Falling
Ang lamig ng simoy ng hangin.
Disyembre na kasi.
Magpapasko na.
Ang bilis naman umikot ng mundo. Ang bilis ng pagtakbo ng panahon, na minsan maaaring mapag-iwanan ka.
Nakakapagod dahil maraming kailangang ipasa bago ang christmas break kaya eto ako puspusan ang paggawa ng mga gawain.
Minsan sa buhay, napapagod ka talaga kaya minsan naiisip nating tumigil at ihinto nalang lahat ngunit iyon ay minsa'y mali din. Pag ikaw ay pagod na, magpahinga ka lang at kung kaya na ipagpatuloy ulit, baka kasi pag huminto ka magsisi ka nalang din sa huli.
Nasa student lounge kami, tumatambay. Kaharap ko si George at Lyka samantalang katabi ko ang lalaking mukang paa. Sila, sobrang tutok sa kanilang mga gawain na kailangan nang ipasa sa linggong ito. At talaga nga namang sobra ang pagpapasalamat ko't masipag ang aking mga kagrupo at lalo na ako sa paggawa ng research.
Nakikinig lang ako ng musika habang nagbabasa ng libro nang biglang hinablot ni Ezer ang nasa kaliwang headset ko.
"Pashare." Nakangisi niyang wika. Wala nakong nagawa, hinablot na eh.
Minsan talaga papansin tong mokong na 'to. Umirap nalang ako at nagpatuloy sa aking binabasa. Tutok talaga sila eh, maliban na nga lang sa lalaking mukang paa na katabi ko. Mukang tapos na ata.
Medyo mahirap pero kaya lang ang research ng GAS kasi general, ewan ko pang sa STEM. Siguro dapat related sa strand nila ang topic sentence? Ay ewan! Di ko na tinanong tong dalawang STEM students at baka magkaproblema lang ako sa pag-iisip.
Naglalakad nako palabas nga campus dahil tapos na ang klase. Hindi ko na hinintay si Lyka dahil magpapasa pa daw siya kay Miss. Mag-isa kong tinatahak ang daan palabas ng may makita ako. Hindi man ako masyadong nakakakita ng klaro sa malayuan ngunit kilala ko pa din kung sino iyong lalaking nakatayo sa student lounge na may kasamang babaeng maputi, long straight hair at maganda. Nagtatawanan sila na parang mga tanga.
Aba! Diba bawal PDA? Leche kung makahawak naman si ateng kay Ezer oh! Tsansing ah!
Hindi ko alam bakit ba ako naiinis na ewan habang pinapanuod silang nagkukwentohan. Nabubwesit ako leche!
Nilagpasan ko lang sila at alam kong di ako nakita nung lalaking mukang paa kasi busy siyang makipaglandian!
Lumapit ako sa isa sa mga working scholar na assign sa SAO. "Ate, may PDA po dun sa may student lounge." Panunumbong ko kay ateng scholar na may pagkamaldita ang aura.
"Sige, salamat hija at nang maparusahan sila." Nakataas kilay siyang lumakad papuntang student lounge. Ang saya ko deprutas!
Parusa. May parusa kung lalabag ka sa alituntunin ng unibersidad. Parusa na isang linggo at depende ang iyong gagawin sa salang nagawa mo. Napangisi ako sa kademonyohang ginawa ko. Naglakad na talaga ako palabas ng campus.
My phone vibrated.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng nagtext.
MukangPaa~
Paanong pinapunta kami ng SAO? Wala naman akong ginawang masama! Kainis -_-
Bwesit! Kung nasa bahay lang ako, kanina pako humandusay sa kakatawa dahil sa evil plan ko.
Nagtipa ako para makapagreply sa mokong.
Malay ko sayo uy! Baka nakipaglandian kana naman? Naku! Malandi ka pa naman hahahaha.
Hindi siya malandi, friendly lang talaga pero mahiyain. Ay ewan! Bahala na siya.
Nakauwi nako ng bahay at di man lang nagreply ang gago! Ilang ulit ko nang tinitignan ang phone ko at wala maski isang tect o reply galing sa kanya, wala! Bahala na talaga siya sa buhay niya! Magsama sila nung babaeng maputla niyang kausap kanina, masaya naman silang nagkukwentuhan eh tsaka mukang di nahiya ang gago makipagtawanan dun. Edi magsama sila punyeta!
Aba teka lang, bakit ako ganito?
Fuck!
Why am I being like this?
Don't tell me Alisson that you are fucking freaking jealous? Damn no! No! I'm not!
Naiinis lang ako kasi ang harot nila and that's it.
Baka denial ka lang Alisson?
What the fuck!
Im not. Im fucking not!
Shit!
I don't know. Di ko alam. Nagugulohan ako. Bwesit!
Yung feeling na pag nandiyan siya parang kumpleto na ang araw mo. Yung simpleng presensya niya't pagpapansin ay malaking kasiyahan mo na? Yung kahit korni ang jokes niya,napapatawa ka pa rin ngunit palihim. Yung kahit nakakainis na sobra siyang papansin pero pag di niya naman ginagawa mas lalong maiinis ka. Yung pakiramdamn na...
...
...
...
Parang nahuhulog nako sa kanya.
This is bullshit. I know. But how can I control my feelings towards him?
Im falling but not that deep.
Pero gagawin ko pa rin sa abot ng aking makakaya ang pagpigil ng aking nararamdaman.
Ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko na.
"Hey!" Napaigtad ako ng tinapik ako ni kuya Tom. Nakarating nako sa bahay at nakaupo sa sofa sa sala namin.
"What? You scared the hell out of me kuya." Pag-iirap kong tugon sa kanya.
"Ay taray!" Sabi niya na parang sinusunod ang boses ko. "Ang layo at ang lalim ng iniisip ko kaya di mo namalayan na kanina lang ako dito." Pagsasalita ni kuya Tom.
Hindi lang ako sumagot. Nakakunot ang aking kilay na halos magdugtong na ang dalawa.
"What is it?" Tanong niya.
"Ang ano?" Tanong ko ding sagot sa kanya.
"Tss. Ano yung iniisip mo?" Mataray na tanong niya.
"Nothing, sige bye kuya!" At mabalis akong pumunta sa aking kwarto.
Ayaw ko munang may makakaalam ng nararamdaman ko.
Infuation lang yata to.
Oo!
Tama!
Infuation lang 'to kaya chill lang tayo't mawawala rin itong nararamdaman mo Allisson.
Argh!
Fuck!
I really fucking freakining hate this shit!
May mga 'what ifs' na namang lumlabas sa aking isipan.
Yeah, whatever!
Kung ano man ang mangyari, bahala na.
Kung masaktan, edi masaktan. Parte pa rin naman yan ng buhay tao.
Damn!
Bahala na talaga.
Wala na akong pake basta bahala na.
No no erase na pag nakapagdesisyon.
Sa ngayon, gusto ko lang maging masaya pero ayaw kong masaktan. Hindi pa ako handang masaktan, ulit.
.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Dla nastolatkówPinagtagpo nga lang ba at di tinadhana? Sino ang pipiliin ni Alisson? Pipiliin ba niya ang lalaki na naging parte na ng nakaraan at alaala nalang? O ang lalaking magbibigay ng masasaya at di malilimutang alaala? O pipiliin niya nalang ang kanyang...