Kabanata 15

145 2 0
                                    

Date

"Paano ko mauubos yung chocolates? Diet pa naman ako." Nakanguso kong saad sa kanya. Nasa SM kami at naglalakad.

"Benta mo. OLX hahaha" Tumatawa niyang tugon. "Aray hahaha!" Daing niya sa paghampas ng braso niya.

"Pabibo heh!" Pag-iirap kong sabi sa kanya. "Pero, salamat."

"Ilang points ba yun?"

"Anong tingin mo sakin basketball?" Tumawa lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy sa pamamasyal.

Dahil nasa mall naman kami, ginrab ko na ang chance na mamili. Pumasok kami sa iba't-ibang boutique. Pinasok lang namin pero di naman binili lahat.

"Oh saan mo gustong kumain?" Pagtatanong ng kasama ko habang palabas na kami sa di pa huling boutique na papasukan sa hapong iyon.

"Kahit saan." Tugon ko sa kanya.

"Papahirapan mo pa ako sa kahit saan na 'yan." Nilingon ko siya. Nakanguso siyang naglalakad sa tabi ko hawak ang nga pinamili namin. "Saan mo nga gustong kumain?" Tanong niya ulit at ibinaba ang tingin sa akin. Hanggang tenga niya lang kasi ako.

"Kahit saan nga kasi!" Naiinis ko nang sagot sa kanya.

"Jollibee?"

"Nah."

"Mcdo?"

"Ayaw."

"KFC?"

"Dzuh!"

"Pizza hut?"

"Kaumay na ang pizza."

"Greenwich?"

"Kaumay na nga, ano ba!"

"Eh ano? Saan tayo kakain? Nagugutom nako." Huminto kami sa paglalakad at humarap sa akin.

"Gutom kana pala edi ikaw nalang kumain." Pag-iirap kong tugon sabay iwan sa kanya roon.

"Ali naman." Sumunod siya sakin at hinawakan ang siko ko. Hinarap ko siya.

"Ano?!" Singhal ko sa kanya. Naiinis na talaga ako sa kakulitan niya.

"Tinatanong kita kung saan mo gusto kumain tapos pag nagsasabi naman ako ng kainan na kinakainan naman natin lagi, ayaw mo. Why iz dat?" Mahabang litanya niya at sinunod pa ang pagkakabigkas ko sa huli niyang binanggit. Napairap lang ako.

"Di ko trip." Nakanguso kong sabi sa kanya. Napakunot nalang siya ng noo.

"Di nalang tayo kakain para walang away." Mahinahon niya itong saad. Mapagkumbaba talaga ang loko.

Naglakad nalang ulit ako at ramdam ko naman na sumusunod siya sa likuran ko nang napahinto ako dahil sa nakita kong poster na nakapaskil sa events na magaganap sa mall.

Napahinto ako.

Literal.

Nakakamit na niya iyong pangarap niya. Unti-unti.

Natulala lang ako sa litrato ng isang grupo na papasikat sa bansa.

Pyxis.

"Ali? Alisson!" Pukaw sa akin ni Ezer. Nakatulala pala ako sa harap ng isang events chart ng mall.

Nilingon ko siya at inangat ang tingin sa kanya. "Uh-huh?"

"Kanina pa pala ako nagsasalita dito di ka naman pala nakikinig." Bakas ang pagtatampo sa mukha ng loko.

"Uh?"

"Ano ba yang tinitignan mo?" Sinilip niya iyong poster na nasa harapan ko nakapaskil. "Ay, mga alien. Mas gwapo naman ako sa mga yan." Nilingon ko naman siya.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon