Chapter 26

112 1 0
                                    

Madilim na. Hindi ko namalayan. Anong oras na ba?

Hinanap ko yung phone sa kama. Naka silent ito. Naka ilang calls and texts din sina Tom, Kaye and Zed. It's quarter to one.

Bumaba ako para kumain ng cookies. Hindi pa kasi ako kumakain since kanina pa. Sinigurado ko munang walang tao sa baba. Patay na lahat ng ilaw. Sigurado namang wala ng tao. Tulog na sila.

I had a cup of tea ang some butter cookies at dinala ko ito sa swing. 

"Gising ka papala iha?"

I startled hearing yaya Coring's voice.

"Go away. Gusto kong mapag-isa."

"Debby, alam ko na may alam ka na. Pakinggan mo muna ang paliwanag ko."

"Para ano pa, ya? Para pagtakpan ang ginawa ni Tom?"

"Hindi, iha. Andito ako para sabihin sa iyo ang totoo."

"Whatever yaya. Ayokong makinig sa lies mo."

"Andun ako! Andun ako bago ka pa ipinanganak at bago kayo nahulog ng nanay mo sa bangin."

"Stop it! Ayokong marinig ang paliwanag mo! Get away from me!" I tried covering my ears pero patuloy pa rin si yaya sa pag eexplain at pag kukwento.

"Katulong ako ng pamilya Sequia bago ka ipinanganak. Magkalaban na ang mga Seigfreid at Sequia dahil sa negosyo. Pero minahal ng nanay mo ang tatay mo kahit kaibigan lang ang turing ni Charles sa kanya. Pinaalis ako ng mga Sequia dahil tinulungan kong makatakas ang ina mo para makipagkita sa ama mo at sabihing nagkaanak sila. Na isa kang Seigfried."

Nagulat ako sa narinig. Hindi ganyang kwento ang sinabi sa akin ng ama ni Raphy.

"...nalaman iyon ng asawa ni Heide. Limang taon ka na noon nung mamatay ang lolo mo. Oo iha. Limang taon ka ng tinago ng mama mo sa papa mo sa takot na baka hindi sya paniwalaan ni Charles. Pero nagkamali si Heide. Nang malaman yun ni Charles, gusto ka nya agad makilala.  Ilang araw matapos ang libing ng lolo mo ang paglabas ng last will and testament. Ni isang kusing walang natanggap ang asawa ni Heide. Lahat ay napunta sa'yo."

"Ano? W-wala syang..."

"Nang malaman ng asawa ni Heide na magkikita ulit sila ng ama mo para ipakilala ka,.."

Biglang naiyak si yaya Coring.

"Ano na. ya? Anong nangyari ng araw na yun?" nanginginig ako.

"Narinig ko ang asawa ni Heide na gusto kayong ipapatay mag-ina sa mismong araw na iyon. Dali-dali kong tinawagan si Charles at umalis ako agad sa mansyon upang sana ay pigilan kayo. Pero huli na. Nakasakay lang ako sa taxi pero narinig ko at rinig na rinig ko ang putukan. Hindi agad nakalapit ang taxi dahil sa takot na baka madamay ito.Nung hindi na namin marinig ang putukan, nagpatuloy ang taxi at dun namin nakita ang sasakyang nahulog sa bangin. Nakatakas na sila bago pa man sila abutan ng mga pulis. Naghanap ako agad ng paraan para makababa ng bangin kahit delikado at nakita kita. Nakita ko kayo ni Heide. Binilin ka ni Heide sa akin bago sya pumanaw. Dinala agad kita sa pinakamalapit na hospital at tinawagan ko si Charles."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi yan ang kwentong sinabi sa akin.

"...Apat na taon kang parang lantang gulay. Isang araw, nagising ka na lang. Nakatunganga ka. Hindi nagsasalita. Hindi gumagalaw. Si Tom. Sya ang unang nag-alaga sa'yo. Isang taon ang nakalipas, pinalipat ka ni Charles sa isang safe na lugar at pinalagaan sa pamilya Smith, mga magigiting na bodyguards. Inambush din sila ng asawa ni Heide kaya sila namatay. Hindi kita iniwan, Debby. Dahil pinangako ko iyon sa iyong ina."

Hindi ko namamamalayang tumutulo na rin pala ang luha ko at katabi ko na pala si yaya Coring habang hinahawakan ang aking dalawang kamay.

"Maniwala ka sana na mabuti ang intensyon namin na itago ka dahil para sa ikabubuti mo rin yun. Hindi ko alam kung saan..." hindi ko sya pinatapos.

"Sa ama ni Raphael. Sa kanya ko nalaman ang lahat, ya. Niloko nya ako. Ibang kwento ang sinabi nya."

"Ama ni Raphael? Ibig sabihin..."

"Oo. Sya ang naging asawa ng aking ina. Ang taong nagpapatay sa amin. Sa akin. Ya, alam na nyang buhay ako."

"Debby, andito kami para proteksyonan ka. Sana maniwala ka sa amin."

I hugged yaya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Pumasok na rin kami sa loob ang I saw Zed, sleeping sa couch. Nilapitan ko sya at hinawakan ang mukha nya. Bigla syang nagising at tumayo.

"Mahal. Mahal, I'm sorry," habang hindi binibitawan ang mga kamay ko.

"Shh. I'm sorry. I'm sorry kung hindi ko kayo pinakinggan. Nyanon, alam ko na ang totoo."

"Mahal na mahal kita, Debby."

"Mahal din kita, Zed."

And I kissed him. Passionately kissed him. He kissed me back. I then hugged him tight. He hugged me back.

"Sa kwarto ko ka na matulog, mahal," I smiled at him He smiled back ang hold my hand while going upstairs.

Tila nawala yung galit ko sa mundo at tila parang lumaya ako. Gusto kong makilala ang ama ko sa pagkakataong iyon pero alam kong dapat ko pang ayusin ang gulo sa pagkatao ko .Alam ko na hindi tama na sila ang mag-ayos ng gulo. Ako. Ako ang kailangan ni Alejandro. Ako ang aayos nito. Ayoko silang madamay. Ayoko. Bukas. Aayusin ko agad ito. 

Chances (The Girl Ghost Writer 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon