Courting Denise: 4

360 11 0
                                    

Josephine's POV

Andito na kami sa loob ng Campus, ang saya saya ko ngayon, dahil kasama ko yung taong mahal ko. Sana lang sagutin na niya ako, pero hindi naman ako nagmamadali. Kaya ko maghintay, basta walang asungot sa paligid. 

"Best I love you", bulong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa first class namin. 

"Ano yun?", sabi niya, at lumingon siya sa akin na kunwari wala siyang narinig. Pero halata naman sa mukha niya na nag-bblush siya.. 

"Sabi ko mahal kita", hindi ko na binulong baka kasi hindi niya marinig. Tsk! 

"Ahh ganun ba?", sagot naman niya at patuloy pa rin sa paglalakad. Taena patay malisya! 

"Ganun lang? Walang I love you too?", tanong ko at napakamot ako sa ulo

Halata sa mga kilos niya na hindi siya kumportable sa mga sinasabi ko, hindi ko alam kung ayaw niya yung mga sinasabi ko or kinikilig lang siya. hehe

"Eh Best, hindi pa naman kita  sinasagot eh, wag kang feeling jan ha", sabi niya at nginitian nalang ako ng nakakaloko. 

So, ako pa ngayon yung feelingera??? WADAPAK!!

"Oo na, tatahimik nalang ako", sabi ko naman at sumunod nalang sa kanya. 

 -------------------------

Denise's POV

OHMEYYGEHDD!!

Kinikilig ako!!! Grabeh, mag i love you ba naman siya sa akin. Ang matagal ko ng pinapangarap. Ang sarap pakinggan, mahal na mahal na mahal din kita best! Don't worry sasagutin na kita soon..hehe

*BZZZZ...BZZZZZ* Vibrate

- Hi, Nise kamusta ka na? Tristan to -

Oo nga pala, nawala sa isip ko na may gusto din pala sa akin si Tristan. Alam ko magagalita sa akin si Mahal ko kapag nalaman niya na tinetext ako ni Tristan. Hindi nalang ako mgrereply para iwas sa gulo.

Nilagay ko yung phone ko sa bag, andito na kami sa classroom eh. Start na rin ng first class namin. 

After 1 hour

*BZZZZZ...BZZZZZ*  (1) 

- Dinner tayo Nise? Treat ko- (1) 

*BZZZZZZ...BBZZZZZ* (2)


- Nise, magreply ka naman oh, miss na kita eh-  (2) 

OH MY GAWDD!! Lubayan mo ako! Nakakaasar na ha, ang kulit!! 

- Tristan, sinabi ko naman sayo na wala akong plano mgkarelasyon -  Message sent 

"Oh, bakit ganyan itsura mo?", tanong sa akin ni best, habang bumibili ng food namin sa cafeteria. 

"Oo nga girl, parang gusto mong pumatay", sabi naman ni Raymond bakla. 

"Hoy Josephine anong ginawa mo dito sa kaibigan ko?", tanong ni Mond kay best 

"Wala akong ginagawa sa kanya ha, upakan kita jan eh", sabi naman niya, at napatawa naman ako dahil nagtago na si Raymond sa hawak hawak niyang bag. 

"Girl, help me! We have a murderer", arteng sabi naman nito 

"Raymond, uupakan ka lang di ka pa papatayin", asar ko naman sa kanya. Tumuwa naman yung loko na si mahal ko, I love her smile... 

"Oo nga", dagdag naman ni mahal ko este ni best ^___^

"Tse!", yun nalang ang sagot ni Mond at nagsimula ng kumain. 

---------

Josephine's POV

"Kain ka na best oh, masarap to, ito ang favorite ko dito eh yung creamy pasta nila with mushrooms", sabay abot sa kanya nong food. 

"Share nalang tayo best hindi ko to mauubos eh", sabi naman niya, ayiieee like ko yan. hehe

"Sige ba best, basta subuan mo ako", sabi ko naman at napatingin sa akin si Mond. 

"Baby lang Jo?", sabi niya sa akin na may halong pang-aasar

"Paki mo ba, uupakan na talaga kita!", pananakot ko naman sa kanya. 

"Yes baby Josephine", sabi naman ng bruha 

"Shut up Raymond!", sabi ko 

"Tama na yan guys at kumain nalang tayo", sabi ni Denise na mukhang may problema. 

Wawa naman si mahal ko, ang dami niya yata iniisip ngayon, mamaya nalang kami mag-uusap pagkatpos namin mgdinner ng family niya. 

Mahal kita Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon