Denise's POV
*TOK...TOK..TOK..*
"Anak gising na nandito na si Josephine!", sigaw ni nanay sa labas ng kwarto
Kinusot kusot ko muna mga mata ka, at napatingin sa orasan 7:00am O_____O Ang aga naman yata ni mahal ko bumisita dito sa bahay.
"Anak maaga kami aalis ni tatay mo, kaya bumangon kana diya!", sigaw ulit niya.
"Opo Nay nandiyan na ho!", sigaw ko naman at sinumulan ko ng ayusin ang higaan ko.
May pasok nga pala kami ngayon,pero mga 12pm ang start, kaya pwede pa ako mgluto ng breakfast namin ni Mahal.
"Good morning :)" bati ko sa kanila, at napatingin sila sa akin, dahil napakalaki ng mga ngiti ko sa labi dahil nakita ko si Mahal.
"Aba, Nak ganda ata ng gising natin ah!", biro sa akin ni tatay, at sumulyap ako ng tingin kay Mahal, at ngumiti lang ito.
"Opo tay, dahil po kasi kay Josephine yun, kasi bingyan niya kayo ni nanay ng maayos na trabaho", sabi ko at nag wink ako kay Josephine, dahil ang totoo ay kami na ni Mahal ko, at masayang masaya ako ngayon. GOOD VIBES lang lagi!
"Oo nga nak eh, ang laki ng pasasalamat namin ni nanay mo kay Josephine, maliking bagay ito, at makakasiguro si Josephine na gagalingan namin sa trabaho", sabi ni tatay at nginitian si Mahal ko.
"Salamat po tito, ito na nga po pala yung susi ng service niyo, nandiyan na rin sa harap ng bahay, basta po 1pm andon na kayo ni tita sa Florist hinihintay na kayo ni manang Macey doon", sabi naman ni Mahal, at inabot yung susi.
"Ahh sige pala mga anak, mglilinis muna kami bago kami umalis, Denise ipagluto mo muna si Josephine bago kayo pumasok", sabi ni nanay
"Opo nay", sabi ko nalang.
At umalis na sila nanay. Nilapitan ko naman si Mahal at umupo sa tabi niya.
"Gutom na ba ang mahal ko", bulong ko sa kanya. AYIIEEE!! LANDE lang ng ATE niyo!!
"Oo gutom na gutom na", bulong niya sa akin at naramdaman ko ang init ng hininga niya.
OHMEYYGEHHDD!! May naramdaman akong kuryente sa aking katawan. WHAT IS THE MEANING OF THIS!!!!
"Aii, iba naman yata ang tinutukoy mo eh!", at pinsil ko ang ilong niya at tumayo ako patungo sa kusina.
"Uyy, binibiro ka lang naman eh", habol niya sa akin.
"Naku ha, nagsisimula pa lang tayo, yan na agad ang iniisip mo", sabi ko sa kanya, habang nireready ko yung mga lulutuin.
"Pakipot ka pa kasi mahal eh, doon din naman tayo pupunta", bulong niya ulit at talagang nilapit pa niya ang katawan niya sa akin.
"Wag ka nga!", at tinulak ko siya, kasi naman eh namamanyak siya eh..
"HAHA, Biro lang mahal!", sabi niya at tawang tawa naman ang loka!
"GAGU! Tulungan mo nalang ako magluto, para matuto ka!", sabi ko sa kanya
"Di na kailangan", sabi naman niya at nagkamot ng ulo
"At bakit naman?", tanong ko naman.
"Dahil ikaw ang magiging asawa ko, kaya ikaw lagi magluluto", sabi naman niya at biglang tumawa! Abay LOKO talaga eh noh!
"Sorry hindi ako magpapakasal sa isang BATUGAN!", sabi ko at idiniin ko talaga yung word na BATUGAN. Tinignan ko siya at sumama yung mga tingin niya sa akin. Dahil ang totoo hindi naman siya batugan, super sipag niya kahit mayaman siya, lahat yata ginagawa niya eh, yung pagluluto lang talaga ang hindi niya kayang gawin.
"Excuse me, never akong naging BATUGAN!", pag-tataray niya, haha ang cute lang kapag nakabusangot ang mukha niya.
"Oo na Miss!", pang-aasar ko sa kanya.
"Akin na nga yan, turuan mo nalang ako!", sabi nito, dahil mukhang naasar don sa sinabi ko, hehe, SENSITIVEE!
"Hmpfft..halika nga dito", sabi ko at lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi, at ayon ngumiti ang loko. Yun lang pala ang hinihintay niya.
------------------
Josephine's POV
"Ano masarap ba ang luto ko?", tanong ko kay Mahal, dahil kumakain na kami ngayon.."Sobrang sarap mahal, ang hirap kasi ng niluto mo eh, pritong hotdog!", pang-aasar niya.
"Akin na nga!", asar kong sabi, at kinuha yung plato niya.
"Huyy, joke lang, syempre lahat ng lulutuin mo masarap, dahil ikaw ang nagluto eh, pero last na to ha", Buladas niya. At inagaw yung plato sa kamay ko.
"Ganda na sana ng sinabi mo mahal, dinagdagan mo pa eh", sabi ko at sumubo ako. HAHA saya lang namin!
"Ganun talaga mahal masanay ka na", sabi niya at kumain na siya ng kumain. Di ka masyadong gutom ha.
"Mahal may bukas pa, baka pati yang plato makain mo!", pang-aasar ko ulit, at bigla akong tumawa.
"ULOL!", sabi nalang niya. hahaha KULET!!
"Bilisan mong kumain mahal, may dadaanan pa tayo", sabi ko sa kanya..
"Bakit saan tayo pupunta?", tanong naman niya
"Basta, bilisan mo nalang", sabi ko ulit
"Saan ba kasi!", inis na tanong niya.
"Wag na nga, maiwan ka nalang", sabi ko naman at tumayo na ako para ligpitin ang pinagkainan ko.
"AYAW! Baka kasi mambabae ka don eh!", sabi niya habang may laman pa ang bibig niya. HAHAHA! Oh God, I love her talaga she is so simple, walang kaarte-arte sa katawan.
"Sus, hindi ako marunong non", sabi ko at umupo ako sa tabi niya..
"Talaga lang ha, eh dati nga ang dami dami mong babae, kaya nga hindi mo ako napansin non eh", sabi niya at bigla siyang tumayo, para hugasan ang plato niya.
"Past tense mahal", sabi ko nalang.
"ULOL, wag na wag mo akong lolokohin, dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari", pag-babanta niya sa akin.
"Bakit anong mangyayari?", tanong ko sa kanya
"Hinding hindi mo na ako makikita pa", sabi niya at pinsil ang ilong ko.
"Diyan ka muna, maliligo lang ako", sabi niya, andon lang ako nakatayo dahil pinag-iisipan ko yung sinabi niya. So isang pagkakamali lang mawawala siya agad-agad sa buhay ko...Hindi ko yata kaya yun! Pero never ko naman siyang lolokohin eh.
"Sama ako, mahal!", Sigaw ko sa kanya.
"TSEE! Manyak!", sabi niya sa akin bago siya pumasok sa CR.
To be continued.....
Thank you guys for reading, I really appreciate it. Feel free to leave some comments :))
You can also read my other story: KABET (girlxgirl), I don't know if its your cup of tea, pero try niyo narin basahin.
<3 <3 <3
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*