Kabanata 21

83 3 1
                                    

Paalis na ako sa harapan niya ng hawakan niya ang kamay ko at napahinto ako.

"Alisson" usal niya.

"Patawarin mo ako kung mas pinili ko ang banda kaysa sayo. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan sa desisyon kong 'yon" Walang emosyong nakatitig lang ako sa kawalan. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Hindi lang ikaw ang nasaktan sa nangyari Ali, ako rin."

"Talaga? Nasaktan ka? H'wag mo nga akong pinagloloko Rafael" Saad ko sabay hablot ng kamay kong hawak niya.

"Kailanman hindi kita niloko, Ali. Maliban lang noon sa sinabi kong kailanman di ka naging priority ko. Niloko ko sarili ko, nagsinungaling ako. Noon, ikaw na ang buhay ko."

"Mas ayos pa kung sinabi mo noon na nasilaw ka sa offer sa'yo. Mas okay pa iyon, maiintindihan ko pa. Pero mas okay sana kung nagpaliwanag ka ng maayos na mas pipiliin mo pala pangarap mo kaysa sa tayo." Nakatitig na ako sa kanya. Nakita kong nanunubig na ang kaniyang mga mata.

FCK! Wag kang iiyak!

"Sorry. Oo na ako na ang mali, ako na ang may kasalanan. Sorry Alisson kung mas pinili ko ang banda sorry kung iniwan kita bigla. Sorry sorry." Humihikbi niyang saad.

"Alam mo kung anong naisip ko noong iniwan mo ako?" Tanong ko sa kanya.

Iniyuko niya ang kanyang mukha dahil sa mga luhang nag-kakarera pababa.

Damn you! I don't want to see someone crying just because of me.

"Inisip ko na noon na sana hindi nalang kita nakilala. Na sana hindi nalang ako nagpadala sa nararamdaman ko, na sana pinigilan ko." Saad ko sa kanya na nakatingin sa kanyang nakayuko. Alam kong masakit itong sinabi ko pero alam kong kilala niya ako. Sasabihin ko talaga ang mga gusto kong sabihin kahit pa nakakasakit.


"And for now, your sorry aren't enough. It won't heal the wounds you caused. But I know someday magiging okay din lahat. At okay na ako tanggap ko na na wala ka. Stop crying, hindi na mababalik ng iyak mo ang lahat na nangyari. Naabot mo na ang pangarap na minimithi mo, maging masaya kana."

Umalis na ako sa kanyang harapan.

Nagpapatawad naman ako pero it takes time.

Pabalik na ako sa hall ng makasalubong ko si Ezer.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh" Nakakunot niyang tanong sa akin.

"Ah? Nagpahangin lang ako. Tara punta na tayo sa hall." Nakangiti kong tugon sa kanya.

This man

Pucha I think bumabalik na naman yung dati


Nahuhulog na yata ako...

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon