Denise's POV
Andito na ako sa loob ng classroom, pagkaupo ko sa chair ko, sumulyap ako ng tingin kay Josephine, malayo lang ang mga tingin niya. Andon siya sa second row, kaya kitang kita ko siya. Mga babae naman puro pa-cute sa kanya.
"Hoy friend, nag-away kayo ni Jo?", tanong ni Raymond na bakla."Tampuhan lang bakla", sabi ko naman habang kinuha ko yung mga notebooks ko sa bag.
"Arte niyo naman friend, may patampo-tampo pa kayong nalalaman, mag-jowa lang ang peg", sabi nito, at tinignan ko siya ng masama at hinampas ng libro.
"CHAR lang friend, sakit non ha", sabi niya at hinimas yung hinampas ko.
"Tumahimik ka nalang kasi", sabi ko, at ayon nag concentrate na lang siya, sa sinasabi ng prof. namin.
--------------
Josephine's POV
"Uhmm, Sephiie gusto mo sabay tayo mag lunch mamaya, mukhang nag-iisa ka kasi ngayon eh?", tanong ng isang babae
"Ahmm, sorry busy ako mamaya eh, may pupuntahan pa kasi ako", sabi ko
"Ah okay, next time nalang pala, I'm Isabel nga pala", sabi niya at inabot ang kamay niya.
Inabot ko rin naman ang kamay ko, pero hindi na ako nagpakilala dahil alam naman niya pangalan ko, pero I smiled at her.
"Nice meeting you", dagdag ko pa, para hindi awkward, pag lingon ko sa likod, nakita ko si Denise na nakatingin sa amin, with her curious face pero nakatingin siya don kay Isabel at hindi sa akin.
"Nice meeting you din Josephine", sabi niya at ng-smile, nakita ko na meron siyang dalawang dimples, parang ganun kay Cristine Reyes. Ang cute pla niya. Pero mas maganda pa rin si Denise sa paningin ko.
Lunch
Pumunta na ako ng Cafeteria namin sa school, ang gutom ko na kasi eh.Lakad...Lakad..Lakad..
*BLAG*
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!", sigaw ko at ng paakyat na yung mga tingin ko, nakita ko si Denise! O_______O
"Sorry hindi ko sinasadya", sabi niya at akmang maglalakad palayo sa akin.
Hinila ko ang kamay niya. Gusto ko na kasi makipagbati sa kanya, dahil nahihirapan na rin ako. Ayaw ko na lagi kaming hindi nagpapansinan.
"Pwede ba tayo mag-usap Denise", sabi ko habang hawak hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Wala akong panahon makipag usap, I'm busy", sabi naman niya, ang sungit naman, never pa akong sinungitan nito ah, tuwing nalalate lang ako.
"Please Denise, sige na, I really need to talk to you", pagmamakaawa ko sa kanya
"Mamaya nalang kapag uwian na", sabi naman nito, na mukhang hindi interesado sa mga sinasabi ko.
Kailan pa siya naging ganito? Weird naman!
"Sige, sa akin ka nalang sumakay ha", sabi ko at binitawan ko na ang kamay niya.
"Sige, sige bahala na, makita nalang", sabi pa niya.
"Okay see you later", at nginitian ko siya
"Geh, bye!", sabi naman. Angas mo ah!
------------------------
*Beep...Beep...Beep*
Denise's POV

BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*