Michael's POV
"Sobrang tagal kitang hinintay para mapansin mo ako"
"Sobrang tagal kitang hinintay para mapansin mo ako"
Yaan ang paulit ulit kong naririnig sa utak ko, si ate at si ate Josephine may relasyon? Hindi naman ako against sa LGBTIQ community, pero hindi ko ineexpect ang ate ko eh parte ng community nila. May narinig akong kumatok sa pinto.
*TOK..TOK..TOK*
Alam ko na si ate ito, kaya binuksan ko agad yung pinto, ayaw ko naman isipin ni ate na galit ako sa kanya.
"Don sa narinig mo kanina Michael, ano kas-", pagputol ko sa kanya
"Hindi mo kailangan magexplain ate, buhay mo yan at mahal na mahal kita", yun lang sabi ko at niyakap ko siya, naramdamn ko na tumulo yung luha niya sa balikat ko. Wala pa naman akong nagiging karelasyon eh kasi masyado pa daw akong bata, pero may alam din naman ako tungkol sa pagmamahal, hanggang crush lang naman kasi ako eh. hehehe...
"Salamat Michael, alam ko naguguluhan ka pa, pero pagdating ng tamang panahon maiintindihan mo din ang ate mo, at sana wag mo muna ipagsabi sa mga magulang natin hayaan mo na ako ang magsabi sa kanila", sabi niya
"Opo ate, wag ka ng umiyak, umalis na po ba si ate Jo?", tanong ko, gusto ko sana siyang kausapin at sabihin na okay lang sa akin yun at wala dapat siya ipag-alala.
"Ahh oo eh, kumain ka na don sa labas ha, at salamat ulit", sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"Sige po ate salamat", sagot ko nalang, at sumunod ako sa labas para kumain.
.
.
.
Vanessa's POV
I decided to call Jo today, dahil it has been weeks na I have been thinking about her. She treated me so differently compared to the other people I have been with. Siguro namiss ko lang kung paano niya ako alagaan and how concerned she was with me.
Parang I felt so lonely, and i just realised na iba siya sa lahat, malas ko lang dahil hiniwalayan na niya ako. If only I changed much earlier. Well, you know what bibisitahin ko siya ngayon sa bahay nila, hopefully she's at home.
*DRIVE...DRIVE...DRIVE*
Okay, I parked my car right in front of her gate. I don't know if she's home but I will give it a go.
*DING...DONG..DING...DONG...*
At may nagbukas ng pinto si manang Lucy yung nakita ko. I hope she still remembers me.
"Hello manang, kamusta po?", tanong ko and I smiled
"Hello iha, ikaw pala Vanessa, pasok ka", sabi naman ni manang Lucy, at nagtungo kami sa lounge room nila, bagong renovated din itong bahay nila Jo. Lalong gumanda.
"Saglit lang iha ha, at tawagin ko lang si Josephine sa itaas, dahil kadarating din niya, maupo ka muna dito", sabi ni manang at inayos yung mga sofa pillow.
"Salamat po manang", sagot ko naman. I don't know why kung bakit kinakabahan ako, it's my first time again seeing her after we broke up. May narinig among nagsasalita kasama si manang
"Sino ba yung bisita na yan manang, wala ako sa mood makipag-usap nagyon", sabi ng isang pamilyar na boses.
Pag-lingon niya kung saan ako naka-upo bigla na lang siya tumigil sa paglalakad, at biglang sumingit naman agad si manang.
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*