Kabanata 7

284 4 0
                                    

Kabanata 7

Calculator

Sumasayaw ako kasabay ng tunog. Nasa isang prestihiyosong club ako at nakikisayaw kasama ang mga di ko maaninag na mukha ng aking mga kasama.

Hala! May pasok ako at bakit ako narito? Damn!

Minulat ko ang aking mga mata at pinatay ang kanina pang tumutunog kong alarm sa phone. Fuck. Panaginip lang pala yun?

Dumiretso nako sa banyo at ng makaligo na. Pagkatapos ay lumabas nako at naghintay ng masasakyan.

"Ham and cheese nga po ate." Untag ko kay ateng na nagtitinda sa canteen ng school. Pumanhik nako pabalik papunta sa aking silid at doon nalang kakain at ng makatulog din dahil maaga pa naman.

"Aray naman!" Pasigaw kong sabi sa lalaking nasagi ako sa pagmamadali niyang umakyat sa hagdan.

"Sorry miss." Tugon niya ng di lumilingon sa akin.

"Leche! Ang aga pa kaya. Psh!" I mumbled.

Pumasok nako sa silid at nakitang konti palang kaming naroon. Umupo nako at nakinig ng musika habang kumakain. I feel so relaxed. Music really calms me.

Habang kumakain ako sa aking binili kanina may kumalabit sakin. Tinanggal ko ang aking headset.

"Hmm?" Tugon ko kay Paul na kaklase ko.

"May calculator kaba Alisson? May manghihiram sana." Untag niya sabay turo sa labas. Napatingin din ako sa labas at tumango.

Mabait naman kasi ako. Nagpapahiram ako kung ibabalik din naman.

Umalis si Paul kaya ako na ang nagbigay kay koyang manghihiram. "Isauli mo pagkatapos ah." Sambit ko rito.

He smiled.

Bumalik nako sa puwesto ko kanina at nagpatuloy sa naudlot kong ginagawa.

"Okay so thats all. Questions or any violent reaction anyone?" Tanong mg aming english instructor.

"Nah." Sagot naming kanyang mga estudyante.

"Okay then, class dismiss." Sabay labas na.

Nililigpit ko na ang mga gamit ko at naglakad palabas nang makita yung lalaking nanghiram ng calculator ko.

"Here. Thank you." Nakangisi niyang binigay sakin iyon. Ang cute ng dimple niya, nakakainis!

"Welcome." Tugon ko at lumabas na. Nagmamadali akong bumaba dahil sobra nakong gutom.

Di ko makakasama si George ngayon dahil mamaya pa iyong lunch nila.

Mag-isa akong naglalakad sa quadrangle. Sobrang busy ng lahat. Intramurals na kasi sa susunod na linggo kaya abala ang lahat. Nakakatamad mang pumasok next week pero kailangan talaga, attendance is a must dahil senior high school. Pwew!

"Srsly? Gutom lahat? Psh!" Untag ko sa aking sarili. Ang haba ng pila sa canteen. "Di bale na nga, sa labas nako kakain." Sabi ko sa aking sarili.

Palakad nako papuntang exit ng may. "ALISSON! HINTAY!" Sigaw ni Lyka sa akin habang tumatakbo. Napalingon ako sa mga taong naroroon and great, all eyes on me. Ang galing din naman nitong kaklase ko. Ang galing. Sarap tuktukan. Ang laki ng bunganga, rinig yung boses niya hanggang doon sa mall. Fuck!

"Hoh! Napagod ako dun ah, hehe sorry Ali-"

"Bat ka sumigaw? Nakakahiya." Pagpuputol ko sa sasabihin ni Lyka.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon