Part 34

151 3 0
                                    


Denise's POV

"Sabi ko pumasok sa loob!", ulit ni tatay, lumayo naman ako kay Josephine at naglakad papasok ng bahay. Sobrang kinakabahan  ako ngayon, hindi ko kakayanin na paghiwalayin nila kami ni Josephine. Mahal na mahal ko siya hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko.

"Anong nangyari anak at sumisigaw ang tatay mo sa labas", tanong ni nanay at nakita ko na lumabas ng bahay si manang at sumunod naman si nanay.

"Anong meron kayo ng anak ko ha Josephine!", rinig kong sigaw ni tatay sa labas, nahihiya na talaga ako  kay Josephine at kay Manang. Hindi ko ineexpect na ganon ang mangyayari. Well expected na pero hindi ngayon. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko, habang yakap yakap ako ni Michael.


Josephine's POV
"Uhh tay, kami na po ni Denise", sagot ko, habang hawak ni manang ang braso ko.

"Wag kang magbiro ng ganyan hindi nakakatuwa Josephine!", sigaw ulit ni tatay. Hindi ko maipinta kung galit ba si tatay or his still in shock.

"Totoo po yun tay, hayaan niyo po kaming mag explain sa inyo", sabi ko at tinignan ko si manang. 

"Pasok muna tayo sa loob, para magkaintindihan tayong lahat", sabi ni manang, at nagtungo naman kami parasok sa bahai nila. 

Nakita ko patuloy pa rin sa pag-iyak si Denise habang hinihimas ni Michael yang likod niya. 

"Anak, Denise totoo ba yung sinasabi ni Josephine na may relasyon kayong dalawa?", tanong sa kanya ni nanay. Ang tatay naman niya tahimik lang na nakikinig. 

"Opo, n-nay may relasyon po kami ni Josephine", sagot ni Denise habang umiiyak pa din, napatingin naman ako kay tatay at nakita kong lumuluha ito. 

"Kailan pa anak, bakit hindi mo sinabi sa amin agad?", tanong ng tatay niya. 

"Natatakot po kasi ako itay, baka po kasi saktan niyo ako o di kaya itakwil niyo ako ni inay, hindi ko po makakaya yun", tuloy pa rin sa paghagolgol si Denise. Kitang kita ko kung gaano nila ka-mahal ang isa't isa. 

"Kung hindi niyo po tanggap ang relsayon namin ng anak ninyo ako na po mismo ang lalayo sa kanya, at di na rin po ako magpapakita wag niyo lang po siyang sasaktan", sabi ko, at napatingin ako kay Denise, may kakaiba naman sinasabi ang mga mata nito, parang gusto niya akong katayin ng buhay sa nasabi ko. Nakuha pa talaga niyang magalit sa akin ah.

"Mahal mo ba talaga ang anak namin Josephine?", tanong sa akin ni tatay at sumeryoso na ang mukha niya.  

Lahat naman sila bumaling ang tingin sa akin.  

"Mahal na mahal ko po ang anak niyo, lahat po ibibigay ko sa kanya, hinding hindi ko po siya sasaktan", sagot habang nakatitig lang ako kay Denise na tumigil na sa kaiiyak. Iyakin pala itong gf ko hehe. 

"Eh, kung ganun naman pala tay hayaan na natin itong mga bata na magmahalan, basta ang gusto ko lang eh wala silang itatago sa ating kung my problema, mahal na mahal namin si Denise, ang gusto ko lang sana Josephine ay wag mo siyang pababayaan ", singit naman ng nanay ni Denise. 

"Mahal na mahal ko din po ang anak ninyo, makakaasa ho kayo, maraming salamat po sa pag tanggap sa akin",  sabi ko at niyakap ko si nanay. 

"Aasahan namin yan Josephine, nabigla lang ako kanina pagpasensyahan muna, tska alagaan mo anak namin kung hindi malalagot ka sa akin", sabi ni tatay na pinakita pa yung kamao niya at sabay tawa. 

Grabe, baka makatikim pa ako ng isang malupet na upper cut kay tatay, NAKU! Sayang naman ang beautiful face ko kung nagkataon. HAHA joke! ^__^  

"Si tatay naman baka matakot yang si Josephine", singit ulit ni nanay. 

"Group hug na yan!", sigaw ni Michael sa may likuran. 



-------------------------------------------------

Denise's POV

Pagkatapos ng napakahabang kwentuhan, iyakan at tawanan. Nandito kami ngayon ni Josephine sa kwarto ko. Alone time naman namin. Ehem*  Joke lang, hehe.

"Babe uwi na muna kami ni Manang, pagod na din yon eh, and thank you sa lahat lahat, akala ko kasi susuko ka na, kasi alam ko na hindi ka pa ready sa relasyon natin", sabi niya. Napatawa naman ako sa sinabi niya, di daw ako ready. 

"Ulol! anong hindi ready, eh nagawa na nga natin mag love-making hindi pa ba ready yon?", sabi ko at pinalo ko siya sa braso. 

"Eh, baka kasi nadala ka lang ng mga time na yon, alam mo na baka  tag-li--", at hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at...

*BOGSH*

Binatukan ko siya, ang bastos eh. Hindi nanaman niya na-gets yung sinabi ko. -__-

"Ouch naman, babe para saan naman yon? Nagpathank you na nga ako eh, wala ka naman ka-sweet sweet sa akin", reklamo niya habang nakahawak sa may batok niya. 

"Heh! Ayan nanaman kasi yang isip mo, puro yan ang laman, sige na uwi na kayo ni manang, at mahal na mahal na mahal kita, kaya ko ginawa yon", sabi ko at lumapit ako sa kanya...

*TSUP* 

Hinalikan ko siya sa lips, dami pa kasi sinasabi eh, lumabas na ako ng kwarto at nakita ko naman na sumunod siya na may napakalapad ng ngiti. SUS! Pa-cute. YUCK! hehe joke!


To be continued.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kita Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon