Denise's POV
"Ano best dederetcho ka na ba sa bahay namin?", tanong ko sa kanya dahil nalaman ko na ininvite siya ni nanay sa bahay.
"Hindi best mamaya muna, dahil magbibihis pa ako nakakahiya naman kung ganito pa rin ang suot ko, isasama muna kita sa bahay ha, ayaw ko na ikaw lang umuwi mag-isa", sabi niya at kinuha na niya bag ko sa balikat.
"Eh, nahihiya din ako sa family mo best eh, baka andon sila tita at tito", sabi ko, nakakahiya kasi hindi ako ka-level ng family niya.
"Ano ka ba? Wala pa parents ko sa bahay, nasa ibang bansa pa, tska wag ka ng mahiya sa kanila, in fact gustong gusto ka nga nila best eh", sabi naman niya.
Alam ko naman na mabait family niya pero meron pa rin akong awkwardness na nararamdaman.
"Tara na, sakay ka na sa kotse, para makatulong pa tayo sa future mother in law ko", sabi niya at nag wink sa akin (^_~)
Hinampas ko siya sa balikat.
*TOGSH*
"Aray best! Lagi mo nalang akong sinasaktan ha", sabi niya at nag-pout siya ng lips.Ang cute lang talaga niya tuwing ginagawa niya yon. In love na talaga ako sa mokong na to.
"Di ah, minsan lang!", sigaw ko naman sa kanya at nag-pacute ^__^
"Oo na, I love you na", sabi niya.. ayieeeeee kilig ot the bones nanaman akoo!
"Tumigil ka nga best, LANDE mo nanaman eh! HAHAHA", sabi ko at tumawa ng malakas
"Sus, kilig ka naman", sabi niya at hindi nalang ako umimik.
---------------------
Josephine's POV
*Ding...Dong..Ding..Dong*"Hello ma'am Josepine, magandang hapon sa inyo, kumain na ba kayo?", tanong ni manang Lucy
"Hello din manang Lucy, hindi pa po, umuwi lang kami dahil kailangan ko magbihis, by the way manang I might be coming home late, so wag niyo na po akong hintayin", sabi ko sa kanya habang nilapag ko yung bag ko sa lounge.
"Aii sige po pala ma'am Josepine, basta po mag iingat kayo don ha", sabi naman niya.
"HAHA, opo manang wag kayong mag-alala sa akin", sabi ko naman at niyakap siya.
"Alam mo naman ikaw lang ang baby namin dito eh, sabi ni manang mo Macey, bisitahin mo daw siya don sa flowershop nyo, namimiss ka na daw niya", sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Ganon po ba, sige po hayaan niyo, bibisita kami ni Denise doon", sabi ko naman at tinignan ko si Denise at ngumiti lang siya sa akin..
"Ahh sige pala mga anak, maiiwan ko muna kayo ha, kung gusto niyo ng maiinom andon lang ako sa kusina", sabi naman ni manang, at naglakad na patungo sa kitchen.
"Sige po manang", sabi naman namin ni Denise.
Ngayong ko lang ulit nadala si Denise dito sa bahay, kaya siguro nanibago siya.
"Best, maiwan muna kita dito ha, magbibihis lang ako saglit", sabi ko naman sa kanya habang andito kami sa lounge room
"Sige best take your time", sabi naman niya at umupo sa sofa.
-------------------------
Denise's POV
Ang ganda talaga ng bahay nila Best, ang dami nilang ni-renovate. Halatang mayaman ang nakatira dito dahil may 3rd floor ang bahay nila tska ang design ng bahay nila ay cream/gold.
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*