Josephine's POV
*RING....RING...RING...*
Tinatawagan ko ngayon si Denise, gusto ko lang alamin kung okay lang siya, kasi narinig ata ni Michael yung pinagsasabi ni Denise sa akin kanina.
- Hello - sabi sa kabilang linya
- Hi babe, okay ka lang ba, how's Michael?- tanong ko, nagaalala kasi ako eh, baka nagalit si Michael sa amin.
- oo okay lang ako, and okay lang siya - sagot niya na parang wala sa mood makipagusap
- ahh sige pala, ingat kayo and sorry sa istorbo - sabi ko naman
- bakit may lakad ka ba?- tanong naman niya, di ko siya ma-gets ang lakas lang ng sumpong, paano pa kaya kung nalaman niya na pumunta dito si Vanessa, yari na!
- Wala naman babe, bakit gusto mo lumabas? - tanong ko sa kanya
-Uhh hindi naman natanong ko lang, baka kasi mambabae ka, naninigurado lang at may kasalanan ka pa sa akin -pagsusungit nya
- Never kong magagawa yun sayo noh, mahal na mahal ata kita - sabi ko, halatang kinilig naman yung nasa kabilang linya, dahil ang tagal niyang sumagot.
- Leche, sige na baba ko na, nandito na sila tatay, bye ingat nalang- sagot niya at binabaan na ako.
Why so sweet babe? Hindi na niya ako naantay magsalita. Shet lang!
Naisipan kong bumili ng mga groceries, pizza and of course a bouquet of red roses, at sinama ko na rin si manang Lucy, pupunta kami ngayon sa bahay nila Denise. Medyo madilim na pagabi na kasi eh. Gusto ko kasi makita ni manang ang status ng buhay nila Denise and gusto ko rin ma-meet ni manang family niya. Pero sinabi ko na wag muna siya magpahalata na alam niya na kami na ni Denise, dahil hindi pa kami ready ni Denise. Kasi pati naman ako hindi pa ako ready ipaalam sa parents ko eh, parang natatakot ako na ewan.
"Manang, don't forget about what I told you kanina ha", sabi ko, kadarating kasi namin sa harap ng bahay nila Denise eh.
"Oo anak, nakailang ulit ka na, hindi ko makakalimutan, tara na at lalamig itong mga dala natin, sayang naman at baka ma-late pa tayo ng uwi", sagot naman niya.
.
.
.
Manang Lucy's POV
Hindi ko pa namemeet yung family ni Denise, pero sabi naman sa akin ng alaga ko at ni manang Macey mabait naman daw ang magulang nito. Simple lang ang pamumuhay nila. Ang pinagaalala ko lang eh baka magalit yung mga magulang ni Josephine kapag nalaman nila na may bagong gf si Josephine, stricto kasi ang magulang nito lalo na yung mommy ni Josephine, si Vanessa lang ang ginusto nila dahil magkaibigan ang pamilya nila at magkasundo sa mga businesses.
*TOK TOK TOK*
At bumukas yung pinto, ito yata yung nanay ni Denise at binati kami.
"Oh, Josephine napadaan ka at ang dami nyong bitbit, pasok po muna kayo", sabi sa amin nung nanay ni Denise.
"Magandang gabi sa inyo mga anak", bati ko, at nagmano sila sa akin ng isa isa.
"Si manang Lucy nga po pala, siya po yung kasama ko sa bahay and siya na rin po yung nagpalaki sa akin habang wala yung parents ko", sabi naman nitong alaga ko.
"Maupo ho muna kayo", sabi ng isang lalaki tatay ata ni Denise.
.
.
BINABASA MO ANG
Mahal kita Best Friend
RomanceMahal na kita best friend. Ang pag-ibig walang pinipiling lugar, edad, gender at relasyong ng isang tao. Kapag tinamaan ka nito, pumapag-ibig ka na! BOOM* *WOOP WOOP*