Chapter 30

82 3 1
                                    

Nakarating ako sa Arcade ng mga bandang 12:30. Tinignan tignan ko ang paligid. Walang senyales na nandito si Rafael at si Debby. Wala akong dala na kahit na sino.

Nag-ikot-ikot muna ako sa arcade. Inalam ko ang mga pwedeng labasan just in case may mangyayaring hindi maganda. Inalam ko kung saan pwede makatakas pag binigay na nila sa akin si Debby. Biglang may...

*PHONE RINGING*

Paniguradong si Rafael na ito. Pinindot ko ang answer button. Huminga ako ng malalim.

"Asan ka na? Andito na ako sa tagpuan..."

"Zed! Zed si Debby ito."

"Debby?! Debby? Asan ka? Anong nangyari sa'yo?" pag-aalala ko.

"Zed, makinig ka," halatang takot na takot.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita. Ililigtas kita."

"Si Rafael. Si Rafael."

"Oo, alam ko. Saan ka niya dinala? Sabihin mo!"

"Zed, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita," she was sobbing while saying that.

"Debby, magkikita pa tayo. Pupuntahan kita. ililigtas kita. Right now, makikipagkita ako kay Rafael."

"Zed, umuwi ka na. Please. Hindi ko kasama si..." biglang naputol ang linya.

"Debby? Debby?!"

Tinawagan ko ulit ang numero. Pero cannot be reached na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"Damn it! Damn it, Rafael! Saktan mo lang si Debby. Ako ang makakalaban mo! You son of a bitch!"

Tinignan ako ng mga naglalaro sa arcade. Nagmumura ako sa galit.

=======================================================

(Debby)

Iyak pa rin ako ng iyak. Paano ako makakalabas dito? Maliit na bintana lang ang nandito. Halos walang hangin na makakapasok. Paano?

Ramdam ko nanamang papasok na ang tagapag silbi para mag iwan ng pagkain. Ni hindi ko kinain ang almusal na iniwan nya.

Pumasok ulit ang malaking babae. Iniwan nya ang tray ng pagkain. Nilapitan ko ulit sya at nagmakaawa.

"Parang awa mo na. Palabasin mo ko dito,"

Tinignan nya lang ako.

"Nakikiusap ako sa'yo. HUHUHUHUHU! Parang awa mo na."

Tinitigan lang ako ng babae. Lumuhod ako sa harapan nya. Niyakap ang binti nya.

"Parang awa mo na. HUHUHUHUHU! Kahit hindi mo na ako palabasin. Kahit isang tawag lang. Please. Let me do that. Please. HUHUHUHU!"

Tinanggal ng babae ang pagkakahawak ko sa binti nya at lumabas sya ulit ng kwarto.

Naiwan akong umiiyak. Gusto kong gibain ang pinto pero bakit hindi ko magawa?

Ilang saglit pa ay muling bumukas ang pinto. Ang babae, pumasok. May dala-dala sa bulsa nya. Dali-dali nyang sinarhan ang pinto.

"Bilisan mo. Ilang minuto lang ang natitirang tawag dyan," sabi ng babae.

Nagulat ako. Tinitigan ko muna sya.

"Ano? Hindi mo ba tatanggapin?"

Dali-dali kong kinuha ang telepono at tinawagan ko agad si Zed.

"Asan ka na? Andito na ako sa tagpuan..." anya ni Zed sa kabilang linya.

"Zed! Zed si Debby ito."

"Debby?! Debby? Asan ka? Anong nangyari sa'yo?" halatang nag-aalala.

"Zed, makinig ka,"

"Nasaan ka? Pupuntahan kita. Ililigtas kita."

"Si Rafael. Si Rafael."

"Oo, alam ko. Saan ka niya dinala? Sabihin mo!"

"Zed, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita," napatulo ang mga luha ko.

"Debby, magkikita pa tayo. Pupuntahan kita. ililigtas kita. Right now, makikipagkita ako kay Rafael."

"Zed, umuwi ka na. Please. Hindi ko kasama si..." biglang naputol ang linya. "Hello? Hello? Zed? Zed? Ba't nawala?"

"Sabi ko sa'yo konting tawag lang meron yan. Akin na," kinuha ng babae ang phone nya. Tinanggal ang sim nito.

"Salamat. Maraming salamat." Umiiyak pa rin ako.

Nilapitan ako ng babae at niyakap.

"Tahan na. Pasensya ka na.Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Wag mo lang ipagsasabi sa kahit na sino. Ako si Betty."

"Debby. Ako si Debby. Maraming salamat, Betty. Hindi mo lang alam kung..."

"Ilalabas kita dito."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"A-ano?"

"Ilalabas kita dito, mam Andrea. Hindi mo ko marahil kilala pero tandang-tanda pa kita, mam Andrea."

Naguguluhan ako.

"Akala koy patay ka na. Batang paslit pa lang ako ng makita kita. Sanggol ka pa lang nun. Nakita kitang lumaki. Hanggang sa isang trahedya ang nabalitaan namin."

"Kilala mo ako?" tinignan ko sya.

"Oo. Anak ni Mam Sophia, ang babaeng nagpaaral sa akin noon. Nung malaman kong hindi trahedya ang pagkawala ni Mam Sophia, pinangako ko sa sarili kong ipaghihiganti ko sya lalo na nung malaman kong sina Don Alejandro lang ang naging puno ng lahat. Ginawa nya akong katulong sa bahay na ito. Hindi na pinag aral ulit."

"Aling Betty,.."

"Wag kang mag-alala. Ilalabas kita dito. Oh sige na. Hahanap pa ako ng tyempo. Maraming nagbabantay sa labas."

Nung may biglang kumatok ng pinto, tinulak nya ako. Minura-mura. Parang yung Aling Betty na nakilala ko, nag-iba bigla. Biglang pumasok ang isang lalake.

"Anong nangyayari dito?" anya nung lalake.

Nasa sahig na ako ng madatnan nya.

"Bwisit! Kukunin ba naman ang susi ko!"

"Hayaan mo na yan. Ikaw lang mapapagalitan ni ser nyan."

At lumabas na silang dalawa. Nakapadlock na ang pinto.

Alam kong makakalabas ako dito. Ilalabas ako ni Aling Betty. Konting tiis Zed. Magkikita rin tayo.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon