Kabanata 1

989 10 0
                                    

Kabanata 1

Kakatapos lang ng bakasyon. Ang bilis tumakbo ng panahon kung kaya't ngayon ay pasukan na naman.

Nakakaba. Kinakabahan ako dahil bago ang paaralang papasukan ko. Maganda naman yung dati kong paaralan but I need to explore other places. Di naman sa lahat ng oras doon ka lang tatambay sa iyong "comfort zone". I need to get out from there.

Kay dami na ring alaala yung paaralang iyon sa akin. Doon ko siya nakilala.

Sa hindi inaasahan. Nagtagpo ang aming mga mundo.

We're too different from each other.

Siya na sobrang active sa lahat ng gawain sa school. Talented, matalino, mabait, gentleman at siyempre guwapo. Ideal man kumbaga. Sobra siyang kilala ng lahat kung kaya't doon kami nagkakalayo.

Kilala lang ako dahil sa gaga ako.

Ako lamang ay isang estudyanteng bulakbul sa klase. Pumapasok ng maaga para sa second subject. Laging pinapagalitan dahil sa lahat ng karantaduhan.

Pero may isa kaming pagkakatulad.

Siya tinatawag lagi ng principal dahil sa mga papuri while me, tinatawag dahil sa suspension o di kaya'y punishment ko.

Buti na din iyong kahit isa may pagkakatulad pero salungat pa rin.

Baliktad kaming dalawa. Sobrang baliktad. Kaya di maalis-alis sa aking isipan kung bakit kami nagkasundo.

"Opposite charges attract. Same charges repel."

And I do believe in that. Ganoon talaga tingin ko sa amin, eh.

But everything has an end. Bukambibig pa ng iba, "LAMPO" short term ng "Walang Forever".

Siguro hanggang doon lang talaga kaming dalawa? We're not really meant.

And I badly need to accept it, though its hurt so dmn!

My life must go on. I need to live my life. At ipagpatuloy ang pagbabagong kanyang nagawa sa akin.

Lumabas na ako at naghihintay ng masasakyan papuntang paaralan. Commute lang ako simula junior high at sana mabilhan na ako ng kotse para di na mahirapan pang bumyahe araw-araw tutal may student's license na naman din ako, eh.

"Dito lang po kuya, salamat." Bumaba nako sa jeep at tiningala ang malaking gusali sa aking harapan.

Ito na ang simula ng  bagong buhay mo Alisson.

Lets start anew. Forget all the shits. Forget him. Mananatili nalang siyang parte ng kahapon mo. Pangaral ko na naman sa sarili ko. Baliw nako! Kinakausap ko na sarili ko, minsan nga sumasagot pa! Lol.

Pumasok na ako at di ko alam kung saan papunta. Andami namang estudyante at wala pa si George na tanging kakilala ko dito. She's my bestfriend since nursery at talagang dito na siya nag-aaral kaya kabisado na niya talaga lahat ng pasikot-sikot dito kaso wala pa nga siya. Tamad din kasi yun kaya tiyak na di yun papasok sa unang araw.

"Miss, shs student?" Tanong ng isang babaeng maganda na naka unipormeng royal blue blouse na naka insert sa black pencil skirt at naka sash na may nakalagay na Usherette.

"Opo."

"Dito po ang daan papuntang senior high school department, miss."

"Thank you po, miss." Ngumiti lang siya bilang sagot sa akin at nagpatuloy sa pag welcome ng iba bang estudyante ng school.

Sinunod ko ang sinabi ni ateng usherette. Dumaan ako sa quadrangle at nakita ang grupo-grupong mag-aaral na nagkukumpolan na nagtatawanan, nagkukumustahan at nagbabahagi ng kani-kanilang bakasyon.

Sa third floor ang aming room. GAS strand kinuha ko dahil undecided pa ako lol. Pumasok ako sa room at umupo sa pinakahuli. Ayaw ko talaga sa harapan umupo, nauurat ako sa mga pagmumukha ng mga teachers lol.

Dahil first day, di pumasok ang adviser namin baka sa hapon pa daw, as if naman na babalik ako dito sa hapon.

Dahil boring sa room at wala pa akong balak makipagkaibigan sa mga tao doon, pumunta akong canteen para makakain.

My phone beeped.

George~

Where are you?

Nagreply agad ako.

Me~

Canteen. Why?

At di na niya natiis at tinawagan na niya ako.

"Oh? Bakit?" 

"Asan ka?"

"Paulit-ulit capsh? Canteen nga fo."

"Okay." Call ended.

Paupo nako ng dumating si George at sumabay na siya akin.

She tour me around the school at grabe makakalabit sa akin pag may gwapo o dumaan ang crush niya. Di ko na din mabilang kung ilang ulit ko na siyang binatukan sa pinag-gagawa niya.

Di ako pumasok sa hapon dahil alam ko naman kung ano ang mangyayari.

"Paano kung si ex lumipat din dito, Alisson?" Out of nowhere niyang tanong sa akin na naging dahilan na naman ng pagbatok ko sa dyosang impaktang ito.

"Georginna Amethyst, wanna die now?"

"Nah. Joke lang naman iyon Alisson Christianne hahahaha!"

Dahil sa kagagahang tanong niya, nawala ako sa mood. Naalala ko na naman siya. Paano kaya? Paano kaya kung dito din siya mag-aaral? Dmn! Di naman yata yun mangyayari! He's doing good sa manila ngayon. Ano, babalik lang ng cebu para mag-aral? Mas marami namang magagandang eskwelahan doon, nuh!

"Ya remember him again? Hahaha just don't mind what I said earlier bebe capsh hahaha."

"Gaga kang hype ka. You ruined my mood. Sapakan nalang oh?"

"Psh! Oo na, di na fo mauulit Miss Tuazon."

Matapos ng lahat ng iyon ay napagdesisyonan na naming umuwi dahil nababagot nako doon.

Tomorrow is another deeey! Panibagong araw sa pagiging estudyante. I hope makisama si mood bukas para may maging kaibigan ako at maging komportable. TIWALA LANG!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon