Chapter 19

153 5 0
                                    

"Zed? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha," tanong ni Kaye na binubuksan ang gate at pinapasok si Zed sa loob.

"I bought food."

"O, bro," sabay shakehands at pat sa back. "Nice to see you."

"Tom. Kumusta?"

"Okay lang. Anong ginagawa mo dito?"

"Oo nga. Nagdala ka pa ng pagkain. Kumain ka na ba?" added Kaye.

"Oo. Nag dinner na kami ng mga empleyado ko. Si Debby?"

"Ayun. Nasa swing. Nagpapahangin. Ayaw kumain," said Kaye.

"Tinignan na rin sya ni Dr. Toralba kanina at kinausap rin nya si Atty. Perez. Pero mukhang ayaw nyang magsampa ng kaso," added Tom.

"Nag-aalala nga ako sa kanya eh. Ni hindi nga kinain yung pagkaing dinala namin sa room nya," said Kaye.

"Ganun ba? Anong nangyari sa abogado? Magsasampa ba ng kaso si Debby?"

"Yun nga, bro. Ayaw nyang sampahan ng kaso ang manyakis na yun. Ayaw nya ng gulo," answered Tom.

"Lapitan mo na lang. Kanina pa yan sa labas," said Kaye.

Nilapitan ni Zed si Debby na nasa swing. Pinitas nya ang isang rosas na nasa hardin. Isang puting rosas. Hinubad nya ang kanyang vest.

"Sabi nina Kaye, kanina ka pa dito," sabay isinuot ni Zed kay Debby ang vest nya.

"Zed? A-anong g-ginagawa mo dito? Gabi na."

"Para sa'yo," sabay bigay sa rosas na pinitas nya.

Nag smile lang si Debby habang tinatanggap ang rosas.

"Pwede bang maupo sa tabi mo, binibini?"

"Sira ka talaga."

Umusog sya para makaupo ako.

"Hindi ka raw kumain."

"Wala akong gana."

"Kahit konti, kumain ka. Magpalakas ka para sa laban mo kay Raphy."

"Ayoko ng gulo, Zed. Ayokong mag stay ng matagal dito sa Pilipinas. Masyading magulo."

"Kahit na. Nagdala ako ng fruits. Kukunin ko lang..."

"Kakain na ako pag gutom ako."

Katahimikan ang bumalot sa kanila. Ni isa, walang nagsalita sa kanila.

"Salamat nga pala."

"Salamat saan?"

"Sa pagdating mo kanina. Sa pagligtas mo sa akin kanina."

"Wala yun. Nagkataon lang yun."

"Pero bakit ka nga pala nandun?"

"Ah, yun. Nagkataon lang na may kliyente rin akong nandun. Nakita ko si Raphael tapos nakita kita. Hindi ko na kayo nilapitan kasi..."

"Kasi...?"

"Ah. Wala."

"Pero salamat. Kasi kung wala ka dun, baka ano..."

"Debby, look. Hindi ko hahayaang mangyari yun sa'yo. Dahil...dahil..."

"Dahil?"

"...dahil kargo ka ng kumpanya kung ano ang mangyari sa'yo."

"Ganun ba. Pero salamat."

Binalik ni Debby ang vest ni Zed. May halong asa at lungkot ang mukha nito.

"Here. Pagod na ako. I need to rest para sa photoshoot tomorrow."

"Hindi mo kailangang magtrabaho muna kung hindi mo pa kaya."

"I need to finish the contract. Pagkatapos nun, I'll head back to New York and start anew."

"Debby, a... nevermind. Magpahinga ka na."

"Okay. Good night, Zed."

"Good night, Debby."

Halata ang pagkainis at pagkalungkot sa mga mata ni Zed. Ni hindi nya masabing mahal nya ito. Takot syang baka hindi na sya kausapin ni Debby ngayong nagsisimula na silang nagkakabutihan ulit.

"Balang araw, Debby. Sasabihin ko rin sa'yong mahal na mahal kita," bulong nya sa kanyang sarili.

Umakyat na si Debby sa kanyang kwarto.

Binuksan niya ang kanyang laptop at nagsulat sa blog nya.

"Our meeting was a mistake. I thought seeing you again makes me say that I'm completely over you. But no, I was wrong.

This day, you proved to me how manly you are. I thought you still love me. Asking you now, I know there's nothing. I hoped. Then again, I failed. Maybe you never loved me. Maybe you never thought of me as someone whom you'll cherish forever. In you perfunctory, I can still sense that I'm your last option. I thought you'll say you love after saving me. Like Spiderman to Gwen and Clark to Louise.

Chance. Just say you need another chance to make the things from the past work. Because, I still love you. I still do. Stupid am I not to stop loving you and fool enough for you to let me go."

Hindi nya tinapos ang ginawa nya. She closed her laptop without shutting it off. Kinuha nya ang rosas na binigay sa kanya ni Zed at dumungaw sa bintana. She had seen him off. Sa puntong iyon, hindi nya namamalayang tumutulo na ang luha sa mga mata nya.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon