Confused
"Oh by the way Alisson, this is Rafael, your tita San's nephew." Untag ni papa sa akin. Literal akong napanganga.
Rafael is Tita San's nephew?
Walangyang tadhana oh!
"And Rafael this is Alisson my daughter." Nakangising pakilala ni papa.
"I already know her na po tito." Tugon niya kay papa sabay lingon sa akin.
"Oh? Saan naman?"
"We're schoolmates way back junior high, tito." Sagot niya habang hindi inaalis sa akin ang tingin.
"Small world, ah?" Halakhak na saad ni papa.
"Tinadhana siguro kayong dalawa." Singit ni tita San habang nakangiti sa akin. Binaling ko ang tingin sa ibang direksyon at umirap.
Tinadhana?
Tadhana?
Like, seriously?
"Schoolmates kayo noon, diba? Aba, baka kilala mo iyong lalaki na nanakit sa kanya?" Biglang tanong ni kuya Daniel. Hindi kilala ni kuya Dan si Raf dahil nasa manila na siya noon. Si kuya Tom at mama lang kaso parang nakalimutan na din ata ni kuya Tom si Rafael.
Natahimik si Rafael sa tanong ni kuya Dan. Ako lang yata nakapansin na parang di siya mapakali.
"Past na yun kuya, like dzuh!" Saad ko sabay irap sa kanya.
"Oh baka naman ikaw iyon?" Si kuya Tom. Bigla siyang sumulpot sa kinatatayuan namin. Alam kong nagbibiro lang si kuya Tom base sa pagtaas ng kanyang kilay. Nananantya siya sa magiging reaskyon ni Rafael. "Biro lang." Pahabol ni kuya at inakbayan si Raf na mukhang natatae na.
Bahagyang napatawa si papa.
"Kayo talaga. O siya pupuntahan ko muna aking mga bisita." Tinapik niya ang balikat ni kuya Dan at pumanhik na papunta sa mga bagong dating na mga bisita. Nakangiti lamang na sumunod si tita kay papa.
Tumikhim naman si Rafael kung kaya napalingon ako sa kanya. Kami nalang palang dalawa.
Hindi ko namalayan na kami nalang palang dalawa ang nakatayo rito. Di man lang ako tinapik nila bago umalis.
"Alam pala nila?" Kumunot lang aking noo sa tanon niya. Hindi ko pinapahalata na ilang ako sa kanya. Baka isipin niyang affected at di pako totally move on sa kanya which is true naman hays.
"Malamang."
"But they don't know kung sino?"
"Si Kuya Dan lang,si papa at baka si Tita San din? Mukhang nakalimutan ka lang ni kuya Tom." Sabi ko. May babaeng lumapit sa amin na mukhang organizer ng event nato.
"Sir sa stage na po tayo." Saad niya kay Raf.
"Mauna na ako." Sabi niya sakin. Papunta na siyang stage para magperform.
Ilang beses ko na siyang nakitang tumugtog sa entablado noon.
Suportado ko siya. Buong ako. Pero wala. Iniwan niya pa rin ako.
Lumundag nako sa kama dahil sa pagod. Nagpaalam nako kay papa na magpapahinga nako at di ko na pinanuod ang pagtatanghal ng bandang imbitado.
May kwarto kaya ako sa hotel. Iyong presidential suites na inilaan sa amin.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong lamang sa side table ng kama ko.
15 messages...
3 missed calls...
Say whut?!
Binuksan ko ang aking messages at nakita na lahat ng mensahe ay galing lang sa iisang tao. Kay Ezer lang lahat.
Ezer...
Shit! Nakalimutan ko siya.
Ali:
Sorry. Nabusy lang talaga ako dito. Pramis babawi ako pag-uwi :)
Agad naman siyang nagreply.
Ezer:
Pwede ka bang tawagan ngayon?
Ali:
Sige.
Ilang segundo lang ay nagring na ang phone ko.
"Hey." Pauna niyang bati. Napangiti ako ng marinig ang husky na boses niya. Aba! Ano na?
"Hey?" Tugon ko.
"Kamusta naman diyan?" Ezer.
"Ayos lang naman. A-ah ikaw? Kamusta diyan?"
"Ito mukhang magkakasakit."
"Hah? Naman! Umayos ka kaya diyan. Uminom ka ng maraming tubig at gamot. Aba naman!" Pangangaral ko sa kanya. Nagaalala ako.Bahagya siyang napatawa ng mahina. "Namimiss kasi kita kaya siguro ganito." Napangiti ako sa kanyang sinabi.
"Ay nako, h'wag ako bes!" Tunog galit-galitan ko kuno pero shemay kinikilig ako wengya!
"I need you."
"Leche ka ah? Hintayin moko pag-uwi ko, sasapakin kita para gumaling ka."
Napatawa naman siya. "Lakasan mo ah? Tapos higpitan mo hahahaha." Sheeet! Umiinit muka ko. Kinikilig ako, bakit?
"Ewan ko sayo heh!"
"Pero seryoso. Dalhan moko ng pasalubong ah? Hahahaha."
"Iww hahahaha sige na magpahinga kana para gumaling ka pag-uwi ko."
"Yes boss. Mag-ingat ka diyan. I miss you." Pabulong niya lang sinaad ang huling salita pero narinig ko.
RINIG NA RINIG KO BEH!
"Bye na." Ako.
"Bye." At naputol na ang tawag.
Kinikilig ako.
Nagugulohan ako.
Affected pa ako kay Raf pero kinikilig ako kay Ezer.
Paano?
Siguro kasi masyado akong nasaktan sa ginawa ni Raf?
Siguro kasi wala kaming proper closure? He just left me hanging? Ewan.
Siguro kasi may pagkakapareho si Ezer at Rafael?
Siguro?
Haays.
Ang gulo ng isipan ko.
Ang gulo ng puso ko...
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...