matagal na silang hiwalay ni..."

Tom broke off. Hindi na niya tinuloy yung sinabi niya. Debby, walked in.

"Ang aga-aga, nagsisigawan na kayo," she said. "Good morning, Tom, Kaye."

Exasperated, Tom walked out.

"Anong nangyari dun?" pagtatakang tanong niya.

"Huh? Wala. May misunderstanding lang."

"LQ?" nagniningning ang mga mata niya habang binabanggit ang dalawang letrang yun.

"LQ ka dyan! Tumigil ka nga!"

"Hay naku, Kaye. Aminin mo na kasi. Tsaka sino ba yung naghiwalay na?"

"Ah! Wala yun." I changed the topic. "So, magkikita ba kayo ni Raphy today?"

"I think not. Wala naman syang sinabi kagabi. Why?"

"Wala naman. Natanong ko lang. Since he's your boyfriend now, madalas na kayong magkikita."

"Of course not! I told him if working days, no to date muna. Weekends, we'll settle that."

Bigla akong natahimik.

"Syanga pala, Kaye. About the..."

"Mahal mo na ba si Raphy, Debby?" out of nowhere, I asked her.

Hindi sya nakaimik. She changed the topic.

"Okay. Let me rephrase that. Naka..."

"Raphy's a good man. Hindi naman siguro sya mahirap mahalin. Besides, I'm happy pag kasama ko sya."

"That tells it. Re..."

"Let's cut this convo. If you need me, I'm upstairs."

She brought her mug with her. That's Debby. Always running out. Coward.

===============================================

Ano ba ang nakain ni Kaye ngayon? Gaaah!

Sa room ko na tinapos yung coffee ko. Ayokong masira ang good mood ko. My phone suddenly beeped from behind.

From: Raphy

Good morning, honeybear. Don't skip breakfast, ok? I love you. xoxo

-sweetiebear

Aaaawwweee. Sweet message from Raphy. Ma replyan nga.

To: Raphy

Good morning. Yup. Done coffee. Ikaw?

and sent. Nagbeep ulit yung phone ko.

Raphy: Yeah. Nasa office na ako. Wala lang bang good morning kiss from my honeybear?

Me: Sira! Haha! Okay. :* (cheeks)

Raphy: sa cheeks lang? :(

Me: Ewan ko sayo. :P

Raphy: fine. okay na yan for now. I love you. :*

Me: Mag work ka na. :*

Raphy: Can I see you? ;)

Me: Pano? o.o

Raphy: Dumungaw ka sa bintana. ;)

Dali-dali kong binuksan ang bintana at dumungaw. Nasa baba lang pala sya. Kumakaway. Nakakainis. Niloko pa ako. Nag ring ang phone ko.

"Akala ko ba nasa office ka?" I giggled.

"Hindi ko kasi matiis na hindi kita makita."

"Wait. Bababa ako."

"Wag na. It's enough to see you smiling. Di ba nga nag promise ako na sa weekends lang tayo dapat magkita."

"Fine. Hindi na. You're crazy."

"Crazy about you."

"Ang corny. Hahaha! Oh wait."

Sinet up ko ang phone ko at pinicturan sya.

"I have to go now, honeybear. Nag iwan nga pala ako ng food kay Kae. Kumain ka ng marami. I love you."

"What? Hindi mo na kailangang..."

Binabaan na ako ng phone. Nag wave muna sya at pumasok na sa sasakyan nya at nagdrive. I hurriedly went downstairs.

Ginisa nanaman ako ni Kaye ng mga tanong. Nag comment pa na corny, masyadong OA at grabe, kinilig pa sya. Hahahaha! Eh kanina lang mainit ang ulo nito tapos ngayon.. Ay ewan. Hahahaha. Pinicturan ko ang mga dala ni Raphy at pinost ko sa Insta and Twitter.

@SyDebline: Suprise visit from my sweetiebear @RaphydeGreen <3 http://instagram.com/gdmr258146t

Agad naman niya itong ni like. Nag post din pala sya sa Twitter.

@RaphydeGreen: hope honeybear will like it. ;) <3 @SyDebline http://twitpic.com/asd1537fhj

at andami ng nag tweetback sa kanya. Ba't ngayon ko lang na open to? Kaya pala ang ingay ng phone ko kanina. Hahaha. May nagtweet pa:

@Trotrotrotroy: @RaphydeGreen @SyDebline hanep pare! Want to meet her soon. ((:

@RaphydeGreen: @Trotrotrotroy @SyDebline soon pare. :)

@itsLezyl: @RaphydeGreen @SyDebline @Trotrotrotroy guess I hear wedding bells. lol

Maka tweet nga sa kanya. :)

@SyDebline: I love it. Thank you sweetiebear @RaphydeGreen. :*

and I closed my twitter app. I can still hear notification coming but I don't mind them.

Biglang nagring ang phone ko.

"Ms. Sy."

"Sir. Good morning... I mean good day sir." nakalimutan ko yung time difference. Shoot!

"I need you to open your skype. ASAP."

Binaba ko na ang phone at dali-dali akong naligo at nagbihis dahil makikipagskype ako sa boss ko. Baka bagong clients nanaman to.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon