Chapter Forty-Four
Illusions of the Heart
A THUNDERBIRD trying to stop a Phoenix is not the usual kind of scenario you will be thrilled to watch especially if the latter was trying to burn the whole place and you're in the middle of it. The Thunderbird, despite being bigger in size, was hesitant to use it's full force. The Thunderbird knew the phoenix and didn't want to hurt it. The Thunderbird was now also weak from it's previous battle. She knew that the Phoenix was trying to restrain itself yet somebody was taking control of it. It flew and then landed in a cruel way like hurting itself.
"Gran matriarca, kailangan niyo pong umalis," tinig iyon ni Jorge mula sa likuran niya. Narinig niya ang matinis at tila nagmamakaawang tinig ng Phoenix.
"Kailangang mahanap ang puppeteer," aniya habang nakatingala sa Phoenix na muling lumipad. "Jorge, tulungan mo si Tio Armand na iligtas ang iba. Lumayo kayo rito sa villa," utos niya rito. Ang paligid ng villa ay nasusunog at ilang sandali lang ay tutupukin na no'n ang mismong villa. Agad na tumalima si Jorge. Inayos niya ang kanyang hood. Hindi siya dapat lumabas at walang dapat makakita sa mukha niya pero hiningi ng pagkakataon. Dalawa ang nabiktima niya at kahit kalaban ang mga iyon ay nabagabag pa rin siya. Ilang sandali na lang ay alam niyang hindi na mapipigil ni Carlitos si S kaya dapat may gawin siya. Pero kung magpapakita siya kay S at makikita siya nito...
The two mythical birds clashed in the air and the Thunderbird tried its best to bring the Phoenix down. Kapag nagpatuloy ang ganoong labanan, nangangamba siya na si Carlitos ang mapapahamak. Parehong bumagsak sa lupa ang Thunderbird at Phoenix. Parehong maririnig ang sigaw ng mga ito. Lumayo ang Thunderbird pero hindi na nito maigalaw ang isang pakpak sanhi ng pagkakabagsak. Hindi na ito makalipad. Ang Phoenix naman ay nagpagulong-gulong sa lupa, struggling to stand and fly. The fire in its body was blazing ferociously that it seems S was burning on its own flame. Its scream was agonizing. Paano niya ito tutulungan nang hindi niya ito ipapahamak?
PINIPILIT ni S na pigilan ang sariling lumipad pero tila may sariling isip ang katawan niya. Natutupok ng apoy ang anumang madaanan niya at marami siyang ipapahamak kapag walang nakapigil sa kanya. Ang malaking asul na ibon na kanina ay kumakalaban sa kanya ay hindi na makalipad dahil sa pinsala. Nang bumagsak silang pareho sa lupa kanina ay ipinagdasal niyang wala na siyang lakas para bumangon pero tila ngayon pa siya nagkaroon ng unlimited na lakas o baka dahil iyon sa may kumokontrol sa kanya. Ayaw na niyang lumipad kaya nagpagulong-gulong siya sa lupa. Pilit niyang nilalabanan ang pagkontrol sa kanya ni Catriona. Pilit niyang pinipigilan ang apoy na nagmumula sa kanya.
"S..." tawag ng isang pamilyar na tinig sa kanya. Natigilan siya nang marinig ang boses ni Pro. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses.
"Pro? Pro!" sigaw niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero nakikita niya si Pro na naglalakad papalapit sa kanya. Nakangiti siya nitong nilapitan. Lumayo siya rito dahil maaari niya itong masunog pero lumapit pa rin ito. "Pro, lumayo ka sa akin!"
"S, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisang lalaking minahal ko."
"Alam ko. Mahal na mahal din kita," aniya nang umiiyak. Nilukob ng matinding lungkot at pagkasabik ang puso niya na makasama ulit ang asawa. "Pro, gusto ko ng bumalik sa'yo."
"S, lumaban ka. Lumaban ka para sa'yong pamilya. Naghihintay sa'yo ang iyong ina at mga kapatid. Naghihintay ako sa'yo," anito saka hinawakan ang nag-aapoy niyang pakpak. Sa hindi niya malamang dahilan ay hindi ito nasunog.
Nakita niya ang biglang pagbabago ng expression ng mukha ni Pro. Natigilan ito at pumikit bago bumagsak sa harap niya. "Hindi!!!" sigaw niya nang makitang naliligo sa sarili nitong dugo ang kanyang asawa. Nasa harap niya ngayon nakatayo si Catriona at may hawak itong punyal na siyang ginamit nito upang saksakin si Pro sa likod. Nagmitsa iyon ng pagbangon ng lahat ng poot sa puso niya at paglagablab lalo ng apoy sa kanyang katawan.

BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...