First Kiss Continuation

402 10 0
                                    

Josephine's POV

Ang saya saya ko ngayon, hindi ko talaga maexplain ko ano ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang mahal n mahal ko si best. At kahit kailan wala akong balak saktan siya. At gagawin ko din ang lahat para matanggap ako ng family niya. 

"Kain na mga anak, gumagabi na oh, kailangan pang umuwi ni Josephine", sabi ni tita 

"opo nay, tara kain na tayo Best", yaya niya sa akin at hinawakan ako sa kamay habang naglakad kami papalapit sa mesa. 

"Mmmmm, amoy pa lang tita mukhang masarap na ah", pang bobola ko, hehe kinakailangan eh para dagdag points. 

"Suus, binobola mo naman yata ako eh, hindi mo pa nga natitikman anak eh", sabi naman niya. 

Tumingin ako kay Mahal at tinaasan lang niya akong ng kilay, dahil alam niya na ngpapagood shot ako. HEHEHE ^_______^ 

"Eh basta ikaw nagluto tita lahat masarap!", dagdag ko pa. 

"Best, ikaw na! Tama na yan kain na tayo", sabi sa akin ni mahal at nag wink siya sa akin (^_~) 

Kinilig naman ako, hehe, I am so lucky dahil minahal niya ako, hindi ko inaakala na mamahalin niya rin ako ng ganito. Pero hindi ko pa naitatanong sa kanya kung bakit agad agad niya akong sinagot. Hindi naman sa ayaw ko, syempre gustong gusto, pero ibig sabihin ba non matagal na niya akong mahal? Hmmmm......

---------------------

Denise's POV

Tapos na kaming kumain at tapos na rin akong magligpit ng pinagkainan namin. Sila nanay andon sa sala kasama si mahal ko. 

"Ano pinaguusapan niyo jan?", tanong ko sa kanila, at napatingin sila sa akin.

"Ah, anak si Josephine nga pala may inalok sa amin ni tatay mo na trabaho don daw sa florsit nila, kasi daw si manang Macey kailangan daw ng makakatulong don sa shop", sabi ni nanay at mukhang tuwang tuwa sa alok ni mahal. 

"Totoo ba yun best?", tanong ko naman sa kanya

"Oo best, gusto ko rin naman makatulong sa inyo, kung okay lang sayo?", balik na tanong niya sa akin. 

"Nakakahiya naman sayo best", sabi ko nalang. 

Lagi nalang kasi kami tinutulungan ni Mahal kapag nangangailangan kami, ni minsan hindi siya tumanggi na tumulong sa amin. Tapos ngayon bibigyan niya ng trabaho ang parents ko, nakakahiya na talaga. 

"Naku! Hindi uso ngayon yang hiya hiya best, mag best friend naman tayo eh, para sa inyo nila tita kahit ano pa yun, okay lang sa akin", sabi niya at sabay wink (^_~)

AAAYIIIIIEEE!!! I love you MAHAL ko!!! Kilig to the bonesss!!

"Payag na ako best, ano ba ang gagawin nila nanay at tatay don sa Florist shop niyo?", tanong ko sa kanya. 

"Ahh yun ba best, si tito siya magdedeliver ng mga flowers sa iba't ibang shops and malls, tapos si tita tutulungan niya si manang macey sa loob ng florist shop, pwede siyang mag cashier or mag maintain ng mga flowers", sabi niya. 

 "hindi naman pala masyadong mahirap ang trabaho nila nanay don, okay lang sa akin best, salamat ha!", sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya. 

"Oh ayan anak ha, tulong tulong na tayo sa buhay, maguumpisa na daw kami bukas eh, tapos yung sasakayan na pang deliver ni tatay mo kukunin na niya bukas ng umaga", sabi ni nanay. 

"Opo nay, maigi po yun, nay don muna kami ni best sa balcony ha, may paguusapan lang kami", sabi ko nalang para masolo ko naman si mahal ko. 

"Sige anak, salamat ulit Josephine ha, malaking tulong ito para sa pamilya namin", sabi ni nanay at niyakap niya si Josephine, natuwa naman sa galak ang puso ko dahil sa mga nakikita ko ngayon. 

"Okay lang po yun tita, basta kapag may problema kayo nila tito don sa trabaho wag kayong mahiya na sabihin sa akin o kaya kay manang Macey", sabi naman nito. 

"Oh sige anak, salamat", sabi ni nanay at pumasok na ng kuwarto para ibalita kay tatay yung bago niyang trabaho. 

----------------

Josephine's POV

Andito kami ngayon sa balcony nila mahal ko, yakap yakap ko siya mula sa likod niya, namiss ko siya ng sobra eh, hindi naman kami makikita nila tito or ni tita eh dahil nasa kwarto na sila, si Michael naman tulog na.

"Mahal, salamat sa mga tulong mo ha, ang dami ko ng utang sayo", sabi niya sa akin habang mgkaholding hands kami at hinalikan niya ang kamay ko. 

"Mahal, ayos lang sa akin yun, basta mahalin mo lang ako ng totoo yun lang ang gusto kong kapalit at wala ng iba pa", sabi ko naman sa kanya. 

Sana ganito nalang kami lagi, laging magkasama, magkayakap at magkatabi. Sana dumating na yung araw na puwede na kaming magpakasal. Pero masyado pang maaga para sa mga ganun eh, tska hindi pa kami nakakapagtapos ng pag-aaral. 

"Mahal naman kita eh, matagal na kitang mahal Best, hindi mo lang nakikita dahil busy ka sa ibang mga babae mo dati, pero sa totoo lang matagal na akong naghihintay para makita mo ako at mahalin mo ako ng tapat", sabi niya sa akin at kumalas siya sa pagkayap ko at umupo sa may tabi. 

"So, ever since mahal mo na ako?", tanong ko sa kanya

"Oo, hiniling ko kay God na sana makita mo ako, at sana balang araw mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sayo", sabi niya na may halong iba't ibang emosyon sa boses niya. 

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay....

"Ngayon nandito na ako, at nagmamhal ng tapat sayo, sana hindi magbago yang nararamdaman mo sa akin, dahil mahal na mahal kita Denise, nalaman ko nalang na mahal kita nung laging nakabuntot sayo yung Tristan na yun at aaminin ko na nagseselos ako tuwing nakikita ko kayo magkasama!", sabi ko sa kanya. 

Tumaas yung mga ngiti niya sa akin, at nakita ko na parang kumikislap ang mga mata niya at ngumiti ng nakakaloko. 

"So, pinagseselosan mo pala si Tristan, kaya pala lagi ka nalang badtrip nung nasa probinsya tayo nila Patrick", sabi niya at bigla siyang tumawa! 

"HAHAHAHA, Selosa ka pala mahal eh!", pang-aasar niya sa akin. 

"Kaya dapat wag na wag kang lalapit sa Tristan na yun ha, tska yung no. niya jan sa cp mo, idelete mo na. Oo alam ko na kinuha niya no. mo", sabi ko nalang sa kanya at tumalikod. 

"Oo na po mahal, wag ng mainit ang ulo, I love you", bulong niya sa akin. 

"Talaga lang ha, I love you more mahal ko", sabi ko naman at humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya ng matagal. 

"Mmmm~~, mahal tama na, gumagabi na oh", sabi niya sa akin habang hinahalikan ko pa rin siya. 

"Isa pa mahal, sige na", pangungulit ko sa kanya. 

"Mahal may bukas pa, hindi mawawala itong mga labi ko kaya wag kang mag-alala okay?", sabi niya at binigyan ako ng smack sa labi. 

"Sige na nga, bukas mahal ha susunduin kita, sabay tayo ulit papasok", sabi ko 

"Yes mahal ko, sige na baka abutin ka pa ng ulan sa daan, tska ang lakas ng kulog", sabi niya, kinilig naman ako dahil concern siya sa akin.. 

Naglakad na kami patungo sa gate nila, HHWW pa yan ha, hehe.... 

"Okay mahal, goodnight, I'll see you tomorrow morning, bye", sabi ko habang palabas na ako ng gate nila. 

"Sige mahal ko, ingat sa pag-ddrive, uwi agad ha wag ng pupunta kung saan-saan, mapuputulan ka ng wala sa oras", pagbabanta niya, habang nilolock yung gate. 

"Opo mahal, tama na yang sermon mo, past is past, I've changed", sabi ko at sabay kindat (^__~)

"Oo na yabang! Goodnight!", sabi nalang niya. 

I'm so happy tonight, alam ko na lahat, mahal na pala niya ako dati pa, pero bakit dati ni hindi ko man lang nafeel. Dahil siguro tingin ko lang sa kanya dati ay isang matalik na kaibigan lang, pero ngayon mahal na mahal ko na siya, at gusto ko siya na ang last na babae sa buhay ko.

Mahal kita Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon