Chapter Twenty-Three
Niño de Fuego
SANDALI lang nakaidlip si Elisha sa tabi ni Faye. Aalis sana siya sa tabi nito nang mapansing hawak nito nang mahigpit ang t-shirt niyang suot. Tulog na si Faye pero mukhang nakatulog ito na balot ng pag-aalala sa kanya. Maingat niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kanya saka ito kinumutan. Tahimik siyang lumabas ng kanilang silid at nagtungo sa unang palapag. Nang tingnan niya ang orasan ay alas-diyes na ng gabi.
Tiningnan niya ang labas ng bahay at nakita niya roon sina Emma, Evan, Erwan at Ethan. Ang mga ito ang nagbabantay sa kanila.
"Dumating na ba sila?" tanong niya sa mga ito.
"Hindi pa," sagot ni Emma. Habang wala ang apat niyang mga kapatid ay patuloy siyang mangangamba sa kaligtasan ng mga ito. "Ayos lang po ba kayo, Tio Elisha?"
Noong unang beses siyang tinawag ng mga ito na tio –maliban kay Ethan– ay nailang siya. Halos kaedad niya lang ang mga ito pero ganoon ang respetong ibinibigay ng mga ito sa kanila.
"Hindi ako mapalagay. Malamang ganito rin ang pakiramdam ni Elijah ngayon. Sana ay ayos lang sila."
"Mas makabubuting magpahinga na kayo. Ipapaalam agad namin sa inyo kapag dumating na sila," sabad ni Ethan. Napansin niyang may baril at kutsilyo na naksuksok sa tagaliran nito maging ang iba pa. They preparing for the worst. Tumango siya. Papasok na sana siya nang biglang nakaramdam ng kakaibang lamig sa paligid. Naging alerto ang mga kasama niya.
"May mga First Born," seryosong sabi ni Evan.
"Pumasok ka sa loob," utos ni Ethan sa kanya.
"Pero paano kayo?"
"Just go! Alert everyone," sigaw nito. Nagmamadali siyang pumasok. Umaakyat pa lang siya sa hagdan ay nakarinig na siya ng tili. It was a girl's scream.
NANG makarinig siya ng tili mula sa loob ng bahay ay parang tatakasan ng kaluluwa si Ethan.
"Tio, puntahan mo sila sa loob. Ipasara mo lahat ng mga bintana at pinto," utos ni Emma. Ayaw man niyang iwan ang tatlo, wala siyang magagawa dahil ang mga ito lang ang pwedeng kumalaban sa mga kagaya ng mga ito. Nagmamadali siyang pumasok ng bahay hawak ang kanyang baril. Nasalubong niya ang kanyang asawa sa ikalawang palapag ng villa pero hindi lang ito. Merong humahabol dito. Isang malaking itim na aso na namumula ang mga mata.
"Dapa!" sigaw niya kay Marcie. Automatic na dumapa ang babae saka niya binaril ang humahabol ditong aso na aatake na sana rito. He aimed for the forehead. One bullet knocked it off and it vanished. Agad niyang tinulungan si Marcie na makatayo. Nanginginig ito sa takot. "Babe. Maria Cecilia!" tawag niya sa asawa na natulala.
"Ethan?"
"Clear your mind," he ordered and handed her the gun. "Shoot anything unusual and supernatural. Focus. Help me. I want you to stay alive. You get it?"
Tumango ito at tila naka-recover na kahit papaano. Kinuha niya ang dagger na nakasukbit sa tagiliran niya. Ang pinakamalapit na kwarto ay kwarto nina Star. Nang buksan nila iyon ay naabutan nila si Star sa ibabaw ng kama yakap si Paulina. Blake was holding a pair of knife at base sa gulo ng kwarto, mukhang may nakalaban ito bagamat wala silang nakitang kahit na ano.
"Blake, I need your help," he said. "Babe, ikaw na muna ang bahala kina Star. Lock the door," utos niya. Tumalima si Marcie. Pumasok ito sa kwarto at nagsara ng pinto samantalang pinuntahan nila ni Blake ang iba pa. Ang alam niya ay nasa iisang kwarto sina Yñez, Sari at ang anak ng mga ito. Habang papunta roon ay tinatawagan ni Blake ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...