Chapter 24

140 1 0
                                    

*********** ONE YEAR LATER ************

"Mahal ko, andito na ako. Saan ka na ba?"

"Malapit na ako sa airport, mahal ko. Medyo na traffic kasi," anya ni Zed sa kabilang linya.

"Okay sige. Hintayin na kita dito, mahal ko. Ingat ka sa... AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"

"Mahal? Mahal?! aNONG NANGYAYARI SA'YO? Mahal?! Ma..." naputol yung kabilang linya.

Nagmamadaling mag drive si Zed. Pagkarating nya ng airport, hinanap agad niya si Debby pero hindi niya ito makita. Biglang nag ring ang phone niya. Si Debby, tumawag.

"Mahal?! Nasaan ka?! Anong nangyari sa'yo?" pag-aalalang tugon ni Zed.

"M-mahal. M-mauna k-ka n-na...M-may k-kakausapin l-lang a-ako," pautal-utal nitong sagot.

Sino ba yang kakausapin mo, mahal ko? Asan ka ba?"

"Wag ka ng magtanong, mahal! Ibababa ko na to. Sa bahay na tayo mag-usap," at binaba na yung phone.

Pinipilit tawagan ni Zed si Debby pero ayaw naman nitong sumagot. Tinawagan niya sina Kaye at Tom at nagmadali syang pumunta sa bahay nina Debby.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sino kayo? Saan nyo ko dadalhin?" habang tinitignan ang nakakatakot na mga lalakeng nagpumilit na pasakayin sya sa isang green na van.

Nagtawanan lang ang mga lalake sa loob ng van. Mga apat na lalake ang nakasakay which includes the driver.

"SINO BA KAYO?! SAAN NYO KO DADALHIN? SINO NAG-UTOS NA GAWIN NIYO TO SA AKIN? PAKAWALAN NYO KO! PAKAWALAN NYO KO SABI!" habang nagkikikilos pa rin sa loob ng van.

"Tumigil ka ngang babae ka! Gusto mo bang masaktan?!" sabi nung isang lalake.

"Naku, Henry. Wag mong saktan yan. Baka ikaw malagot ke boss nyan. HAHAHAHAHA!" sabi nung isang lalake.

"E sa ang ingay-ingay eh! Tsaka pa yang boypren nyang tawag ng tawag. Pag ako nainis talaga, ipapatira ko yan!"

"Yung babae lang yung kailangan natin. Tirahin mo yung boypren kung ayaw tumigil nyan kakaingay."

Natakot si Debby sa banta ng mga lalake sa buhay ni Zed.

"Wag! Wag nyong saktan si Zed. Wala syang kinalaman dito. A-ako na lang saktan nyo. A-ako naman kailangan nyo, di ba?" tumutulo na ang mga luha sa mata nito.

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong idamay natin ang boypren mo!"

Nanahimik si Debby. Sa takot na baka saktan nila si Zed, napaiyak sya. Nagtataka kung ano ang ginawa niya ba't abducted sya ngayon.

Nakarating sila sa isang bodega. Hindi niya alam kung saan banda. Isang madilim na bodega lang ang nakikita niya.

Pinababa sya ng mga lalake.  Pinapasok sa bodega at pinaupo sa isang silya. Nakakatakot. Madilim. Ginapos sya doon at nilagyan ng blind fold ang mata nya. 

"Sino ba talaga kayo? Parang awa nyo na. Huhuhuhu," nagmamakaawang samo nya.

Hindi sya pinansin ng mga lalake. Maya-maya'y nakarinig na lang sya ng pagbukas ng bodega at pagdating ng sasakyan. Narinig din nyang binati ng mga lalake yung dumating.

She heard footsteps coming. 

"Kumusta, Debby?" isang familiar na boses ang narinig nya.

"S-sino ka?" Ba't mo ko dinala dito?'

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon