Hurt
"Natapos na din! Christmas vacation, here I come!" Gigil na sigaw ni George na naka-upo sa aking tabi. Nasa student lounge kami para matapos na niya iyong huling bahagi ng research nila. At salamat dahil tapos na siya, sobrang boring akong naghihintay sa kanyang matapos.
At mas lalong pinapasalamat ko ay iyong hindi na namin laging kasama si Ezer! Simula noong napatawag sila sa SAO, di na siya sumasabay. Sabi ni George, binigyan daw ng dalawang linggong punishment. Err my conscience, damn!
——————————————
Masaya naming pinagdiriwang ang pasko. Hindi muna umuwi ng Manila si Kuya Dan para daw makasama niya kami.
Kay bilis lumipas ng panahon, Enero na at ipagdidiriwang na naman ng mga cebuano ang sinulog.
Magiging busy na naman si mama dahil sa madaming customer sa restaurant niya at malamang dagsa yata ng mga artista iyon.
"Papa called me." Kuya Dan. Napalingon kami ni Kuya Tom sa kanya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa at nanunuod ng movie.
"Then?" Tugon ni kuya Tom.
"He wants us to attend on his day." Napaismid ako sa sabi ni kuya. Ilang taon na ba akong wala sa kaarawan niya? 10 years? 8 years? Half of my life!
"Bakit ngayon pa?" Bulalas ko habang nasa telebisyon pa din ang paningin.
Hindi sila sumagot. Walang sumagot.
"Bakit ngayon pa niya naisipang imbitahan kami? Huling imbita niya ay iyong kasal niya at unang kaarawan ng kanyang nga anak." Napanguso ako upang mapigilan ang pagluha.
"Ali's right. Bakit ngayon pa kuya? Kasi nandito ka at natandaan niyang nage-exist pa kami?" Pasarkatikong ngumisi na untas ni kuya Tom.
"Don't think that way Ali and Tom. He's really busy in his business." Nakakunot noong saad ni kuya.
Tumayo ako at nagpunta sa tambakan, iyong katabi ng aking kwarto kung saan nakalagay lahat ng di na gamit namin.
Binuksan ko ang ilaw at umupo sa sofa roon. Muli kong binuksan iyong kahong aking pag-aari. Nakita ko ang larawan ng isang batang babae na karga-karga ng lalaking matipuno.
"Ako at si papa." Nakangisi kong saad habang hawak-hawak ang litrato naming dalawa na nakatawa pati aming mga mata ay nakatawa din.
Happy memories flashbacks...
"Langit lupa tayo!" Pag-iimbita ni kuya Dan sa amin ni kuya Tom.
"Sige!" Masiglang tugon namin ng kuya.
"Takbo Alisson! Hahahaha." Natatawang hinahabol ako ni kuya Tom.
"Tama na muna iyan." Saad ni mama kasama si papa at ang kasambahay namin na may dalang meryenda.
"Papa!" Tumakbo ako kay papa at nagpakarga. Yumakap ako sa kanyang leeg at isinandal ang ulo sa balikat niya.
"Naglalambing na naman ang bunso." Nakangising untag ni mama sa akin at hinalikan ako sa pisngi. I giggled.
"Teka picturan ko kayo." Umayos ako at ngumisi ng malapad dahil nga kukuhanan kami ng litrato ni mama.
"Wag kang ngumisi ng malapad Alisson, nakikita yung bungi mong ipin hahahahahaha!" Panunukso ni kuya Tom. Imbes na umiyak ako sa panunukso niya, tumawa lang ako at napatawa din si papa, at biglang klinick ni mama ang camera. Nakangisi si mama sa amin ni papa.
Sinusubuan niya ako.
Only girl kasi ako kaya spoiled kay papa at mama. Baby na baby.
Hindi ako binitawan ni papa kahit nangangalay na siya. Nakangisi pa din siya.
Napahikbi nalang ako sa mga alaala na bumalik.
Bakit noon di ako kayang bitawan ni papa pero ngayon di man lang siya tumawag o mag email para malaman niyang buhay pa ba ako, kami ni kuya?
I used to be his only baby girl. His princess.
Nagbago na nga lahat.
Ang laki ng pinagbago ng lahat.
Pinahupa ko muna aking luha at lumabas ng silid.
"Are you going?" Tanong sa akin ni kuya Tom. Pumunta ako sa music room para ilabas ang nararamdaman.
"Yeah." Tipid kong tugon.
Napabuntong hininga nalang si kuya Tom.
Kahit naman ganito ang nangyayari, siya pa din naman iyong ama namin.
Pagbabaliktarin man ang mundo, siya at siya pa rin iyong papa namin.
Kahit lubos kaming nasaktan, wala eh. Nangyari na.
Kahit anong iwas mong masaktan, masasaktan at masasaktan ka pa rin.
Kahit anong iwas mong manakit, makakasakit at makakasakit ka pa rin ng iba.
This is life.
We don't have any choice but to just deal with it.
Kahit masakit na, go pa din.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...