Chapter Forty-One
Valiant and Veiled Emotions
HINDI alam ni S kung anong oras na pero ramdam niyang mataas ang kanyang lagnat. Nagsisimula na ang buwanang 'sakit' niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. Tumingala siya. He's head was spinning and he can feel the blood dripping from his nose. It wasn't the first time that he had a nosebleed because of too much heat. Umaabot hanggang fifty degrees ang init ng katawan niya kapag araw ng kabilugan ng buwan. Pinakamalala at pinakamataas na sigurong temperatura niya ay noong in-absorb niya ang apoy mula sa nasusunog na villa. Pero gaano man tumaas ang temperature ng katawan niya ay hindi siya namamatay. He is like a human phoenix, burning yet alive.
Pinahid niya ang dugo sa kanyang ilong. Hindi siya mapalagay sa sobrang init. Natigilan siya nang lumapit sa kanya si Desdemona. Naupo ito sa tabi niya at hinawakan nito ang kamay niya. Nakaramdam siya ng lamig pero inilayo niya ang sarili rito.
"Pwede kong pagaanin ang nararamdaman mong init," nang-aakit nitong sabi.
Umiling siya. "Mabubuhay ako kahit umapoy pa ako rito. Hindi ikaw ang kailangan ko. Kailangan ko ang asawa ko," mariin niyang sagot saka bumalik sa paghiga. Mariin siyang napapikit habang nasa isipan ang asawa.
"MASYADO mong ipinagtutulakan ang sarili mo sa kanya."
Binalingan ni Desdemona ang kasamahang si Alcides na nakatayo malapit sa pinto.
"Mainit kasi siya," pasimple niyang sabi. Inigkasan siya nito ng kilay saka umiling. "Kung naging ganito ka kainit, baka magustuhan din kita."
"Kaso hindi ako mainit, maingay lang ako," sarkastiko nitong sabi saka ngumiti. "Ang problema, hindi ka niya magugustuhan dahil may asawa na siya."
"Wala naman ang asawa niya rito."
"Kung may balak kang maging pamatid-uhaw lang ng isang lalaki, bahala ka sa buhay mo," naiiling nitong sabi saka siya iniwan. Balewala sa kanya ang pangungutya nito dahil gusto niya ang pakiramdam na malapit kay S. Gustong-gusto niya ang nararamdamang init mula sa katawan nito sa kabila ng malamig nitong pakikitungo sa kanya.
Hinaplos niya ang mukha ni S. Dahil tulog ito, hindi siya nito masasaway. Lihim siyang naiinggit sa asawa ni S.
"Akin ka na lang," bulong niya saka ito hinalikan sa labi. Dahil literal itong mainit, naramdaman niya ang init ng mga labi nito.
"Pro..." usal ni S. Natigilan si Desdemona.
"Kung wala ang sumpa, walang pipigil sa'yo na tumingin sa iba," aniya habang hinahaplos ang mukha ng lalaki. "Kung wala ang sumpa, sigurado akong madali para sa'yo na magtaksil sa asawa mo."
"Si Prosperity lang ang mahal ko, may sumpa man o wala," sagot ni S saka inimulat ang mga mata at tumitig sa kanya nang matiim. "At kahit wala ang sumpa ay hindi ka nakakasigurong magkakagusto nga ako sa'yo."
"Alam mo bang pwede kong gawin ang kahit ano nang wala kang magagawa?"
"Hindi mo ako pwedeng patayin dahil kailangan niyo ako mamayang gabi. Huhulaan ko, gusto mo akong makasiping? Hindi mo ako kailangan pwersahing gawin 'yon. Kayang-kaya ko 'yon pero wag mo akong sisisihin kapag 'di ka nasiyahan," nagngangalit nitong sagot.
Naiinis man ay tumawa si Desdemona saka lumayo kay S. Alam niyang kaya nitong gawin ang binabanta nito. "Binibigyan lang naman kita ng pagpipilian pero kung ayaw mo naman, walang problema," aniya saka umalis na ng silid. Lumabas siya sa kuta nila at inabutan niya sina Oberon at Malvolio na nakatambay sa labas.
"Ano? Tinanggihan niya ang alok mo?" natatawang tanong ni Oberon.
"Bakit tuwang-tuwa ka pa diyan?" naiinis niyang sikmat sa kasamahan.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...