Kabanata 10

206 3 1
                                    

Ezer

Patuloy lang akong kumain ng chips at di siya pinapansin pero kita ko sa aking peripheral vision na nakatingin siya sa akin habang nag gigitara.

Nilingon ko siya. "Ano?!" Singhal ko sa kanya.

"Huh? Wala." Nakangiti na naman niyang tugon.

"Bwesit ka no? Bahala ka diyan." Pag-iirap kong tugon.

Bahala siya sa buhay niya kung pagpapatuloy niya iyang pagkakatulala sa akin.

I met you in the dark
You lit me up
You make me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
Your throwing up

Kumanta siya!

Bwesit

Leche

Fuck!

Natigil ako sa pagngunguya. Tinignan ko siya at nagkasalubong ang aming mga mata.

Putangina!

"Asus! Inlove ka? Uy! Gago mo." Untag ko sa kanya.

"Hahaha gago bang ma-inlove?"

"Oo. Kagagohan lang yan!"

"Nasaktan kana siguro no? Ang bitter mo eh." Napatigil ako sa kanyang sinabi.

Hindi ako bitter—noon. I don't really care about anyone around me. I've been so damn insensitive eversince, and he came.

Nasaktan lang talaga ako. Gago yung lalaking nanakit sakin!

I gave everything, I changed because of him but all he did was leaving and hurting me.

Maiinlove. Manliligaw. Magiging kayo. Magkakamalaboan. Maghihiwalay. Diyan naman talaga patungo lahat eh.

Nagiging bitter ang isang tao pag ito'y nasaktan. And, fuckingly, I am one of them.

"Whatever." Pag-iirap kong tugon sa kanya.

"Nasaktan kana nga, siguro." Seryosong sabi niya ng hindi na naglalaro sa gitara. He looks at me, alam ko dahil nakikita iyon ng gilid ng mata ko. Patuloy ko pa ding inuubos at kinakain ang chips na nasa hita ko.

"Lahat naman siguro'y nasasaktan. Ano bang sakit ang tinatanong mo?" Sagot ko habang ngumunguya.

Humagikhik siya. "Ano bang sakit ang naranasan mo?" Napahinto ako. Teka. Fuck! Naberde ako dun ah. Buseeet!

"Lahat."

"Lahat? Seryoso?!"

"Tangnamo Ezer! Naberde ako, gago ka!" Tumawa na naman siya na parang nasaniban na nabuang. Sarap hambalusin ng cactus kaso mabait ako kaya gitara nalang.

Dumating na iyong mga kasama niya.

Hindi ako chismosa pero hobby ko ang makinig ng usapan ng ibang tao kahit di ko naman sinasadya, hindi song cover ang pinagsasanayan nila, buseeet!

Habang nagpapahinga sila at umupo si Ezer sa tabi ko ng pabagsak. Kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Sinungaling ka talagang baklita ka!" Pabulong pero may diin kong sabi kasabay ng kurot ng kuko.

"Aray naman!" Pasigaw niyang tugon. Buti nalang nasa loob ng recording churvabells ang kanyang mga kaibigan at di kami dinig.

"Narinig ko yung isa sa kasama mo. Hindi naman song cover gagawin niyo ah! Ay naku! Uuwi na ako, mag gagabi na oh!"

"Oo na. Iuuwi na kita pagkatapos nito."

"Ihahatid moko?" May gulat sa tono kung tanong kay Ezer.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon