Valentines
"Dapat holiday bukas eh!" Reklamo ng aking kaklase. Ang ingay ng mga kaklase ko dahil wala kaming guro ngayon dahil sa may meeting sila para yata sa program bukas.
"Oo nga! Dapat holiday sa mga single." Napatawa ako sa tugon nung isa ko pang kaklaseng babae.
Pebrero na at base sa pinag-uusapan nila, araw na ng mga puso bukas kung kaya't sobra silang affected na may program at may klase bukas.
"Asus mga bitter niyo! Nakakaleche." Iritang sabi ni Lyka. Natawa nalang ako sa inakto niya. Akala ko ba bitter din to.
"Buti itong si Alisson may Ezer kaya di bitter." Saad ng isa ko na namang kaklase. Bakit napakachismosa ng mga 'to? Kung kaya nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng pagsimangot.
"Kayo na Alisson?" Hell! All their attention is on me now, really?
Binalewala ko ang tanong nila at nagbusy-busyhan sa phone ko.
"Hoy! Kayo na ba daw?" Nakangiting tanong ni Lyka. Kung nakakasakit lang ang titig, for sure marami na siyang pasa.
"Nonya." Walang gana kong tugon.
"Nonya?" Sabay nilang tanong sakin.
"Yeah, nonya. None of ya business." Pilit kong pinipigilan ang tawa ko kaya napanguso nalang ako.
"Maui lang ang peg? Iw!" Si Lyka.
"Iw! Napakachismosa niyo." Nakangisi kong sabi habang paalis sa lupon ng mga chismosa. Di naman sila nahurt. Kakapal ng mukha nila eh kaya tumawa lang sila.
Papunta sana akong restroom nang nakita ko si George at Ezer, magkasama. Nakita ako ni George.
"Hoy bruhilda! Sabay tayong maglunch ah?" Saad niya ng pinapataas baba ang kilay habang nakangising malapad. Tumango lang ako bilang tugon.
"Hi, yeobo." Pagbati sakin ni Ezer. Napalingon ako sa kanya nang nakakunot noo. Paimpit na tumili si George, leche!
"Yeobo daw! OMG! AliZer for the win!" Sigaw ng mga kaklase kong babae na nasa labas na pala kasama si Lyka. Oh great! Nakakahiya pisti!
Napasapo nalang ako dahil sa hiya at inis. Walang lingon-lingon dumiretso ako sa restroom.
Nakayuko lang ako sa harao ng salamin ng may kamay na umakbay sakin.
"Wala ka pa bang balak sagutin yung mukhang paa?" Tanong ni George sakin. Sumulpot naman si Lyka.
"Mag-iisang buwan na ding nanliligaw sayo yun." I just rolled my eyes of what Lyka said.
Wala akong sinagot at pumasok ako sa unang cubicle.
"Bakit ka ba umiiwas pag siya ang usapan? Namo ah!" Natatawang untag ni Lyka.
"Aaah!" Padabog kong binuksan ang pintuan. "Bakit ba napaka ano niyo? Aaaah! Ewan." Padabog akong naglakad palabas, nakita ko si Ezer na kakwentuhan ang kaklase ko na kasama niya sa varsity.
Napadako ang tingin niya sa akin at ngumiti, inirapan ko lang siya.
Kaloka! Everyone, oh not really everyone Im not that famous naman, they already knew that Ezer the monkey's courting me. Lagi niya akong pinupuntahan sa room. Pinipilit niya sumabay samin maglunch, umuwi at kung anu-ano pa. Nastress ako.
"Urgh! Magkakawrinkles ako buset!"
Kinuha ko lang ang bag ko sa room at umuwi. Binabad ko lang ang oras ko kakapanuod ng kdrama.
Hindi pa alam nina mama na may nanliligaw sa akin. Wala pa akong balak isabi. Im waiting for the perfect timing. Even though our feelings are mutual na ako lang nakakaalam, wala pa din akong balak sagutin siya. May takot pa din ako. Marami pa ding what ifs na tumatakbo sa utak ko. Di sila napapagod.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...