Denise's POV
Andito na kami sa Manila, excited lang ang lahat, dahil close na kami, at makakapagbonding na rin kami. Si best lang kasi ang parang nag-bago eh. Para bang may pinagseselosan siya.
OHMEYGEHHDD!!! O_o
May pinagseselosan si BEST???? Baka TAMPOROROT LANG haha....
Pero ewan gulo niya eh, lagi nalang may TOPAK! May pag-ka bipolar siguro ito, bigla nalang kasi nagsusungit eh.
Dito ako ngayon kila Best, may kailangan kaming pag-usapan eh, tungkol sa sarili niya, ang weird kasi lately eh.
"Hoy, Josephina umupo ka nga dito sa tabi ko", sabi ko at tinuro yung space sa tabi ko.
Nakita ko na napakamot siya ng ulo, at umupo na rin sa tabi ko.
Inakbayan ko naman siya, pero umiwas siya.
"Best ano ba ang problema mo? May problema ba tayo?", tanong ko, at halata sa mukha niya na hindi siya kumportable sa tanong ko.
"A-ahh, wala naman Den, wala lang tala ako sa mood the past few days", sabi naman niya, at nakatingin lang sa sahig.
"The past few days?, sus!, Yang past few days mo na yan, almost 2 weeks na simula nong ng vacation tayo kila Patrick", sabi ko na may halong inis sa boses ko.
"Hindi best, kelan ko lang kaya naramdaman itong ganito, siguro pagod lang ako", sabi niya, habang nilalaro ang cp niya.
"Josephine, hindi ako tanga at hindi din ako manhid, best friend kita ibig sabihin lang non, alam ko ang lahat sayo at kung ano ang nararamdaman mo!", pasigaw kong sabi, wala na eh, naiinis na ako, ayaw pa kasi niyang aminin.
Wait! Ano nga ba ang gusto kong malaman? Hindi ko rin alam eh, pero I know there's is something going on...
-------------------
Josephine's POV
PAKSHET ka naman Best eh, ano ba talaga ang gusto mong malaman. Oo aaminin ko na nagseselos ako kay Tristan ewan ko kung bakit, never naman ako naging ganito, never ako na may pinagselosan pagdating kay Denise, dahil dati naman ang daming lumiligaw sa kanya, pera wala lang sa akin, pero bakit parang affected ako ngayon!ANG GULO NG ISIP KO NGAYON!!! >___<
"Ba't ka naninigaw?", sabi ko naman para machange yung topic
"Hindi ako naninigaw, gusto ko lang malaman kung ano problema mo?", sabi niya.
Aishh! Ang Kulit!!
"WALA NGA!", Sabi ko, kaasar na ha!
"Oh, Bakit ka ngayon sumisigaw?", sabi naman niya...
"Ang kulit mo kasi eh!", sabi ko naman at napakamot ng ulo.
"Ako pa ngayon yung makulit, sige bahala ka nga, aalis na ako!", sabi niya, at tumayo siya at naglakad na papunta sa pinto.
Hindi ko naman siya pinigilan, baka kasi ano pa masabi ko eh, mahirap na, gusto ko lang imake sure na tama itong nararamdaman ko sa kanya, baka kasi masira lang ang friendship namin dahil dito sa nararamdaman ko.
--------------
Denise's POV
LECHE na yun! Hindi man lang ako pinigilan, bahala siya sa buhay niya kung yun ang gusto niya. Ano pa ang silbi ko bilang bestfriend niya, kung di man lang niya magsabi sa akin ng problema niya, baka matulungan ko pa siya.
30 minutes later.....
Dito na ako sa bahay namin, hinihintay ko text/call niya, pero wala man lang. Dati naman kapag nagkakatampuhan kami siya nauuna mag-text o kaya magcall pero ngayon, WALA! : (
-------------
Josephine's POV
Alam ko hinihintay ngayon ni best yung text/call ko, nasanay na kasi siya na ako lagi yung nag-sosorry at sumusuyo sa kanya tuwing nag-aaway or tampuhan kami. Chix siya eh! -___-
Pero ngayon, gusto ko muna makapgisp-isip, ayaw ko na may masakatan sa amin dalawa. At least kapag totoo nga itong nararamdaman ko, hindi ko pagsisisihan sa bandang huli.
![](https://img.wattpad.com/cover/25397437-288-k504107.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*