Chapter Twenty-Seven- The Rebels

1K 61 19
                                    

Chapter Twenty-Seven

The Rebels


ALMOST two years ago...

"Ano ang itsura ni Papa?"

"Mabuti siyang tao. Kung nakikita ka niya ngayon, sigurado akong masaya siya at proud sa'yo. He was an amazing man."

Nanginginig ang mga kamay ni S habang nakatitig sa DNA results na nakuha niya. It was few days after he was with Queen Diamond in Hussldren. Ilang araw iyon matapos masali sa isang eskandalo si F sa nasabing bansa. Matagal na niyang alam na hindi niya kapatid ang mga Contreras because of his ability pero kamakailan lang siya nagkalakas loob na magpa-DNA test. Nakunan niya ng ilang strands ng buhok si Star at si Queen Diamond. Ipina-test niya kung magkapatid nga sila ni Star at ipina-test niya rin kung gaano sila kalapit na magkamag-anak ni Queen Diamond. The result almost gave him a breakdown. Star indeed is his twin-sister but Queen Diamond...

Iniyakan niya buong magdamag ang result ng DNA test. He felt betrayed. He felt abandoned but after few days and after talking to Pro, he realized that he was still blessed. Lumaki siya sa isang pamilya na mahal na mahal siya at ang kakambal niya. Hindi siya kailanman nakaramdam na iba siya sa mga ito.


PRESENT day.

Marami siyang katanungan pero kapag nakakausap niya si Queen Diamond ay umuurong ang dila niya. Matapos niyang malaman ang koneksiyon nila, hindi na niya kailanman tiningnan si Queen Diamond gaya ng dati. He learned to love her the way a son loves his mother. Nabuo rin sa hinala niya na wala ngang alam ang kinalakhan niyang mga kuya sa totoo nilang estado ni Star sa pamilya kaya minabuti niyang hindi magsalita at pinakiusapan niya si Star na huwag munang sabihin ang pagiging ampon nila. Walang may alam na matagal na niyang kilala ang tunay nilang ina. Maging kay Pro ay inilihim niya ang bagay na iyon. He decided to keep everything to himself. Ayaw niyang magkagulo ang lahat nang dahil sa kanila ni Star pero gano'n pa rin ang nangyari. Worse, napahamak si Ethan.

Tuwing nakikita niya ang lalaki ay nagi-guilty siya. Ito dapat ang kasama ng kapatid nito at hindi siya. Napahamak pa ito dahil sa kanya.

"I'm sorry, Uncle," bulong niya. He was alone in the forest. After saying goodbye to everyone in the attic, he was transferred there. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaalam nang personal kina Pro at Star. It was a hard decision but he needed to do it anyway.

"Ginawa mo ang dapat mong gawin."

It was Desdemona. May kasama itong lalaking mahaba ang buhok na naka-ponytail. Hindi niya alam kung may suot itong contact lenses pero kulay matingkad na pula ang mga mata nito. Hindi niya mahulaan ang eksaktong edad nito pero malamang nasa mid-twenties.

"Ano na ang mangyayari sa akin?" tanong niya.

"Wag kang mag-alala, makakausap mo ang pinuno namin sa lalong madaling panahon," nakangiting sagot ni Desdemona. "Siya nga pala, siya si Alcides. Kasama ko siya nang sumugod kami sa Villa Contreras kagabi. Nasa boses niya ang kanyang kakayahan."

Ito pala ang may gawa ng mga nakakabinging ingay kagabi. Ilang sandali pa ay may isang malaking asong dumating. Gaya iyon ng mga asong sumalakay sa villa. Kasunod ng aso ang isang lalaking malaki ang katawan at sa hula niya ay nasa early forties ang edad. Lumapit ito sa kanya.

"Nagtagumpay nga kaming makuha ka," nakangisi nitong sabi. Hindi siya sumagot. Hinimas-himas nito ang ulo ng alagang aso na namumula rin ang mga mata. "Wag kang matakot sa alaga ko. Mabait ito sa lahat ng mabait sa akin pero mabangis sa mga hindi ko gusto."

"May lason ang aso mo."

Humalakhak ito. "Hindi totoong mga aso ang mga alaga ko pero hindi ibig sabihin ay hindi masakit ang mga atake at kagat nila. Wala rin silang mga lason gaya ng iniisip mo o ipinalabas namin. Ang lason na muntik ng pumatay sa kasama niyo ay mula sa aming pinuno."

"Kung hindi ang mga aso mo ang lumason kay Ethan, sino?"

Walang sumagot sa mga ito. Sa halip, meron na namang dumating. Nang alisin ng bagong dating ang talukbong nito, isang magandang bata ang kanyang nakita. Kulot ang mahaba nitong buhok at napaka-inosente ng mukha. May dala itong manika na mula sa pinagtagpi-tagping mga tela ang katawan. Parang manikang pangkulam ang dala nito.

"Siya si Catriona. Siya ang pinakabata sa grupo," sabi ni Desdemona. Lumapit si Catriona sa kanya. Kinabahan siya sa bata kahit mukha itong maamo pero mas kinikilabutan siya sa manikang dala nito na kahit isa lang ang mata na gawa sa butones ay parang nakatitig sa kanya.

"Bakit ka natatakot sa akin? Sa huling harap ko sa salamin, sigurado akong napakaganda ko," sabi ng bata saka matamis na ngumiti. Hindi niya alam kung bakit pero kinilabutan siya. "Siya nga pala, gusto kang makilala ng manika kong si Innocencia." Walang inosente sa mukha ng manika at wala siyang balak na makipagkilala sa bagay na iyon. Sa kabila ng pagiging bata ni Catriona, nararamdaman niyang malakas ito. Lahat ng kasama niya roon ay gaya niyang First Born at malalakas.

Makalipas ang ilan pang minuto ay may nagsidatingan pa. Meron pang anim na dumating, apat na lalaki at dalawang babae. Hindi nalalayo sa kanya ang edad ng mga ito. Ang huling dumating na lalaki ay lumapit sa kanila.

"Ngayon ko mas naintindihan kung bakit hindi mo kamukha si Eliseo Contreras," komento nito habang nakatingin sa kanya. "Ampon ka lang pala," anito. Kung hindi pa rin siguro siya nanghihina ay malamang tinusta niya ito pero mas pinili niyang manahimik. Mas gugustuhin niyang mabansagang ampon kesa malaman ng mga ito kung sino ang ina niya. Mas lalo siyang gagamitin ng mga ito laban sa mga Contreras, laban sa kanyang ina. "Kung hindi ka isang Contreras, sino ang mga magulang mo?"

"Hindi ko alam. Malamang ayaw naman nila sa akin kaya nila ako ipinamigay."

"Hindi ka nalalayo ng sitwasyon sa amin kung ganoon," sabi nito. "Lahat kami rito ay mula sa mabababang mga pamilya at mga pinabayaan na. Mas pinili ng aming mga magulang na kami ay ibigay sa Umbra para sa karangalang magkaroon ng silbi sa angkan. Isinilang kami upang maglingkod sa pinuno ng angkan at sa kanyang pamilya. Isa ka sa kanila pero hindi rin pala talaga," mahaba nitong litanya na may halong pang-uuyam. "Ako nga pala si Malvolio."

"Ezra."

"Ano na ang balita, Malvolio?" usisa ni Oberon.

"Napili na ang bagong matriarka ng angkan. Ang panganay na anak ni Eliseo Contreras," sagot nito saka sinulyapan siya. Nagulat siya sa nalaman. "Ang kinilala mong panganay na kapatid ay siya na ngayong pinuno ng angkan. Pinatatawag nila ngayon sa Villa Symphonia ang lahat ng primogenito, membro man ng Umbra o hindi."

"Ibig sabihin, dapat naroon tayong lahat ngayon," aniya.

"Tama pero panahon na rin upang ilantad ang layunin natin," sabi ni Catriona habang hinihimas-himas ang ulo ng manika nito saka ngumiti. "Agad na malalaman ng bagong pinuno na hindi niya hawak lahat ng primogenito. Magiging kapana-panabik ang kanyang pamumuno."

"Maiintindihan namin na mag-aalala ka sa kanya at sa pamilyang iyong kinamulatan," ang

sabi ni Oberon. "Pero ngayong narito ka na sa panig namin, hindi mo na sila dapat alalahanin. Nang sumali kami sa Umbra, wala ng silbi ang aming mga apelido. Nang pinili mong ibigay sa kanila ang lunas sa lason, nagdesisyon ka rin na umanib sa amin. Hindi ka na Contreras at hindi ka naman talaga nabibilang sa kanila kahit noon pa man. Hindi na rin tayo kabilang sa Umbra."

"Mga rebelde tayo," dagdag ni Desdemona. "Labindalawang rebelde."

Binilang niya ang mga naroon. "Labin-isa lang tayo rito."

Ngumiti si Malvolio. "Ang dating pinuno ng angkan ay merong labindalawang pinakamalalapit na mga segadores na tapat sa kanya pero isa sa kanila ay traidor gaya ng si Hesu-Kristo ay may labin-isang tapat na disipulo at isang Judas Iscariote."

Merong traidor sa angkan at iyon ang dapat malaman ni Queen Diamond. Gustuhin man niyang balaan ang mga ito ay hindi niya pwedeng gawin. Manganganib siya sa grupong iyon kung may gagawin siya. Sa ngayon, ang tangi niyang magagawa ay umasang may magandang plano ang kanyang ina upang mailigtas nito ang sarili at ang iba pang membro ng angkan na walang kaalam-alam sa mga nangyayaring pagrerebelde ng ilan sa kanila.

Symphonian Curse 9: Queen DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon