Past and Future
"Wake up honey." Gising sa akin ni mama. Ngunit tinalikuran ko lang siya at tinabunan ang aking mukha.
"Hey. Ngayon tayo pupunta sa designer for your dress at kakausapin ang mga organizer kaya maligo kana, magbihis at bumaba para magbreakfast. C'mon now." Si Mama.
Aish. I wanna sleep all day! Pero si mama 'to di pwedeng hindian kaya bumangon nako at naghanda na.
Ilang buwan na ang nakalipas noong birthday ni papa at kinabukasan ay umuwi na kami pabalik ng cebu.
Ang dali ng panahon.
Nasa buwan ng Mayo na ngayon at naghahanda na ako, kami para sa debut ko sa susunod na buwan.
"Miss Alisson, what theme do you like for your debut?" Tanong sa akin ng isa sa mga organizer. Nasa office kami ng organizer na napili ni mama.
"I want black mixed with white theme."
"Black and white lang inartehan pa." Bara sa akin ni kuya Tom. Inirapan ko lang siya.
"Debut ito at hindi halloween honey." Paalala ni mama. Tumatawa si kuya Tom na nasa tabi ko lang.
"Sino ba may debut? She asked me kung anong theme kaya ayan. I just answered it." Saad ko na medyo naiirita na.
Bahagyang natawa sina ateng organizers.
"We have here an example of black and white theme. You can choose or do you have your own idea?"
"Black with a mixed of white po." Pagtatamang Biro ni kuya Tom.
"Hey! Mama oh!" Sumbong ko kay mama. Nakangiti lang si mama at sinaway si kuya kaya tumahimik nalang siya.
Naging maayos naman ang meeting with the organizers at di na nakikialam si kuya.
Kami nalang ni kuya ang magkasama pauwi dahil dumaan muna si mama sa restau dahil may mga VIP na dumating. Hindi bigbang faneys ah.
Si kuya Tom ang nagdrive. Di nako nakipag-argumento kasi tinatamad ako. Minsan kasi pag kami lang dalawa nagtatalo kami, gusto ko kasi ako magdrive. Marunong ako magdrive at may lisensya na pero walang sasakyan, urat!
Nasa kwarto ako nakahiga at nakikinig ng musika.
Nagvibrate ang phone ko. Walang gana ko itong inabot at binuksan.
Ezer:
Hi :)
Jusme! Parang just now naman 'to. Nagtipa ako ng reply.
Alisson:
Oh?
Mga milliseconds lang ata ang pagitan at ang bilis magreply nito.
Ezer:
Ang sungit naman.
Alisson:
Ano nga? Jusme!
Ezer:
Busy ka? Labas tayo?
Alisson:
Sige.
Ilang minuto ang lumipas at nagreply agad siya.
Ezer:
Nasa labas nako ng gate niyo :)
Harujusme! Si The Flash ba 'to at agad-agad nasa labas na?
Hindi nako nagbihis. Dahil nakabihis na naman din ako kanina pa. Konting ayos lang at pak!
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...