Chapter 21

158 6 0
                                    

"Libre na ang copies nyo ng magazine."

"Talaga kuya?" nanlaki ang mga mata nina Isay, Chayen at Anne.

"Oo. Libre na. Here's my business card. Puntahan nyo lang ako sa office."

Nagbunyi ang mga teenagers. Nagpaalam na rin sila kina Debby at Zed. Almost 5 PM ng natapos sila.

"Nag enjoy ako sa photoshoot."

"Sayang nga eh. I haven't captured the sunset na andun ang couples."

Napatitig si Zed kay Debby.

"May dumi ba sa mukha ko?"

"Ah," nahihiyang tugon ni Zed. "...wala naman."

Naglakad-lakad muna sila at nakadaan sa isang stall ng kwek-kwek at fishball. They stopped para kumain. Pinakyaw na ni Zed ang tinda ng manong para makauwi na ito. Tuwang tuwa naman ang matanda. Tinitigan lang ni Debby si Zed.

Ibang ibang Zed ang nakikita ni Debby. Pakiramdam nya, ibang tao ang kaharap nya. Hindi ganito ang Zed nuon. Biglang lumakas ang kaba sa dibdib ni Debby. Kinakabahan sya na parang ewan.

"Ayos ka lang?" hindi nya namamalayang kanina pa sya nakatitig kay Zed.

"Wala. Umuwi na tayo."

"Walking distant lang naman bahay mo dito. Ihahatid na kita. I'll take a cab."

"Okay. Sige. Ikaw ang bahala."

Nagpaalam sila sa manong at naglakad. Out of nowhere, he asked.

"Do you want to see the sunset?"

"Ha?"

"Di ba sabi mo hindi mo na capture ang sunset."

"Oo pero wala namang couples dito."

"Why? Hindi mo ba pwedeng i.capture ang sunset kahit walang couples? I mean anyone can see the sunset."

He has a point.

"Okay. Sige."

Umupo sila sa gilid ng karagatan. Medyo malapit sa pantalan lang din kasi ang park. Parang baywalk yung set up nila. Umupo sila doon.

"Kumusta ka?"

"Okay lang. Okay lang naman. Bakit?"

"Hindi. I mean, kumusta ka pagkalipas ng limang taon?"

She froze. Thinking. "Okay lang. Okay lang naman. Eh ikaw? Kumusta ka?"

"Hindi ko alam. Ang tanga, di ba? Ako yung nang iwan, ako yung parang ewan," habang kinakamot ang ulo.

"Eh kumusta naman kayo ni Julia? I heard naging kayo."

"Yun? Ayun. Naging kami nga pero hindi naman nag work-out yun."

"What do you mean?"

"Kasi kahit anong pilit kong mahalin si Julia, ikaw pa rin ang mahal ko."

Tumayo si Debby sa pagkakaupo.

"Uuwi na ako. Kailangan ko pa kasing ibigay ito kay Tom. Sige."

"Mahal kita, Debby. Mahal pa rin kita."

Napalingon si Debby sa sinabi ni Zed. Unti-unting lumalapit si Zed. Kinuha niya ang mga kamay ni Debby.

"Ang tanga ko noon pinakawalan kita. Nung iniwan kita. Ang tanga ko nung niloko kita. I'm sorry, Debby."

"Zed, pwede ba. Wag ngayon."

"Mahal kita, Debby. Mahal na mahal kita. Noong nagkita tayo, akala ko nakalimutan na kita. Akala ko, hindi na kita mahal. Pero hindi. Mas tumindi ang nararamdaman ko para sa iyo. Gusto kitang kausapin noong mga panahong nasa New York ka. Tinatawagan kita peri kapag sumasagot ka na, natakot ako. Natakot ako na baka ayaw mo kong kausapin."

"Zed, tama na."

"Hindi, Debby. Gusto kong malaman mo ito. Nung nalaman kong kayo ni Raphy, ang sakit. Siguro nga't naka move on ka na. Pero, Debby, mahal kita."

"Bakit ngayon lang, Zed? Bakit ngayon pa? Pinagpalit mo ko. Halos mamatay ako kakaisip kung anong problema sa akin. I died," napaluha si Debby.

"Debby, mahal kita. At araw-araw ko yung papatunayan sa'yo. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, gagawin ko yun."

"Hindi ko alam, Zed."

"Do you still love me, Debby? Do you?"

Tumutulo pa rin ang mga luha ni Debby. Tumango lang si Debby. It was sunset. Niyakap sya ni Zed. She hugged him back.

They walked papunta sa car. Zed drove her home.

Sa labas ng gate, he bidded her goodbye. He hugged her and kissed her. She responded to the kiss.

"I love you, Debby."

"Mahal din kita, Zed."

At pumasok na sya sa bahay. Zed took a cab home.

Forgiveness. Siguro, tama nga si yaya Coring. Napatawad na nga siguro ni Debby si Zed. Panibagong simula nanaman ito para sa kanila.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon