Kabanata 4
"Alisson, nandiyan na ang sundo mo." Sabi sa akin ng aming butihing adviser.
"Magandang hapon po, Mam Echavez." Bati ni kuya rito.
"Magandang hapon din sayo Daniel." Nakangiting tugon ni mam kay kuya.
Tumango at ngumiti lang si kuya at kinuha na ang bag ko at lumabas na ng silid.
"Kuya tignan mo may tatlong star ako galing kay mam!" Maligayang bahagi ko kay kuya Dan.
"Wow. Ang galing naman ng baby princess namin!" Nakangiting tugon ni kuya sakin.
"Thomas, tama na yan. Uwi na tayo."
"Bukas nalang ulit, sige alis na kami. Bye!" Paalam ni kuya Tom sa kanyang mga kaibigan.
"Kuya tignan mo oh! May tatlong stars ako bigay ni mam kanina kasi tama yung sagot ko kanina." Pagmamalaking ipinakita ko kay kuya Tom ang braso kong may tatak ng stars.
"Talaga? Baka ikaw lang naglagay niyan o di kaya kaibigan mo." Nang-iinis na tumawa siya sa akin.
"Kuya oh! Si kuya Tom!"
"Stop it Thomas!" Saway ni kuya Daniel nito.
Sumakay na kami at ng makauwi na. Nag uunahan kami ni kuya Tom na pumasok sa gate ng may narinig kaming sigawan at may nababasag sa loob ng bahay.
"Ano yun?" Tanong naming dalawa at si kuya Dan na ang nagbukas ng pinto at niyakap na ako ni kuya Tom.
Narinig namin ng sobrang linaw ang sigawan ni mama at papa sa taas. Kuya Thomas embrace me so tight and kuya Daniel cover his body para di namin makita ang pangyayari sa loob ng bahay namin. Kahit tinabunan nilang dalawa ang aking pandinig at paningin, kahit bata pa ako at di gaanong naiintindihan ang lahat ng nangyayari sa aming pamilya, alam kong hindi na maganda ang tatag ng aming pamilya.
Lagi silang ganyan. Laging nag-aaway. Laging nagsisigawan. Nakakasawa.
Pilit kong kumawala sa hawak ni kuya Tom at tumakbo palabas ng aming gate. Sinundan ako ni kuya pero di rin naabutan. Narating ko ang park at umupo sa swing ng umiiyak.
Humagulgul ako sa pag-iyak na di inalintana ang ibang mga batang naglalaro doon. Pinagtitinginan na ako doon pero bahala sila. Wala akong pakialam sa kanilang lahat!
"Bata. Bakit ka umiiyak?" Tanong ng isang batang lalaki na umupo din sa kabilang swing.
"Wala kana dun!"
"Maldita mo naman po."
"Aalis ka o aalis ka?"
"Wala bang ibang pagpipilian?"
"WALA!" Ako nalang mismo ang tumayo at umalis roon. Ngunit pilit pa ding sumunod iyong batang lalaki.
"Oh. Sayo nalang itong lollipop ko para di kana umiyak ulit. Ako nga pala si Raf, sige masungit na malditang bata alis nako." Paalam niya sabay abot sakin nung lollipop na dala niya at umalis na.
Tinignan ko siyang umalis kasama ang yaya niya at sumakay na sila sa kotse nila at umalis na rin ito. Nakatayo lang ako at ng dumating sina kuya na hinihingal.
Umuwi na kami ng bahay. Tahimik na ito at wala na ang kotse ni papa sa garahe. Siguro umalis para di na lumala yung away.
Kinabukasan, sabado. Pumunta kaming tatlong makapatid sa park para maglakad-lakad kasama si Abo na aming aso. Nakita ko ang batang lalaking nagbigay sakin ng lollipop at nakita niya din ako, ngumiti siya pero sinimangutan ko lang.
Gusto ko man siyang makilala pero wag nalang. Makikilala ko din siguro siya sa tamang panahon. Raf. Iyan ang pangalan niyang sinabi.
Tawang-tawa kaming tatlo dahil inihian ni Abo ang paa ni kuya Tom.
Kami lang laging magkasama dahil nga si mama at papa laging world war.
We're not like this. This is not what we want. We're not used to this. Masaya naman kami noon pero noon na nga lang iyon. Everything changed. Our family changed a lot.
Isang araw pagkauwi namin sa bahay. Naabutan namin si mama na umiiyak at si papa na nakaupo. May nakita kaming mga papel sa mini table at ng lumapit kami doon ay nakita ko ang pangalan ni papa at mama na may pirma. Di ko maintindihan ang nakasulat roon kaya nagtanong ako.
"Mama, papa. Ano po ito? Di ko po maintindahan ang nakasulat eh." Inosenteng tanong ko sa kanilang dalawa. Kaming dalawa ni kuya Tom ay biglang niyakap ni kuya Dan. Nakikita ko sa kanyang mga mata na pilit niyang pinipigilan ang maiyak.
Tumayo si mama at niyakap kaming tatlo. Nagugulohan nako. May mamamatay ba? Si papa din tumayo kaya lumayo si mama sa amin. Lumapit si papa sa amin at niyakap kaming tatlo.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Alisson, baby princess, maiintindihan mo din itong lahat sa tamang panahon." Hinalikan niya ako ng paulit-ulit sa noo at ulo ko.
Niyakap ni papa ulit sina kuya at hinalikan din sa ulo. "Alam kong masasaktan kayo pero mas masasaktan kayo kung patuloy kaming ganoon." Kalmadong pasalita ni papa na hindi ko pa rin maintindihan.
"Daniel Ezekiel. Alagaan mo ang mga kapatid mo." Tumango si kuya sa kanya.
"Teka lang po. May mamamatay po ba?" Naiiyak ko nang tanong sa lahat.
Natawa si papa. "Walang mamatay anak. Aalis meron."
"Mga anak, doon muna kayo kay lola niyo hah. May gagawin lang si mama at papa na importante. Kukunin ko lang kayo doon pag okay na, hah?" Naiiyak pa ding sabi ni mama sa amin.
Nag impake kami ng aming mga gamit at hinatid ni mama sa bahay ni lola. Doon daw muna kami pasamantala.
Narating na namin ang bahay ni lola. Pumunta na kami sa kanya-kanyang kwarto namin.
Everything will never be the same anymore...
Nagising ako sa panaginip na iyon. Alam kong di iyon panaginip. Nangyari talaga iyon.
At talaga nga naman oh! Ang hilig magflashback ng utak ko. Hanep siya! Binabalik niya talaga yung nga masasakit na mga alaala.
Noong nag sekondarya ako, roon ko lang nalaman na iyon palang papel na nakita ko sa centet table ng aming sala noong nagdramahan kami ay divorce papers pala iyon. Pinirmahan pala nilang dalawa ang papeles na iyon.
Tama si papa, pag pinagpatuloy nila ang di pagkakaunawaan mas lalo lang kaming masasaktan.
Umalis si papa. Si mama nagfocus siya sa business namin. Kinuha kami ni mama. Pero di na pala parehas noon ang pamilya namin.
Tumayo nako at bumaba na para makapagluto ng makita ko si kuya Tom sa kitchen, nagluluto.
"Woaw! Himala yata ituuu!" Pang-iinis ko kay kuya.
"Kumain ka nalang diyan ang ingay pa." Nakangisi niyang tugon sa akin.
"Ayeee. Ang sweet ni Thomas Clifford!"
"Psh."
Nilapitan ko siya at kiniliti sa tagiliran. Kaya kiniliti niya din ako kaya nagkilitian kaming dalawa.
"Tama na. Kumain kana at maligo, aalis tayo."
"Ayeee. Manlilibre si kuya! Wuhooo!"
"Hindi uy. May susunduin tayo."
"Sino nama-" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil nilagyan niya ng bread ang bibig ko.
Natapos nako at sumakay na sa kotse ni kuya at pumanhik na papuntang airport.
Haaays...
***
Sabog utak ko. Wala akong maisip hahahahaahhaha adieus~
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...