Chapter Two
Evangelista del Rojo Castillo
KAMAKAILAN lang ay dinala niya sa London ang anak ng pinsan niyang si Ingrid na si Emman. Hindi na siya gaanong nagtaka kung nagkaroon ito ng ibang palayaw dahil na rin sa kagagawan ni Ethan. Kung tumutol man si Emman sa ginawa ng kapatid niya, 'di na niya alam. Ethan is bossy at maging ang mas matanda rito ay madalas nitong nai-intimidate.
Ngayon, sa Madrid naman siya nagpunta para puntahan ang isa pa niyang gustong kupkupin pero hanggang ngayon ay nagmamatigas.
"Sigurado kang gusto mong dalhin 'yong isang 'yon sa London?" paniniyak ni Armand sa kanya habang papunta sila sa kanilang destinasyon.
"Siguro naman kahit papaano ay nag-lie low na ang ugali ni Angel. Ilang buwan na rin siyang nasa juvenile facility."
"Lie low? Noong huli akong makibalita roon ay limang beses niyang binalak na tumakas. Kung hindi lang mahigpit ang pamamalakad sa facility at kung hindi lang malakas ang impluwensiya mo roon, malamang nabugbog na ang batang iyon," reklamo ni Armand.
"Hindi ko iniisip na madali natin siyang mapapatino knowing the kind of environment he used to live. Posibleng makatulong sa kanya ang isang bagong lugar at mga bagong kasama."
"Sa ugali ng isang iyon, baka i-bully no'n si Emman pero sigurado akong hindi siya makakatakas sa tabas ng dila ng kapatid mo," sabi ni Armand saka ngumisi.
"Kung makakausap ko siya nang matino, baka madala natin siya ng London."
"Ipagdarasal ko 'yan," sabi nito pero may kasamang sarkasmo.
Nakarating sila sa juvenile facility. Lumapad ang pagkakangisi si Armand nang malaman nilang ilang oras ng hinahanap ng mga gwardiya si Angel. Pati si Armand ay nakihanap. Siya naman ay naghintay sa opisina ng namamahala. Ang bagay na hindi magawa ng mga gwardiya ay nagawa ni Armand sa loob lang ng ilang minuto. Isang nagpupumiglas na Angel ang dinala ni Armand sa opisina at pwersahang pinaupo sa bakanteng upuan katapat niya.
Nang bigla nitong murahin si Armand ay nakatikim ito ng sampal. Namula ang kanang pisngi nito. "Silencio!" sigaw ni Armand dito. Masama ang naging titig nito sa kasama niya. "Kung ano ang ikinabanal ng pangalan mo, gano'n naman kademonyo 'yang ugali at bibig mo," inis na sabi ng lalaki.
"Sino ba ang nagsabi sa inyo na dalhin niyo ako rito?" pasigaw nitong tanong. "Inalis niyo ako sa sindikato tapos ikinulong niyo rin naman pala ako. Ano ang pinagkaiba ng dati sa ngayon?" galit nitong litanya saka nagmura na naman. Napugto ang pasensya ni Armand. Bigla nitong sinakal ang bata gamit ang isang kamay saka sinalya sa pader. Napasigaw si Angel.
"Tio!" pigil niya rito. Pati ang namamahala sa facility ay nagulat at hindi agad nakakilos.
"Isang beses ka pang magmura at tatahiin ko na 'yang bibig mo," banta ni Armand. "Wag mong iisipin na porke't bata ka ay maaawa ako sa'yo. Umayos ka sa harap ng taong tumutulong sa'yo kundi hindi ka na makakatungtong sa edad na trese."
"Patayin mo na lang ako!" sigaw nito kahit nahihirapan.
"Kung 'di ka lang anak ng mabait at magalang na si Angelina, baka nga pinatay na kita!"
Hindi nakasagot si Angel. Nangilid ang mga luha nito. Hinawakan niya ang balikat ni Armand at sinenyasan ito na pakawalan na ang binatilyo. Pinakawalan nito si Angel at pinaupo.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...