Chapter 25

127 1 0
                                        

"Saan ka galing, Debby?" nag-aalalang tanong ni Kaye.

"Tawag kami ng tawag sa phone mo pero hindi ka naman sumasagot," dugtong ni Tom.

"Si Zed, pabalik-balik dito. Nag-aalala sa'yo. Oh! Ayan na pala sya," said Kaye.

Hindi pa rin sya makapagsalita. Tila may pumipigil sa kanyang magsalita.

"Mahal ko, saan ka ba galing? Nag-aalala ako sa'yo," sabay yakap sa kanya ni Zed.

Tinanggal ni Debby ang pagkakayakap nya. Tinulak niya ito palayo. Nilapitan sya ni Kaye.

"Wag mo kong hahawakan," nangingiyak na tugon ni Debby

"Debby, ano ba ang nangyayari sa'yo? Halika nga." nagtatakang tanong ni Kaye.

"Mahal ko, ano ba ang nangyayari..."

"Totoo ba? Totoo ba, Kaye? Tom? Zed?"

"Totoo ang ano, Debby?" tanong ni Tom.

"Totoo bang ako si Andrea Antoinette Sequia-Seigfried? TOTOO BA?!"

Nagulat sila sa narinig.

"ANO? SAGUTIN NYO KO! TOTOO BA? ANAK AKO NG AMA NI ZED?"

"Debby, hayaan mo kaming magpaliwanag," kinakabahang sagot ni Kaye.

"So, totoo nga. Totoo nga. Bakit kayo nag sinungaling? Sino ba talaga ako? Huhuhuhuhuhu!"

"Debby, Debby. Magpapaliwanag..." umiiyak na si Kaye.

"Kailan nyo pa alam? Ikaw Zed? Kailan mo pa alam? Huhuhuhu!"

"Mahal ko, hayaan mong ipaliwanag ko..."

"MAHAL? MAHAL MO NGA BA AKO ZED? O GINAGAMIT MO KO PARA MAKUHA ANG KAYAMANAN NG MGA SEQUIA?"

"Debby, mahal kita. Alam ng Diyos na mahal na mahal kita. Hayaan mo kong magpaliwanag."

Nilapitan sya ni Zed at niyakap. Nanlaban si Debby pero pinilit ni Zed na kumalma ito. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak.

"Sinungaling kayo! Sinungaling kayong lahat! Huhuhuhuhu!"

Umiiyak na si Kaye na nakayakap kay Tom. Si Tom naman ay nabalisa sa narinig. Nakayakap pa rin si Zed kay Debby at hindi ito pinakawalan kahit anong ginawang punch nito.

"Sinungaling kayo. Sinungaling kayong lahat!" at tumakbo ito papunta sa kwarto nya.

"Tom, anong gagawin natin? Pano nya nalaman? Zed? Ano na? Huhuhuhu."

"Kaye, kalma ka lang. Tatawagan ko lang si boss. Hayaan mong makapag-usap ang dalawa. Bro, Ayos ka lang?"

Namromroblema pa rin ang mukha ni Zed. Hindi nya alam kung anong gagawin.

* Zed's Flashback*

"Sir, you're here. I'll call Mr. Seigfried to inform him."

"No need Stacy. I'm here to surprise him. Where is he?"

"In his office, sir. He's talking to some persons, sir."

"Okay. I'll just wait for them here."

"Do you need coffee, sir?"

"No, thank you."

Minutes later...

"I think I can't wait for them. Just tell dad, I dropped by."

"Copy that, sir."

"Thanks, Stace."

Pumunta ako sa elevator para makaalis na ng madatnan ko si Dad, talking to... Kaye and Tom? I went closer to eaves drop.

"Tom, Kaye, alagaan nyo ng mabuti si Andrea."

Andrea? Sino si Andrea?

"Ginagawa po namin ang lahat, boss. Ginagawan ko nga po ng paraan para magka ayos ang dalawa," said Tom.

"Good work, Tom."

"Kinukumbinsi ko rin si Andrea na bigyan pa ng pagkakataon si Zed," added Kaye.

"Good, Kaye. Kayo na ang bahala sa anak ko. She's fragile like her mom. Tawagan nyo agad ako pag may kailangan kayo. Pakiyakap na rin sa anak ko."

Andrea? Anak? Balikan? Wait a minute.

"Areglado, boss," said Tom.

"Ako na ang bahala kay Zed. Tatanungin ko muna sya tungkol sa mga bagay-bagay. Baka naguguluhan lang din yun."

"Hayaan nyo po, kukumbinsihin ko rin si Zed na makipagbalikan kay Andrea," said Tom

"Debby's a strong woman, sir. Babangon rin po sya after madapa," added Kaye.

"Alam ko. Si Andrea. Kagaya ng kanyang ina. Hindi ko man sya masyadong kilala pero alam kong mabuti ang puso ni Heide."

Wait a minute. Si Andrea at Si Debby ay iisa? Anak sya ni dad sa ibang babae? Magkapatid kami ni Debby?

Nakita ako nina dad. Nagmadaling umalis rin sina Kaye at Tom. Pinapasok ako ni dad sa office. Kinausap nya ako. Kinuwento nya yung buong pangyayari.

Ngayon ko lang alam kung saan nakuha ni Debby ang amnesia nya. Masakit sa akin ang malamang ampon lang ako. Alam din pala ni mommy. Pero mas masakit pag nalaman ni Debby ang totoo.

Oo, grateful ako dahil inampon nila ako at binigyan ng pangalan. Galit? Siguro pero mas nag-aalala ako kay Debby. Kaya hindi. Hindi ako pwedeng makipagbalikan sa kanya.

Pinuntahan ko mga kabarkada ko. Naglasing ako at hindi ko na alam kung ano ang mga nasabi ko.

**End of flashback**

"Hayaan nyong ako yung kumausap kay Debby."

"Pero Zed..."

"Kaye, gusto ko syang kausapin."

"Hayaan mo na si Zed, Kaye. Sige bro. Ikaw na kumausap kay Debby."

"Salamat bro."

Umakyat si Zed sa taas. Nasa labas ng kwarto sya ni Debby. Panay ang katok niya dito. Pero hindi sya pinagbuksan ni Debby. Sa halip, pinapaalis ito.

"Debby, hayaan mo kong magpaliwanag."

"Umalis ka na, Zed! Ayaw kitang makita!"

"Makinig ka muna, Debby. Hayaan mo akong magpaliwanag."

"Para ano pa, Zed? So that you can lie to me again? Tama nga siguro si Raphy. Sya lang yung nagmamahal sa akin ng totoo!"

"Hindi. Sasabihin ko sa... Raphy? Si Raphael? Si Raphael ang nagsabi sa'yo?"

"Umalis ka na, Zed! Ayaw na kitang makita! Break na tayo!"

"Debby, kausapin mo ko! Paano nalaman ni Raphy ang tungkol sa'yo?" kinakatok pa rin ni Zed ang pinto. Ayaw pagbuksan ni Debby.

"Umalis ka na!"

"Debby! Buksan mo to. Mag-usap tayo! Ba't alam ni Raphy?"

"Umalis ka na!"

"Hindi ako aalis dito, Debby."

Hindi talaga sya pinagbuksan ni Debby. Nagtaka si Zed kung bakit alam ni Raphael. Bumaba sya.

"Anong sinabi, Zed?" nag-aalalang tanong ni Kaye.

"May kailangan akong malaman, Kaye. Bro, alis muna ako. Babalik din ako mamaya."

"Sige, bro. Mag-iingat ka."

"Salamat, bro."

Umalis si Zed sakay ang kanyang Montero.

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon