Prologue

468 6 1
                                    

A new beggining, a new start. Sabi nga nila, it's in pain you'll learn and move on. Pain is part of growing. Yun yung ginawa ko.

It's been what? 5 years ago since the last time I went through hell. Iyak dito, iyak doon. Such a drama queen.

Parang si Laida Magtalas ang peg ko ngayon. This is my version 2.O. 23 na nga ako. 23, witty, active and living. 

Yes. LIVING as in L.I.V.I.N.G.

After Zed and I broke up, mas naging matalino na ako sa pag-ibig. Well, what can you think naman di ba if you're just too young to be in love with a stupid guy who easily tempted with some beeyatch. 

Well, I'm not bitter. I'm better. Oh, pa arrive na pala ang eroplano ko.

Yes. I went to New York to study. Stupid am I. Napilitan lang akong mag-aral doon. Pano ba naman kasi, sinundan ko si Zed sa Chicago after the break-up.

Hindi yung break-up sa lunch time. Kung hindi yung OFFICIAL break-up namin ni Zed. It was our 1st anniversary sana kaso...

*flashback*

dialling...

"Hello?" Zed, on the other hand speaking.

"Bhe?"

"Napatawag ka?"

"San ka ngayon?"

"Ahh. Nasa... Nasa.. Nasa bahay lang. Why?"

Sinungaling.

"Wala ka ba'ng nakakalimutan ngayon?"

"Ha? Debby? Hindi mo naman birthday di ba?"

"Hm. Hindi nga."

"Teka, ba't ba ang dami mong tanong ngayon? Nasan ka ba?"

"Ako? Heto. Nanonood."

"Ng sine? Sinong kasama?"

"Hinde. Pinapanood ko kayo ni Julia na nagyayakapan at naghahalikan sa isang tabi habang kausap mo ko."

Bigla na lang s'yang nanahimik. Tumutulo na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Hinahanap nya ako sa madla. Hindi na sila nahiya. Sa mall pa talaga nila ito ginawa. Sa dami ng lugar, bakit dito pa kung saan madaming makakakita? At timing kasi may binili ako sa bookstore. Tadhana nga naman.

Nakita na nya ako. Hindi ako nakagalaw. 

"Debby, I'm..."

Bigla ko s'yang nasampal. Galit at poot ang nararamdaman ko. 

"It's not what you think... Debby!" iniwan ko sya at naglakad palayo. Hinila nya ako uli.

Sinampal ko uli s'ya. Lumapit sa amin si Julia.

"Ano? Masarap ba'ng yumakap at humalik ang BOYFRIEND ko?"

"Debline, I..." panimula niya.

"Hindi ko naman kasi alam Zed na pinagpraktisan mo pala ang babaeng yan. Ano? Tinetesting mo ba kung masarap kang yumakap o humalik? Sana sinabi mo sa akin."

"Debby, don't start a fight here. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao," sabat ni Zed

Indeed. They've been looking at us.

"Why? Am I making a scene here? Well, may DELIKADESA pa akong tao at may RESPETO pa ako sa sarili ko. Hindi katulad ng IBANG BABAE dito na halos ikaladkaran na ang sariling katawan sa BOYFRIEND ng iba. Oh! sa EX-BOYFRIEND na iniwan s'ya."

"Debby, wag tayo dito mag-u.."

"Bakit Zed? Nahihiya ka pa sa lagay na yan? Wow! Ang KAPAL ng mukha mo para magkaroon ng konting kahihiyan."

"Debby! Ano ba!"

Naririnig ko yung mga tao na nagbubulungan.

"Well, I'm glad na ako mismo ang nakakita at hindi sa iba. Alam n'yo, ang BAHO dito. Makaalis na nga. Ang BABAHO kasi ng pagmumukha nyo."

Hinawakan ako ni Zed.

"Bitiwan mo ko!"

"Ayoko!"

"Ah! Ganun ah!"

Sinapak ko s'ya. Alam kong nasaktan s'ya. Kung tutuusin kulang pa sa sakit na ginawa niya sa akin ang ginawa ko. Yung harap-harapan kang lokohin ng kaisa-isang taong minahal mo sa tanang buhay mo. Grabe! Ang sakit!

Tumakbo ako at nagpara ng taxi. Alam kong hinabol niya ako pero hindi ko sya pinansin. 

*end of flashback*

Yun na nga ang nangyare. That was after graduation. After that incident, nalaman ko na lang na babalik na ng Chicago si Zed. Stupid I am, sinundan ko sya after 3 months para mas saktan pa ang sarili ko. Pagdating ko dun with Kaye and Tom on my side, nakita namin si Zed and Julia, living happily ever after. Nagtanong-tanong rin kami about them. Just like a stalker. Nagkabalikan nga ang dalawa. 

They encourage me to go back to the Philippines pero I decided to stay in Chicago. They decided to stay as well. Napadpad ako ng New York dahil may nagbukas na oppurtunity sa akin. Sumunod lang si Kaye noong nakakuha s'ya ng trabaho as waitress sa isang fast-food chain doon and Tom as photo developer. A known publishing company offered me a job as an assistant. Low paid but okay naman. Hindi lang pagiging assistant ang ginawa ko, I also join Kaye sa pagiging waitress. Nag college kami. I took up journalism. Tom took up Arts Major in Photography and Kaye took up business management.

Heto, graduate na nga kami. Hindi na ako assistant kung hindi isa ng fulltime writer sa magazine na ginagawa ng the said publishing house. Kaye's been working as a bank teller and Tom, well, a fulltime photographer.

Para nga talagang Laida Magtalas but then hindi naman ako bumalik ng Pilipinas to work. Rather that gusto ko magbakasyon. Gusto namin magbakasyon. Makita muli si Yaya Coring.

Zed's not in the Philippines rin naman so safe. Besides, I already moved on. Moved on from that stupidity.

Nakalabas na kami ng airport. Hindi na kami sinundo ni yaya since she's old naman. So, she send us a driver. 

"Ready ka na?" Kaye asked me.

"Of course! I'm always ready."

"Let's go girls. Your bags' on the car now."

Home sweet home.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon