Josephine's POV
"Best ipagluluto mo ba ako?", tanong ko habang sinusunduan ko siya patungo sa kusina.Haha, dati-dati naman kasi pinagluluto niya ako tuwing bumibisita ako sa kanila eh..
"Okay ka lang? sabi mo kumain ka na, ipagluluto ko sila nanay at tatay noh!", sabi niya at inirapan ako at ngstart na siyang mag-ready ng lulutuin niya.
"Oh, mga anak, ano ginagawa niyo diyan?", tanong ng nanay ni Denise, na may bitbit na plastic bag, at inilapag ito sa table.
"Pinagluluto ko po kayo ni itay ng makakain bago kami umalis ni Josephine", sagot ni Denise, at nagsimula ng magluto.
"Hello po tita, kamusta na po kayo, mano po?", tanong ko at nag-mano ako sa kanya
"Kaawan ka ng diyos, dito ka na rin kumain Josepine ha, sabay sabay na tayo", sabi naman ni tita Sandy
Nahihiya ako sa family ni best dahil wala silang ka-alam alam na may gusto ako sa anak nila. Alam ko na magagalit sila kapag nalaman nila na nililigawan ko si Denise. Pero sana nga matanggap nila ako sa bandang huli.
"Sige po titia", at napatingin ako kay best ang nginitian siya ng pagkatamis-tamis, hehe
"Hmppftt", yung lang ang narinig ko mula kay Best
Super cute talaga ng Mahal ko <3
"Best may tanong ako", sabi ko
Gusto ko kasi itanong sa kanya kung nanliligaw sa kanya si Tristan..
"Ano po yun?", sabi naman niya habang nagpprito ng isda.
"May gusto ba sayo si Tristan, nililigawan ka ba niya?" sunod sunod yung tanong ko ah. haha
Napatingin siya sa akin, dahil mukhang curious siya sa tanong ko.
"uhmm..meron best, nung kailan yung nakita mo kami sa harap ng classroom, inamin niya sa akin na my nararamdaman siya para sa akin", sabi niya habang nilalagay niya yung isda sa plato.
"Ah ganun ba, ano naman sagot mo?", tanong ko, nawala na ako sa mood, ewan ko ba kung bakit mainit dugo ko don.
Lumapit siya sa akin, at may binulong siya...
"Hindi ko siya type", bulong niya sa akin, at habang papalayo siya sa akin nag wink siya (^_~)
OHMEHHGEDDD!!!! Kilig-Kilig!!!! AYIIIEEE!!!
Nakatayo pa rin ako sa puwesto ko, hindi ako makapaniwala sa narinig at nakita ko. Malaki ang pag-asa ko sa kanya! TAENA! WOOP WOOP!!! PARTY PARTY!!!
"Kain na po!", sigaw ni Denise sa loob ng dining nila.
Pumasok na ako sa dining area nila, nakita ko si Denise naghahanda ng mga plato. Ang saya lang niyang tignan, napakasimple niyang babae, siya na yata ang future wife ko, hehe, sana nga!!
"Best, ano ba? Kakain ka ba or hindi?", Tanong ni best, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.
"Kumain ka na dito nak, dito ka sa tabi ni Denise oh", sabi naman ni tita Sandy at inabot yung plato na hawak niya.
Tinitignan ko si Denise, halatang mahal na mahal niya ang family niya, matagal na kaming magkakilala ang priority talaga niya is her family's future at pag-aaral niya. Ang sarap niya sigurong maging asawa noh? Asawa agad-agad, hindi pa nga sinasagot eh! HAHAH!
Umupo ako sa tabi ni Denise, magka-tabi naman ang magulang niya, at yung isang kapatid niya ay nasa kabilang side ni Den-Den. May isang kapatid nga pala siyang lalaki si Michael, siya yung bunso nila, 2nd year high school pa lang ito.
"Oh, kamusta ka naman nak, busy ba ngayon don sa florist niyo?", tanong ni tito Manuel sa akin, habang kumakain kami.
"Okay naman po ako tito, medjo busy din po kasi, marami kaming natatanggap na mga orders", sabi ko naman at sumulyap ako ng tingin kay Denise, at nakita kong naka-ngiti lang ito habang kumakain.
"Mabuti naman kung ganun iha, may balak ba kayong mg tayo ng iba pang branches dito?", tanong sa akin ni tita Sandy.
"Ahmm, opo pero hindi po siya florist, gusto ko po sana mgtayo ng isang bar malapit lang dito, pero pinagiisipan ko pa po, baka kasi hindi ako payagan ng parents ko", sabi ko naman at napatingin sa akin si Denise. Alam ko na ang ibig sabihin non, hate na hate kasi niya ako pumupunta sa mga ganun tapos mgtatayo ako ng bar.
"Aii naku nak, magulo yan, madaming maglalasing diyan, pag-isipan mo ng mabuti yan para hindi ka rin mapahamak", sabi ni tita
"Pag-18 na ako ate Jo, libre ako papasok don sa bar niyo ha", sabi naman ni Michael
*PAK*
Binatukan ni Denise si Michael.
"Isa ka pa, at sinong ngsabi pupunta ka sa mga ganun ha!", sabi ni Denise kay Michael
"Ano ba ate, nagbibiro lang naman ako eh", sabi nito habang hinihimas kung san siya binatukan ng ate niya.
Natawa tuloy ako sa kanila, haha, bigla naman ako nilingon ni Denise, at mabilis kong tinanggal yung mga ngiti ko sa labi, paano naman kasi nanlilisik na yung mga mata niya. o___O I'm scared :S
"oh siya, tama na yan, nasa harapan tayo ng pagkain oh, tska nakakahiya kay Josephine", sabi naman ni tito Manuel.
------------------
To be continued.....
![](https://img.wattpad.com/cover/25397437-288-k504107.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*