Chapter 16

164 4 0
                                        

"Ate Debby! Ate Debby!"

Binati agad sila ng mga batang nasa hallway. Pati nga si Cherry ay binati rin sila.

"Good to see you, Debby. Last year ka nung bumisita dito."

"Oo nga, Cherry."

"Na miss ka tuloy ng mga bata. Teka, sino ba yang kasama mo?"

Biglang lumapit si Zed after nya ma park ang sasakyan.

"Cherry. Hi! It's nice to see you."

"Zed? Ikaw nga! Wow. You're looking good," pagpupuri ni cherry kay Zed.

Kinuha ni Zed ang kamay ni Cherry at hinalikan ito.

"As always. You're pretty."

"Ay sus. Nambola ka pa."

Biglang may lumapit na lalake sa kanila.

"Debby! Hello! Kumusta ang New York?" sabay yakap kay Debby ng mahigpit.

"It's nice to see you, Jack."

"Ah. Jack, this is Zed. Zed, this is Jack. Asawa ko."

"Hello, Zed."

"Hey."

Nag shakehands ang dalawa.

"So, I guess we'll start?" broke off Jack.

"I need to get something sa trunk. Susunod na ako." Zed said.

Nagpunta sila sa isang playground. Mas maraming mga bata ang naglalaro.

"So, I guess hindi totoo ang balitang nag split na kayo," Cherry said.

"Hindi. Client ko lang si Zed. We're not... dating."

"I see. Sayang naman. Talagang bagay kayo."

"Pwede ba, Cherry." Debby let a force laugh.

"Eh sa totoo naman."

Lumapit si Jack.

"It's all set. Let's take shots."

"Okay."

Hawak-hawak ni Jack ang light dimmer. Biglang pumasok rin ng playground si Zed after unloading those cartons of food. Halatang napagod sa ginawa dahil pawis na pawis ito. Lumapit sya kay Cherry habang si Debby is taking shots with Jack.

"Wow. Ang daming pagkain. Salamat, Zed."

"It's nothing, Cherry."

"Kumusta ka na? After graduation, I heard you flew sa Baltimore with Julia. Kayo pa rin ba?"

"No. Wala. Wala na kami. Matagal na. mag iisang taon na rin."

"So totoo nga talaga."

"Ikaw? Kailan mo pa naisipan to? Ang School for the Orphans I mean."

"Si Jack. Tinayo na nya ito. Pero tila babagsak na nga rin eh."

"Why?"

"Financial. Dumadami ng dumadami ang mga bata. Mas lumalaki yung maintenance. Tapos not enough sponsors pa. Kaya in a month, isasara na namin to. Naghahanap na nga kami ng pwedeng lipatan ng mga bata."

Biglang natahimik si zed habang pinapanood ang mga bata na masayang nagpapapicture habang naglalaro.

"Si Debby, how did she..."

"Isa sa mga sponsors namin sila Debby. Monthly silang nagpapadala para sa mga bata."

Nakikita nya kung gaano kasaya rin si Debby sa ginagawa nyang pag pipicture sa mga bata.

"Ihahanda ko lang ang merienda."

Nakatayo lang si Zed nang iwanan sya roon ni Cherry. Iniwan rin ni Jack si Debby para tulungan ang asawa nito.

So, Zed instantly went to Debby for help.

"Need help?"

"Wag na. Dun ka na lang sa tabi. Kaya ko na."

She arranged the children according to what she planned. Then, took a picture of them. Tinignan nya yung nakuha nyang litrato. It was a dim one.

"I told you, you need help."

"Pwede ba, Zed. Wag ka ngang manggulo."

"Sino ba ang nanggugulo? I'm just helping."

"Helping? I doubt."

"Ba't ba ang init ng dugo mo sa akin? Ha?!"

Nakatitig lamang si Debby at hindi na sumagot dahil tinawag na nina Cherry ang mga bata para sa lunch. Sumunod na rin sina Zed.

Pagkatapos kumain, nagpahinga muna sila at tinignan nila ang mga litrato. Halatang naiinitan si Zed dahil hinubad nya ang kanyang suit at necktie at nag roll up ng sleeves. Nilagay nya iyon sa isang upuan.

Nakipaglaro rin sya sa mga bata. Mga 3 PM na nang muli silang mag trabaho ulit.

Habang nag sho-shoot yung ibang mga bata, yung iba naman ay nakikipaglaro rin kay Zed. It will be a candid shot kaya pinicturan ito ni Debby. Stolen shots ang ginagawa nya. Halata kasing enjoy si Zed sa paglalaro sa mga bata. Tinitignan din ni Zed si Debby. Sinusulyapan ang bawat galaw ng dalaga.

Nag pack up na si Debby habang si Zed ay nag eenjoy pa sa paglalaro. Nhohorse-back riding, nakikipaghabulan, taguan at kung anu-ano pa. Habang tinitignan, napa smile si Debby.

Hinila si Debby ng mga batang gustong makipaglaro rin kay Zed. Binigay nya yung camera kay Jack at sumali sa laro.

Piniringan rin ng mga bata si Debby. Hinabol ni Debby ang mga bata. Tawa sila nang tawa. Jack took shots. Hanggang sa magkabangga sila ni Zed at nahulog sa ground. Tinanggal agad nila ang mga piring at nagkatitigan sa mata. 5 seconds stare kumbaga. Dali-dali ring tumayo si Debby.

Tinukso agad sila ng mga bata. Umalis agad si Debby at lumapit kay Cherry para mamaalam.

Nakaupo pa rin sa sahig si Zed, madungis sa paglalaro nang lapitan sya ng isang bata.

"Kuya Zed, boyfriend ka ba ni ate Debby?"

Nag smile lang si Zed sa bata at kinurot ito sa cheeks.

"Ang cute mo rin noh? Hahahaha!"

Yung ibang bata naman ay lumapit kay Zed at tinatanong kung cute sila.

---------------------------------------------------------------

7 PM na nang makarating sila sa bahay ni Debby. Halatang nag enjoy ang dalawa sa photoshoot.

Pagkarating ni Debby, laking gulat nya ang naroon. Si Raphy, galit na naghihintay sa kanya.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon