Josephine's POV
Andito na kami sa harap ng Florist shop namin. Andito na rin pala sila tita at tito. Si tito nilalagay na yung mga flowers na kailangan niya ideliver sa loob ng van, habang si tita naman inaayos yung mga flowers sa labas ng store."Ano ginagawa natin dito mahal?", tanong niya sa akin
"Gusto lang kita ipakilala kay manang Macey, andon sila oh", sabi ko at tinuro ko sila tita.
"Nandito na pala sila nanay eh, akala ko andon pa sila sa bahay", sabi niya at napakamot siiya ng ulo.
"Yun din ang akala ko eh, excited yata sila, hehe", sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya
"Oo nga eh, mahal salamat talaga ha", sagot niya at hinalikan yung kamay ko.
"Tara na, para maaga din tayo makaalis", sabi ko sa kanya
May pasok pa kasi kami eh, in 3 hours mag-sstart na yung first class namin. Bumaba na kami ng sasakyan at nag patungo na sa loob ng florist shop namin.
"Nay, ang aga niyo yata dito ni tatay?", tanong ni mahal ko.
"Oo nga nak eh, excited talaga kami ni tatay mo", sagot naman ni tita
"Kamusta naman po kayo dito tita?", singit ko
"Mabuti naman kami ni tito mo Josephine, ang dami nga kinikwento sa akin si manang eh, tungkol dito sa florist shop niyo tapos nung maliit ka pa", sabi ni tita.
"Ganun po ba tita, mukhang magkakasundo kayo ni manang niyan, wala kasi masyadong kausap dito si manang eh, buti nalang naipasok ko kayo dito ni tito", sabi ko naman.
"Oo nga anak eh, salamat ng marami sa iyo ha, buti nalang may kaibigan si Denise na katulad mo", sabi ni tita, medjo may naramdaman akong kirot sa puso ko dahil sa mga narinig ko. "Kaibigan" lang pala ako sa paningin ng nanay niya. Pero okay lang kasi alam ko naman na masyado pang maaga para ipaalam sa kanila yung tungkol sa amin.
"Uhmm, nay sige na po, ipagpatuloy niyo na po yung ginagawa niyo, papasok muna po kami ni Josephine", singit ni Denise, dahil mukhang nahalata niya na naapektuhan ako sa sinabi ng nanay niya.
"Sige po tita mauna na po kami, paki sabi nalang kay manang dadaan ako dito mamaya", sabi ko
"Sige mga anak, ingat kayo sa daan", sabi naman nito.
.
.
Denise's POV
Alam ko at ramdam ko na nasaktan si mahal ko sa narinig niya, may balak naman talaga akong sabihin sa pamilya ko eh. Pero hindi muna ngayon dahil hindi pa ako handa. Pero ayaw kong nakikita siyang ganito.
"Mahal na mahal kita Josephine", sabi ko sa kanya habang nakaupo lang kami dito sa loob ng sasakyan niya.
"Gaano mo ako ka-mahal Denise?", tanong niya sa akin, habang nakatingin sa malayo.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Sobrang mahal na mahal", sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay niya.
"So, when are you going to tell them the truth?"
HALA! English na to, mapapalaban ako nito!
"Sa tamang panahon", pang-aalaska ko, napaka-seryoso kasi nito eh...
"Ano to? Dream Dad? I am serious babe", sabi niya at humarap na siya sa akin...
"Malapit na baby, basta wag mo akong iiwan, dahil kailangan kita sa buhay ko", sagot ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/25397437-288-k504107.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*