Segue

165 4 0
                                    

"Kumusta naman ang anak ko, attorney?"

"Maayos naman."

"Napilit mo bang magsampa ng kaso?'

"Yun na nga, kumpadre. Ayaw magsampa ng kaso ng anak mo. ayaw daw nya ng gulo."

"Manang-mana sa mama niya. Always on the peace side."

"Bueno, kumpadre. Mauuna na akong umalis."

"Salamat, kumare. Sabihin mo na lang kay Eduardo na binabati ko sya sa kanyang pagkapanalo sa karera kumakailan lang."

'Walang problema, Charles. Bueno."

Nag kamay silang dalawa. Matalik na magkaibigan at isa sa mga kliyente ni Atty. Leyla Perez si Charles Seigfried. Sya ang humahawak sa mga assests at legal adviser na rin ni Charles.

Charles is a good man. Sya ang kinikilalang ama ni Zed. Bestfriend sila ni Emily. Pero may lihim pa rin itong tinatago buong buhay nya. Ang lihim na matagal na niyang dapat ituwid. Ang lihim na may anak sya, isang babae.

Andrea Antoinette Sequia-Seigfried. Yan ang ipinangalan ng ina nya sa kanya. Bunga ng pagkakamali si Andrea. Bago pa man sila ikasal ng pekeng misis nya na si Emily Tan, nabuntis na ang babaeng naka one night stand nya. 

Mabait na babae si Heide Sequia. Anak ng may-ari ng Azucarera de Sequia, kalaban ng kanyang pamilya sa negosyo. Nagkamabutihan sila ng dalaga at nagbunga ito ngunit nalaman na lang ni Heide na ikinasal na si Charles kay Emily.

Limang taon nuon si Andrea ng malaman ni Charles na may anak sya. Magkasing-edad lang din sila ni Zed. Kaya, pinahanap niya si Heide at kinuha ang bata. Hindi rin naman ipinagdamot ni Heide ang bata at binigay ito agad-agad sa kadahilanang mas mabibigyan nito ng magandang kinabukasan ang anak kesa sa kanya. Isang Mafia ang napangasawa ni Heide at nais nitong ipapatay si Andrea, ang nag-iisang tagapagmana ng Azucarera.

Isang trahedya ang nangyari sa mag-ina na naging hudyat ng kawalan ng memorya ni Andrea. Inakala ng asawa ni Heide na nagloloko sya at nais rin syang ipapatay nito. Kaya tumakas siya.

Pinagbababaril ang sasakyang sinasakyan nila at nabangga ito at nahulog sa bangin. Nakita mismo sa dalawang mga mata ni Andrea ang nangyari sa ina at himalang nabuhay ito sa bingit ng kamatayan. Nalaman ito ni Charles at agad-agad itong idinala sa isang safe na lugar. Pinalitan niya ito ng pangalan dahil hindi rin naman ito tanggap ng pamilya nya. Alam din ni Emily ang lahat.

Si Andrea Antoinette Sequia-Seigfried ay pinangalanan nyang Debline Sy. Pina ampon at pinaalagaan kay Corazon Gonzales, katiwala nila. May anak itong nagsasanay para maging magiting na bodyguard, si Thomas Gonzales. Limang taon ding inalagaan ni Tom si Debby sa hospital kung saan commatose ito.

Sa takot na baka mainlove at hindi maisakatuparan ang planong pagpapakasal nya sa dalawang anak, pinaampon niya sa mag-asawang Alfredo at Elena Smith, dalawa sa magigiting niyang bodyguards si Debby. Nang mga panahong iyon, gising na si Debby ngunit tulala. Hindi naglaon, nalaman ito ng asawa ni Heide at pina ambush ang dalawa. Kaya, ang anak nilang si Kayenah Smith ang nagpatuloy sa gawain ng kanyang mga magulang. Trained din si Kaye. Lumipat sila ng bahay at doon, namuhay sila na matiwasay.

Flashback

"Hindi lahat ng lihim ay maaaring itago, Charles. Alam mo yun!"

"Alam ko, Emily. Pero para rin ito sa kaligtasan ni Andrea."

"Charles, mali. Mali itong ginagawa natin."

"Ito lang ang paraan para matanggap sya ng angkan ko, Emily!"

"Do you ever think na..."

"Emily, trust me on this."

"Gusto ko syang makilala."

"Makikilala mo rin sya sa tamang panahon."

"Kailan pa?"

Pumasok sina Kaye at Tom sa kwarto kung saan nag-uusap sina Emily at Charles.

"This is Thomas Gonzales, ang mangangalaga kay Zed simula ngayon."

"Bodyguard? Batang bodyguard? Are you insane?!"

"Hindi. Si Tom at Kaye ang magtutupad sa mga plano natin."

"Plano mo, Charles. Kung may mangyayaring gulo man, wag na wag mo kaming idamay ng anak ko."

"Anak ko rin si Zed! Kahit ampon lang natin sya, anak ko si Zed. Tsaka hindi naman niya malalaman na bodyguard niya si Tom. He'll act as a friend to Zed."

"Sa Chicago ko pag-aaralin si Zed, Charles."

"Doon din mag-aaral si Tom."

"Yang batang babae, sino ang aalagaan niya?"

"Si Andrea. Si Andrea ang aalagaan niya. Nasa puder din ng mga smith si Aling Corazon, ang ina ni Tom. Sila ang mag aalaga kay Andrea."

"Hindi kita maintindihan, Charles."

"Emily, just agree on this."

Hindi na maka argue si Emily. She agreed and concealed the deal with witnesses like Atyy. Leyla Perez and her husband, General Eduardo Perez.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon