Chapter Thirty-One- Little Brother

1.4K 75 21
                                    

Chapter Thirty-One

Little Brother


ALAS SINGKO pa lang ng madaling araw ay gising na si Eli. Lumabas siya ng hotel room nila at pinuntahan ang hotel room kung saan naka-check in sina Ethan at Marcie. Pagdating niya sa harap ng hotel room ay siya ring labas ni Ethan. Nagkasalubong sila ng tingin.

"Can I talk to you?" he asked. Akala niya tatanggi ito kaya nagpasalamat siyang pumayag ito. Nagpunta sila sa common balcony ng hotel at dahil maaga pa ay sila lang ang tao roon.

"Bakit gusto mong makipag-usap sa akin?" tanong nito. Ethan looked weary. Tiningnan niya ang braso nitong sugatan. Napansin nito ang ginawa niya. "I'm all right now. Hindi na gano'n kasakit ang kagat ng aso."

"That's good to hear."

"What's bothering you?"

He stared at Ethan. "I just want to clarify some things." Ethan did not say anything so he continued. "I've been thinking all night of my twin-sister, S and you."

"Why am I included?"

"Can you be honest to me, Ethan?" he asked him. "Mangako kang magsasabi ka sa akin ng totoo. Matatanggap ko ang kahit na ano'ng katotohanan gaaano pa man 'yon kasakit basta iyon ang totoo," nahihirapan niyang sabi. "Nang sabihin sa akin ni Queen Diamond na patay na ang totoo naming kapatid, nasaktan ako pero kalahati ng isip ko ang umaasang nagsisinungaling lang siya at... at..."

"At?"

"At umaasa akong tama ang hinala ko na ikaw ang nawalay naming bunsong kapatid," aniya. He had been rehearsing the speech last night but it was still so scary. Hindi niya kasi alam ang pwede nitong maging reaksiyon. Baka mainis o magalit ito sa kanya.

But then Ethan smiled, which was surprising. His smile was sad while he was overlooking the city of Salamanca from where they stood. "May nakatama rin."

"What?"

"Totoo ang hinala mo," kumpirma nito sa kanya. Hindi siya nakahuma. Tinitigan niya lang si Ethan na parang nakakita ng aparisyon. Tumingin ito sa kanya. "Nagsinungaling si Queen Diamond nang sabihin niyang patay na ang bunso ninyong kapatid. Siya ang nag-alaga sa akin habang malayo siya sa inyo. Ipinagpalit niya ang kambal at ako noong mga sanggol pa lang kami. May permiso iyon mula kay Mama–" natigilan ito nang mapansing natulala na siya.

He touched Ethan's face. He smiled, laughed and then began to cry while staring at Ethan's face. "Buhay ka. Buhay ang bunso namin," umiiyak niyang sabi. He remembered the first time he met Ethan. It was two years ago, sa family gathering nila sa Pilipinas. Ethan went with his twin-sister during the dinner with Faye. Little did he know that he was his little brother. Hindi pa ito nag-aasawa noong panahong iyon. He can't imagine the times that he was supposed to take care of him yet he wasn't there. Hindi niya nasaksihan ang mga kaganapan sa buhay nito gaya ng pagsaksi niya sa mga magagandang pangyayari sa buhay ng iba niyang mga kapatid. Ang dami niyang ma-miss na mga taon sa buhay nito!

He calmed himself. He was too overwhelmed. Hindi niya maintindihan ang mga nararamdaman niya. "Ayos ka lang?" tanong nito. Tumango siya.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagawa 'to ng kakambal ko sa amin. Sa atin."

"I know the reason. The reasons, rather." Eli was puzzled. "S and Star."

"Are they more important than you?"

"They are. I am only her brother. They are her children."

"What?" he cried out. "P-paano... Ano'ng..." hindi niya alam kung ano ang unang itatanong sa sobrang gulat niya. "Paano nangyari 'yon?"

Symphonian Curse 9: Queen DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon