Chapter 17

162 3 0
                                    

"Kanina pa yang naghihintay dito," said Kaye.

Nagulat ako sa nakita ko. Bakit andito si Raphy?

"Raphy? What brought you here?"

"Why aren't you answering your phone? Nakailang missed calls ako sa'yo. Ni text man lang wala akong natanggap. Pinuntahan kita dito kaninang umaga pero ang sabi ni Kaye, maaga kang umalis. Saan ka nagpunta? Sino ang kasama mo?"

"Raphy, relax. Naiwan ko yung phone ko. I was out, working. I took photos para sa project na pinagagawa sa akin."

Nakikita ko at nararamdaman ang galit ni Raphy. Nakakatakot.

Bigla nya akong niyakap.

"I'm sorry. I worried a lot. Akala ko kung sino ang kasama mo. Akala ko may kasama kang ibang lalake kaya iniwan mo ang phone m..."

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya. "WHAT?! ARE YOU OUT OF YOUR MIND? YOU THINK I'M CHEATING? HOW PATHETIC!"

"Kaya nga, I'm sorry. Hindi mo rin maaalis ang selos kapag naiisip ko yun. Mahal kita kaya ganun."

"Look, wag na muna tayong mag-usap. Of all the people that would think least of me, ikaw pa." I rolled off my eyes.

"I'm sorry. Babe, I'm sorry."

"Look, Raphy. I'm tired. Umalis ka na muna. Let's talk if we are both cool."

Umakyat na ako sa kwarto. Dumungaw ako sa bintana at nakita kong umalis na si Raphy.

Cheating? Ha! Tsss.

Kumatok muna si Kaye bago pumasok.

"Himala yata kumatok ka."

"Baka ako yung pagbuntunan mo ng galit."

I rolled off my eyes.

"So, how was the photoshoot? Sayang, hindi ako nakasama sa..."

"Sumama si Zed."

"...sa... HA? MAGKASAMA KAYO?!"

"Yes. He insisted on coming with me."

"Pero bakit naglakad ka lang nung dumating ka?"

"Sa may kanto ako bumaba. Baka bigyan mo nanaman ng kulay."

"Buti na lang rin, hindi ka hinatid ni Zed dito. Baka sabihin ni Raphy na you did cheat."

"Pathetic guy."

"So, anong balak mo sa kanya?"

"Kay Raphy? Wala."

"Wala?"

"Wala. Ganun naman talaga, di ba? Kasalanan ko rin naman kung bakit ganun."

"Eh anong nangyari sa inyo ni Zed dun?"

"Wala naman. Work."

"Work lang?"

"Oo. Work lang. Bumaba ka muna. Maliligo at magbibihis lang ako."

"Okay. Dinner is served in any minute now. Bilisan mo."

Tapos, lumabas na si Kaye ng kwarto. Nag flaflashback pa rin yung mukha ni Zed na nag eenjoy habang nakikipaglaro sa mga bata.

"I didn't know mahilig ka pala sa mga bata," I chuckled.

Habang naliligo ako, I heard myself humming. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Palaging nasa isip ko si Zed. Yung ginawa nya sa mga bata. Yung dungisan nyang mukha at pawisan nyang polo sa paglalaro. Yung genuine smile na ngayon ko lang ulit nakita.

Teka nga! Ba't ba si Zed ang nasa isip ko ngayon? Ang dapat pagtuunan ko ng pansin ay si Raphy.

Oo nga. Dapat kong pagtuunan ng pansin si Raphy. Pagkatapos kong maligo, I checked my phone and charged it. Naka 76 missed calls nga si Raphy. Kasalanan ko nga kung bakit ganun yung iniisip nya.

*PHONE RINGING*

Unknown number. I wonder who's this.

"Hello?"

"Debby..." isang familiar male voice ang sa kabilang linya.

"Sino to?"

"It's me, Zed. About kanina... sa orphanage... ano kasi..."

"Mr. Seigfried. Yung pagkahulog kanina sa..."

"Hindi yun! HAHAHAHA! I want to be a sponsor. Ayokong mag close ang school for the orphans."

Shock ako. I didn't expect that from him.

"Debby? Nakikinig ka ba?"

"I'm sorry. What are you saying again?"

"Gusto ko sanang bumalik tayo dun. With Kaye and Tom. I want to say that to Cherry and Jack. I will adopt the school."

"That will be great! I'll call Cherry agad."

"Great. Thank you."

"Would it be okay if we do it on a Sunday? After mass, of course."

"Sunday?"

"Ang pagpunta natin dun. I can't be there this Saturday. A friend invited me over dinner."

"Oh. Okay. I'll tell them."

"Great. So yeah. It's a date then."

"A date?"

"No. I mean. A date is set then. I mean... urgh... stupid. I... it's all set then."

"Okay."

"Yeah."

"I'll hang up na."

"Okay... wait!"

"Yes?"

"Sunday. After mass."

"Okay."

"Okay."

"Bye."

"Bye."

Binaba ko na ang phone. It's not a wonder how he got my phone number.

"It's a date then."

I smiled then look myself at the mirror. How long have I smiled like this?

Don't be stupid, Debby. Moved on ka na sa kanya. Don't smile like that.

"Ano ba ang nangyayari sa akin?"

I shook my head then went downstairs.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon