Chapter 23

162 3 3
                                    

"Ayun! Andito na rin," sambit ni Tom.

"Magandang umaga po, Aling Coring."

"Magandang umaga rin sa iyo, iho. Oh sya. Mamamalengke muna ako. Mag-iingat kayo sa byahe ha."

"Sige po, ma. Mag-iingat rin kayo. Yung susi, dala nyo ba?" Said Tom.

"Hay naku, Thomas. Nasa bulsa ko na. Oh sya." Umalis na si yaya Coring.

"Sorry, bro. Si Debby?" Asked Zed.

"Ayun. Nasa taas pa sila ni Kaye. Alam mo naman. Mga babae. Pag sinabing 5 minutes, halos isang oras. Hihihi."

"Uy! Narinig ko yun ah!" Panggugulat ni Kaye na kanina pang nakababa. "Hello, Zed."

"Hi, Kaye. Si..."

"Si Debby? Ayun. Nasa taas pa. May inaayos pa. Work-related."

Natawa lang si Zed. Sa isip ni Zed, she's really workaholic.

"Andito na ba lahat?" Nagmamadaling bumaba si Debby.

"Ikaw na lang ang hinihintay," ani ni Kaye.

"Sasakyan ko na gagamitin natin," said Zed.

"What are we waiting? Let's go." Urged Tom.

Nauna ng lumabas sina Kaye at Tom dala ang mga gamit at laruang pinack nila for the children. Nakapag shoppig rin kasi ang dalawa ng mga books, clothes at toys.

Nilapitan agad ni Zed si Debby.

"Ang tagal mo. Nagpapaganda ka ba para sa akin?"

She chuckled. "Ang kapal!" At siniko nya ito.

"Ouch!"

"Sorry. Masakit ba? Nalakasan ko yata," pag-aalalang tanong.

"Oo. Sobrang sakit. Parang nabalian ata ako ng ribs."

"Sorry. Masakit pa ba? Teka. Ikukuha lang kita ng yelo."

"Wag na. Kiss lang naman katapat nito." Pumikit ito at ngumuso.

"Sira ka talaga." Halatang nainis.

"Uh guys? Maglalambingan ba kayo buong araw dyan?" break in Kaye.

Natawa lang pareho sina Zed at Debby at pumasok na ng sasakyan. Si Zed na ang nag drive at sa frontseat rin nakaupo si Debby.

"Ang dami mong dalang pagkain sa likod. Binili mo ba ang buong Jollibee?" Pagtataka ni Kaye.

Nagtawanan lang sila.

"Gusto ko lang kasi mag enjoy yung mga bata. Eh malayo naman yung Jollibee dun kaya bumili na lang ako."

Ikinuwento pa nya kung paano ng reklamo ang crew ng jollibee sa dami ng inorder nya na halos maubos na ang stocks nila sa dami. Nagtawanan ulit sila sa narinig.

After 2 and a half hours, nakarating rin sila sa orphanage. Binati agad sila ni Cherry at Jack. Kumain muna sila at ang mga bata bago sinimulan ang party.

Sinimulan agad nila ang party at halatang enjoy na enjoy ang mga bata. Nagbihis din na ala clown si Tom at nag make faces ito. Si Kaye naman ay nag ala fairy ang hitsura dahil sa pakpak nito.

Sina Debby at Zed ang nakipaglaro sa mga bata. Habulan dito, habulan doon. Enjoy na enjoy na nakikipaglaro at nakikisali sa mga games.

It was 3 PM na namigay sila sa mga supplies na dinala nila for the children. Halos hindi maipinta ang mukha ng mga batang nandoon sa orphanage.

May lumapit sa kanilang isang bata.

"Nana Cherry, dada Jack, totoo po ba na magsasara na itong school for te orphans? Kaya ba kayo namimigay ng laruan?" Halos mangiyak ang batang nagtanong nito.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon