Excited na ang lahat para sa mga palaro sa plaza. Si Denise lang yung mukhang hindi nageenjoy sa lahat. Pinapanuod lang niya si Josephine sa mga nilalaro nito.
"Hoy, samahan mo naman ako maglaro dito oh, sige na best, mukha ka kasing tanga jan na nakatulala", sabay tawa ni Josephine dahil mukhang naiinis na sa kanya si Denise. Lumapit si Denise kay Josephine, pinag hahampas niya ito, dahil sa inis.
"Umuwi na kasi tayo Seph, wala talaga ako sa mood", sabi ni Denise, habang nakapamaywang at nakakunot ang noo.
"Wag ka nga, nageenjoy pa yung tao eh, sumali ka nalang kaya, baka magbago pa ang mood mo", sabi nito habang hinhimas ang braso niya dahil sa hampas ni Denise.
Wala din nagawa si Denise nakisali na rin siya sa mga palaro sa plaza, hindi niya namalayan na lagi siyang tinititigan ni Tristan. Nakita naman ito ni Josephine, nagtaka siya kung bakit laging nakatingin yun sa bestfriend niya.
After ng dalawang oras, napagod na rin sila, nagdecide na ang grupo na umuwi. Nilapitan ni Tristan si Denise, at inalokan ng tubig.
"Tubig oh, mukhang nagenjoy ka ah", Tanong nito at nakangiti.
"Hindi sige okay lang ako, oo nga eh, ang kulit kasi ni Josephine, pero masaya din", habang naglalakad ito, chineck niya cellphone niya dahil my nag-text.
"Mag-usap tayo mamaya", Nakalagay sa text, galing kay Josephine.
Kinakabahan si Denise sa nabasa niyang text, parang galit si Josephine.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*