Chapter Sixteen- Ultimatum

1.1K 59 21
                                    

Chapter Sixteen

Ultimatum


"YOU TELL him what?"

It was Ethan. Ipinaliwanag niya sa mga ito ang nangyari kaninang komprontasyon nila ni S. There is no reason to hide it from his comrades. Nang dumating sina Queen Diamond at ang iba pa ay agad silang nag-meeting sa studyroom. Excluded sa meeting si Marcie.

"It was him who approached me first. Walang rason na ikaila ko ang nalalaman ko tungkol sa kanya dahil alam niyang may alam ko. He is a First Born and I'm sure he also received an invitation from the Umbra. Naniniwala ako na siya ang mas gustong makuha ng Umbra kesa kay Zara. He is trying to conceal his ability but hey, sino ang niloloko natin? Ramdam natin lahat 'yon, except Tio and Marcie."

"So matagal na niyang alam ang pagiging ampon nila ni Star," Emman concluded saka tumingin kay Queen Diamond na kanina pa nananahimik. "Malamang alam din ni Star ang totoo but they chose not to tell the others."

"Kapag sinabi nila ang totoo sa ibang mga Contreras, pagmumulan iyon ng gulo. Si Tia ang masisisi dahil una sa lahat, alam niya na noon pa na maling bata ang ipinakilala nila ni Abuela Carolina bilang bunso ng mga Contreras," sabad ni Evan.

"You already see this coming. Ano ang balak mong gawin?" tanong ni Ethan sa ate nito.

"Wala."

"Bloody hell," mura ni Ethan. "Kapag pinatagal mo pa ito, lalong magkakagulo. Ang pamilyang pilit mong binubuo ay siguradong magkakawatak-watak."

"As long as Eli lives, the Contreras will carry on," matigas nitong tugon.

"We are not just talking about our siblings. Ang pinag-uusapan din natin dito ay sina S at Star. Kung wala sila sa mga Contreras, saan sila pupunta? Nag-iisip ka pa ba? Paano mo sila naiisip na pabayaan?" nanggagalaiting sabi ni Ethan.

"May mga sarili na silang pamilya, Ethan. They can live on their own."

"That's the most selfish thing you'll do since the day you switch mine and the twins' lives. Just tell them the whole damn truth! What's stopping you? Hindi ako naniniwalang takot kang mapagbuntunan ng sisi dahil sanay na sanay kang inaako ang lahat ng sisi. Is this about S and Star's bloody father na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung sino?" Ethan was already out of patience. Emman held Ethan on the shoulders.

"Tio, please. Relax."

"Guys, calm down," namagitan na rin siya. It's been almost half-hour mula nang maglagay siya ng ilusyon sa paligid ng silid na iyon. Whoever's outside doesn't hear anything from the inside kahit magsigawan pa sila roon. Alam niya kasi na mauuwi sa ganoong senaryo ang pag-uusap na iyon. "I am taking the illusion. Lower your voice, please," nahihirapan niyang sabi. Ilang segundong natahimik ang mga ito, allowing him to breathe some air. Sumakit ang ulo niya kaya kinailangan niyang maupo muna. Okay sana kung soundproof ang kwarto.

"Wala tayong maiisip na solusyon kung magsisigawan tayo," mahinahong sabi ni Emman.

"I will tell them the truth if S manifest himself," Queen Diamond decided.

"Wag mong hintayin na may mangyaring masama kay S bago ka kumilos. Tinanggap ko ng wala akong parte sa pamilya pero ang hinding-hindi ko matatanggap ay mauwi sa wala ang dalawampu't tatlong taon kong pagtitiis at pag-iisa. Kapag may nangyaring masama kay S o kay Star, hindi kita mapapatawad," mahina pero puno ng diin na babala ni Ethan saka lumabas ng silid. Ibinagsak pa nito ang pinto. That was the first time na nakita nilang ganoon kagalit si Ethan simula nang mag-asawa ito. Ang ate pa nito mismo ang kinalaban nito.

Symphonian Curse 9: Queen DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon