Similarities
Nakangiting lumapit sa akin si Ezer. Nakangiti din naman ako.
"Happy Valentines Day." Untag niya sabay bigay ng teddy bear.
"Makasurprise naman to parang jowa na niya ako." Sabi ko sa aking isipan.
"Ang gastos ata nito." Kumunot na ang noo ko nang marealize ang gastos at effort niya dito.
"Don't mind about the expenses, money doesn't matter to me as long as you, my girl to be will be happy." Seryoso niyang tugon. Nakatitig siya sa mga mata ko. Ang kulay tsokolate niyang mga mata ay makikitaan mo ng sobrang saya.
Nagtitilian na ang mga estudyante dahil nasa gitna pa rin pala kami. Nakakahiya pero sobrang saya ko naman.
Di nako nagsalita at kinurot ko lang siya sa braso, di naman masyadong masakit kaya tumawa lang siya. Tinulungan niya akong dalhin ang mga bulaklak at chocolates nang napahinto ako.
"Happy Valentines Babyboo." He greeted in a husky voice.
"Happy Valentines din boo." Bati ko pabalik. Nakangiti ako kahit di naman niya kita iyon.
Saktong alas dose na kasi at gising pa siya at tumawag para lang batiin ako. Leche kinikilig ako.
Nag-usap lang kami sandali dahil may pasok kami mamaya.
Tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa study table ko kung saan nakapatong ang regalo ko sa kanya. Nakalagay ito sa isang paper bag na kulay itim na may disenyong kulay pulang mga puso nq nakapalibot rito.
'Magugustuhan niya to.'
Maaga akong nagising. Sobrang excited ako. Excited pero kinakabahan. Anubayan.
"Happy Valentines sweetie." Saad ni mama at hinalikan ako sa noo. I smiled and hugged her.
"I love you mama." Hinigpitan ko pa anh yakap ko at nagpaalam na. Bumaba nako sa sasakyan at pumasok na ng paaralan.
Abala halos lahat dahil may program ngayon.
May kaartehan kasi dito sa campus. Lalagyan mo ng heart stickers ang mga taong nakakasalubong. Color coding siya. Binibili ng mga estudyante sa Student Council office.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...