Chapter 27

98 3 0
                                    

"Si Debby?" nagtatakang tanong ni Zed habang pababa sya ng hagdan. 

Sa taas sya natulog kagabi? Baka sa bakanteng kwarto o sa kwarto ni Tom. 

"Hindi ko alam, Zed. Baka nasa kwarto pa niya."

"Hindi, Kaye. Katabi ko sya... tatawagan ko na lang."

"Teka nga! Tabi kayong matulog ni Debby?!" 

I was astounded. Ibig sabihin...

"Wag ka ngang mag-isip ng masama dyan! Walang nangyari sa amin, okay? Nawala na lang sya bigla. Tawagan ko na nga lang."

Namumula yung mukha ni Zed habang sinasabi iyon. Hay naku! Ang dalawang to talaga oh.

"Wala nga ba?" I teased him.

"Wala sabi! Ikaw. Ang dumi mong mag-isip."

"Eh di wala. Sabi mo eh."

Bumaba na rin si Tom. Maaga akong nag prepare ng breakfast. Hindi kasi kumain si Debby ng dinner at since wala rin si yaya.

Nilapitan ako ni Tom and he kissed me sa cheek.

"Para saan iyon?!" nagulat ako kasi sa public nya ako hinalikan.

"Good morning kiss? Kaye, ginagawa ko na ito sa'yo. Since wala ka naman sa kwarto mo nung kinatok ko, I assumed you went downstairs this early. Si mama?"

I blushed.

"Hay naku, Thomas ha! Pwede bang sa private mo yan gawin? Nakakahiya. Hindi ko alam. Maaga yatang namalengke."

"Kayenah, alam nanaman ng lahat ang estado natin kahit hindi natin sabihin. Good morning, bro."

Tila hindi nakikinig si Zed.

"Anong nangyari dyan?" he sat down and grabbed a sliced bread.

"Tabi silang matulog ni Debby kagabi at ayun. Bigla daw nawala sa tabi nya."

"SOMETHING HAPPENED TO THEM?!"

"Sabi nya wala daw."

"Naniniwala ka?"

Natawa lang ako. 

"Eh tayo, Kaye? Kailan ba?"

"Tigilan mo nga ako, Thomas! Oh! Kumain ka na lang dyan. Kung anu-ano pa ang naiisip mo."

Tinawanan rin ako ni Tom.

"Ayaw sagutin ni Debby ang phone," said Zed. Sobrang nag-aalala.

"Chill ka lang, bro. Baka nag jogging lang yun."

"Pero hindi naman nag jo-jogging si Debby, di ba?"

I started to get nervous. Saan kaya nagpunta si Debby? After what happened last night, baka...

"Andito na kami!" said yaya Coring.

"Oh! Andyan pala si Debby. Magkasama kayo, ma?"

"Oo. Sinamahan nya akong mamalengke. Salamat, iha."

Walang imik lang si Debby. Nilapitan agad sya ni Zed.

"I was scared to death nung nawala ka sa tabi ko."

"I'm sorry. You were deeply asleep kaya hindi na kita ginising."

Niyakap sya ni Zed.

"Don't do that again, okay? Pinag-alala mo ko."

Tumango lang si Debby.

"Hay naku! Ang aga-aga, nilalanggam tayo. Halika nga dito, Kaye! Tabihan mo ko. Maglambingan din tayo," said Tom, jokingly.

"Tigilan mo nga ako, Thomas ha! Ang aga-aga. Oo nga, love birds, kumain muna kayo dito. Napakaaga pa para dyan."

Sabay na kaming nag almusal. Tahimik lang si Debby habang nag-aalmusal kami. Baka nahihiya kasi tabi silang matulog ni Zed. HIHIHIHIHI

"So, Debby. I heard tabi kayong natulog ni Zed," I started.

"May nangyari ba?" tanong agad ni Tom.

"Tabi kayong natulog?" Gulat na sambit ni yaya Coring.

Halatang gulat na gulat si Debby sa narinig. Namumula ito. Sabay pa silang sumagot ni Zed.

"WALA AH! WALANG NANGYARI SA AMING DALAWA!" sabay na sagot nila.

"Talaga lang ha," teased Tom.

"Ang dumi nyo talagang mag-isip ano?" nahihiyang naiiritang tugon ni Zed.

"Tigilan nyo nga kami. Porket ba magkatabi, may nangyari agad?"

"Eh kasi naman..." hindi na pinatapos ni yaya Coring si Tom.

"Hay naku! Kayong mga bata talaga kayo oh! Hayaan nyo na ang dalawa. Pasasaan ba't sa simbahan din ang tuloy nyan."

"Pati kayo, yaya, naniniwalang may nangyari sa amin?" tanong ni Debby.

"Well, hindi naman sa..." I stopped yaya.

"See? Pati si yaya naniniwala. HAHAHAHAAHA!"

"Virgin pa ako! Tsaka wala akong balak ibigay ang virginity ko habang hindi pa kami kasal. Pakasalan nya muna ako noh!"

Napalunok si Zed sa sinabi. Tila nabigla yata ito.

"Is that a marriage proposal you got there, Debline?" I asked.

"Naku, bro! Inunahan ka ng mag propose. HAHAHAHA!" added Tom.

We all laughed. Kahit natatawa kaming lahat, halata ko talagang may something na nangyari kay Debby. Hindi ko alam. Something weird. Hindi ko na lang muna sya tinanong. Pero dapat kong malaman.

Pagkatapos ng agahan, umuwi muna si Zed at nagpalit. Si Debby, nasa swing lang. Nagpapahangin. Tinitignan nya yung mga rosas. Nilapitan ko sya.

"May iniisip ka?"

"Ha? Wala, Kaye. Masaya lang ako."

"Debby... Okay fine. Do you want some tea or something?"

"Kaka breakfast lang natin. busog pa ako. Pero sige. Water na lang."

"Okay. I'll get it for you."

Tumayo ako. Tahimik ulit sya. Nakatanaw sa malayo. Ang lalim ng iniisip. 

Ano ba talaga ang nangyari, Debby? Ano ba yang iniisip mo? 

I sighed and get her a glass of water.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon