Kabanata 6
Bumisita lang si George sakin at nambulabog sa mapayapang weekend ko.
Umuwi na siya dahil mag gagabi na. Hinatid ko siya sa may gate at tinanaw siya hanggang makaliko sa eskinita papunta sa kanilang block. Umupo muna ako sa labas ng aming gate para makapagmuni-muni.
Pag ikaw lang talaga mag-isa at sobrang tahimik, napapaisip ka talaga ng kahit ano.
Ang daming 'what ifs' na bumabagabag sa akin.
What if di nagkaganoon si mama't papa? Ang saya siguro namin ngayon. Oh baka di kami ipagtatagpo ng tadhana ni Raf.
What if di ko nalang pinagbigyan yung nararamdaman ko?
What if di ko nalang siya pinapasok sa buhay ko? Para hindi ako nagkaganito.
What if...
Puro what if.
Alam kong masasaktan lang ako sa mga naiisip ko. Kasi alam kong kahit anong gawin ko di na mababalik ang dati.
Pinagtagpo lang talaga kami pero hindi kami ang itinadhana.
Naka move on na ba ako? O talagang nasanay lang akong wala siya sa tabi ko?
Ang sakit lang kasi talaga ng pag-iwan niya.
Akala ko ba mahal niya ko. Pero bakit ganoon? Siguro inisip ko agad na seryoso siya. Siguro inisip ko agad na kami na habang buhay. Masyado pa talaga kaming bata noon.
"Hey. Thinking so ocean deep, huh? What's the problem?" Tanong ni kuya Tom habang tumatabi sa akin.
"Nothing. Umupo lang ako kasi tinatamad akong pumasok sa loob."
"Talaga lang ah." May panunuksong tugon ni kuya.
"Yah." Tamad na sagot ko sa kanya.
"Pasok nako. Sumunod kana agad."
"Yeah."
Damn this feeling! Yung gusto mong umiyak. Nasasaktan ka pero di mo alam kung ano ba talaga ang nakakasakit sayo. Nalulungkit ka pero di mo alam kung bakit!
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at hinanap ang numero ni George. Makatapos ng 5 ring ay sinagot niya ito.
"Oh? Namiss mo agad ako? Grabe natouch ako hahahaha." Sagot niya sa tawag ko.
Huminga ako ng malalim at sinabi na ang gustong isabi.
"Heh! Kapal mo. Leche kasi yung nararamdaman ko eh! Di ko alam kung anong rason." Huminga na naman ako malalim na akalain mo'y may sobrang bigat na problema.
"Whuuut? Isa lang sagot diyan caps. Baliw kana. Buang kana. Sige na't may gagawin pako, baka mabigwasan ako ni mama nito hahahaha ciao."
"Hey caps wai-. Damnit! Pinatayan ba naman ako! Kukutusan ko yun sa lunes." Para akong tanga na kinakausap ang phone ko. Leche!
"AAAAAAAAGH! FUCK IT! DAMNSH-"
"HOY! ANONG NANGYAYARI SAYO?!" Natatarantang lumabas sina kuya at sinigawan nila akong dalawa. Magkabilaang nilingon ni kuya Dan ang labas at iritang tumingin sakin.
Sumigaw ako ng malakas dahil sa frustration ko. Depungal. Ang OA nina kuya.
"Ah.. Eh.. Hahahahahahahahaha" Parang baliw akong tumawa sa magulong reaksyon nila.
"PASOK!" Sigaw ni kuya Dan sa akin. Di ko pa rin maiwasang di matawa kay kuya.
"Aray kuya naman eh hahahahahahahaha." Tanging tugon ko sa sapak ni kuya sa akin.
"Bakit ka sumigaw? Bakit ka nasa labas? Bakit ka naka upo sa labas? Baliw kana ba? Buang kana? Nakakain ka naman sa tamang ora-"
"Shhh." Pagpuputol ko sa walang pagundangang tanong ni kuya sakin. "Pinatayan kasi ako ni George kaya ayon hihihi sarreh." With matching peace sign at takbk papuntang kwarto.
I heard kuya Dan ask kuya Tom. "Ganoon ba talaga yun kabuang?" Tawa lang ang tanging tugon ni kuya Tom. Sanay na yun sa kagagahan ko.
Para talaga akong si Sisa na tumatawa at nagtatalon sa aking kwarto. Kanina maiyak-iyak nako sa lungkot at sakit na dulit ng unknown feelings tapos ngayon maiyak-iyak nako sa sobrang saya na ang sakit na ng tiyan at panga ko.
May kumatok ng tatlong beses sa pinto. "Hey. Stop it." Its kuya Tom. Sanay na kasi siya kaya okay lang sa kanya.
Humiga nalang ako sa kama at nakatitig sa dingding. Tears fall from my eyes. Pinaalis ko yun at sinabunutan ang sariling buhok.
"Damn you Alisson! You're crying tapos di mo alam ang rason. Gaga. Buang ka talaga." Tanging ako lang ang nakakarinig nun.
Tumayo ako at nagpunta sa computer ko. Nagpatugtog ako ng sad musics at bumalik sa kama ko at natulog ulit. Im tired. I don't know why. Haays.
******
Yo. Sorry sa daming typo mehehehe tsaka vote naman kayo tas comment na din hahahahahahaha kung may babasa man mehehehehe adieus~-bbgeezhexx
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...