Pag dating nila Josephine at Denise sa province nila Patrick agad sila pumunta sa kuwarto, at nagpahinga. Sa sobrang pagod hindi nila namalayan na gabi na pala.
"Hoy Josephine, gising na gabi na oh", sabi ni Denise habang nag aayos ng buhok.
"Mhhmmm...mamaya na nise, inaantok pa ako eh", sabi ni Josephine sabay palit ng pwesto at natulog ulit.
Pinabayaan na ni Denise na matulog si Josephine, ayaw na niyang kulitin pa ito, dahil mukhang pagod na pagod talaga siya. Lumabas si Denise para kumain, nakita niya yung lalaki na kasabay nila sa van na kumakain. Lakad dito, Lakad doon. Tapos bigla siyang may narinig na boses.
"Kain na", alok nung lalaki kay Denise.
"Ahh sige, mamaya nalang", sabi ni Denise, kakain sana siya pero naiilang siya don sa lalaki.
"Nga pla ako si Tristan", sabay abot ng kamay.
"Denise", inabot din niya ang kamay niya.
Pagkatapos nila magpakilala sa isa't isa, nagsimula na silang magkuwentuhan, at mag tawanan. Hindi nila namalayan na gising na si Josephine na nakatayo sa harapan ng pinto.
"Ano ba kayo? Ang iingay niyo, gabing gabi na ahh..", sabi ni Josephine habang ng kamot ng ulo sa inis.
"Aii sorry best, nagkukuwentuhan lang kami ni Tristan, ito kasi eh masyadong ng papatawa", sabay tingin niya kay Tristan na nakangiti.
"Hoy Denise, baka mapunit na yang labi mo sa ka ngi-ngiti mo, tignan mo nga oh, para ka ng sabog, hahaha", pang-aasar ni Josephine kay Denise.
"Tigilan mo nga ako Josephina, nasira lang tulog mo eh, ng assar ka nanaman", sabi ni Denise, habang umiinom ng tubig.
"Diyan na nga kayo, Sige Tristan good night ulit, wag ng magiingay ha...Deniseee!", sabi ni Josephine kay Denise na may pang-aasar na look.
Pumasok na ng silid si Josephine, bigla naman nagcommento si Tristan.
"Best friend mo yun?", tanong niya kay Denise.
"Ahh oo matagal na kaming mag best friend ni Josephine, mukha lang siyang mataray pero mabait yun", sabi ni Denise kay Tristan habang sinimulan na niyang maghugas ng plato niya.
"Ahh okay pala, sige Denise matutulog na ako, nice meeting you ulit", sabi ni Tristan habang naglalakad siya papunta kay Denise at binagyan siya ng kiss nito sa cheeks.
"Ahh uhmm...sige good night, nice meeting you din", sabi ni Denise, natataranta siya dahil hindi niya ineexpect na hahalikan siya nito sa pisngi.
Pagkatapos ni Denise mag ligpit, pumunta na siya sa kwarto nila ni Josephine, nakita niya na mahimbing ang tulog nito, kaya dahan dahan siyang tumabi sa kanya. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung ano yung ngyari kanina. Hindi niya alam kung sasabihin niya ito kay Josephine, or itatago na lng niya.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
عاطفيةMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*