Kabanata 19

162 3 0
                                    

Legality

May humintong kotse sa harap ko. Pamilyar pero hindi ko gaanong maaninag kung ito ba iyong kotse niya.

Dahan-dahang bumaba ang bintana ng sasakyan kaya tumabi ako para makita ang nasa loob.

Parang tinatambol ang aking dibdib dahil sa lakas ng pintig.

"Ah miss, saan ba dito ang Berkudos st.?" Tanong ng babaeng drayber ng sasakyan. Napahinga ako ng malalim.

Susq mamatay-matay nako sa kaba di naman pala siya to. Lumingon-lingon ako sa paligid.

"Oh? Ah dumiretso ka lang po tapos kaliwa yun na po yon." Walang emosyon kong tugon.

"Thank you." Ngumiti siya at pumanhik na.

Nagpatuloy nako sa paglalakad habang dinadama-dama ang dibdib.

'Akala ko siya ulit.' Saad ko sa aking isipan. I shrug all the thoughts off.

"Oh! Ang dali lang naman ng lakad mo? Bongga pa naman OOTN mo." Kuya Tom. Tanging tango lang ang tinugon ko.

Nakaupo lang ako sa couch ng kwarto ko. Kani-kanina palang ako nauwi at kani-kanina pako nakaupo at nakatulala dito sa kwarto ko.

"Hey sissy, can I come in?" Sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko.

"Why?!"

"I have here our favorito, wanna eat these all with you! Open the dooor." Pangungulit niya. I lazily open the door. Nakita ko na may mga dala nga siya na paborito namin so I let him in and turn on the lights.

Inilapag naman lahat ni kuya ang mga dala sa sahig ng aking kwarto paharap sa tv at kemeruts ng kwarto ko. Tumabi ako sa kanya at binuksan ang isang box ng pizza.

"So, anyare?" Tanong niya habang binubuksan iyong ibang dala niya.

Habang nilalagyan ko ng hot sauce ang pizza at tamad na kinagat, tinignan ko siya ng nakakatamaaaad look. "Wala lang naman. Nagkita kami ni Raf." Tugon ko habang puno-puno pa ang bibig ko.

"Huh?"

"Nagkita kami ni Raf!" Sigaw ko kahit pa may laman pa ang bibig ko.

"Yung nephew ni tita San? Yung sikat 'kuno'?" Tanong niya. I nod para sa sagot.

"Oh tapos? Anong ganap?" Pahabol niyang tanong.

"Di mo ba talaga siya kilala? Nagka-ammesia you?"
Napahinto si kuya na parang nag-iisip kahit wala namang isip, chos!

"He is Rafael, tita San's nephew, lead vocalist ng pyxis iyong kumanta sa party ni papa, that's it."

"Kuya? He is Raf-"

"Oh!" Pagputol niya sa sinasabi ko. Nag-iisip siya habang ikinokompas ang mga kamay sa ere. "I remember him. Siya si Rafael...your ex? Tama?!"

Tanging tango lang ang natugon ko sa sinabi ni kuya.

"Fvck that boy! How dare him talked to us like there's no shit happened in the past?!" Sigaw ni kuya habang inaatake ang lasagna na kanyang hawak. Napairap na na lamang ako dahil sa napakaslow niya.

"Oh anong nangyari? Sabi mo nagkita kayo kanina? Mabubugbog ko talaga siya, tarantado siya!"

"Nothing. Dumating si Ezer eh."

"Alam ba ni Ezer iyong tungkol sa inyo? Sa kanya?"
"Alam niya na may ex ako but he doesn't know kung sinong gago."

May tumawag kay kuya kaya umalis na siya. Mag wawalwal na naman yun, as always.

Ang bait ni kuya. Siya iyong nagdala ng mga pagkain, siya iyong nagkalat sa kwarto ko at talaga nga namang umalis nalang bigla. Dahil sa wala na namang maglilinis kaya ako nalang. Dahan-dahan kong nililinis ang kalat sa kwarto ko at pagkatapos ay nagpahinga nako at nahila ng antok...

Time runs so fast. Parang inihip lang ng hangin ito at sa ngayon ay naghahanda na ang lahat lalo na ako para sa magaganap mamaya.

Today is my day.

Noong isang buwan pa lamang, plantsado na ang lahat na mangyayari sa araw na ito.

Nasa hotel na kami at iyong iba ay nag-aayos na samantalang ako ay nanunuod lang kina Lyka at George, di pa kasi nakauwi si Anne.

May kumatok sa silid ko at agad naman pinagbuksan ni Lyka. Mga Fairy God Mothers ko pala. Hmmm.

Inayusan na nila ako dahil sa ilang oras nalang ay magsisimula na ang party.

Sobrang excited akong suotin ang gown na ako mismo ang nagdesinyo. White backless ito na may desinyong mga black diamonds na maliliit, ewan ko lang kung beads ba ito o diyamante ngunit mas matingkad ang pagkaputi ng ng gown. Ako ang nagdesign ngunit di ako ang gumawa pero nabagay naman siya sa akin dahil maputi naman ako.

Habang minimake-up ako ay may nag-aayos naman ng buhok ko habang may nagmamanicure at pedicure. I feel like a princess right now.

Di pa naman ako mahilig sa mga ganito. Ngayon lang.

Makalipas ang ilang minuto o oras ay natapos na lahat. Pumasok si Georgianne sa kwarto ko at tinulungan akong isuot ang gown ko.

"Bagay sayo ang gown mo, capsh." Saad niya na nanggigil sa gown ko. Like me, she also love black.

"Thank you capsh!" Nakangiti kong tugon sa kanya.

"Sayang wala si Anne, friendship goals sana tayo ngayon." Malungkot niyang saad.

"Edi magpapaparty tayo pagdating niya dito, ihuhulog natin siya sa pool para friendship goals!" Parehas kaming natawa sa suhestiyon ko.

May kumatok at pagbukas ni George ay iyong organizer na pala.

"Magsisimula na, in a bit." Saad nito.

"Halika na Miss." Saad at alalay sakin ng organizer.

Ang hall ay may enggrandeng hagdanan na napalibutan ng series lights na puti. May photographer at videographer na kinukuhanan ako at pinapatugtug ang paborito kong kanta habang bumababa.


Naka-itim silang lahat at ako lamang ang nakaputi. Namumukod tangi dahil akin ang gabi.






----
Sorry sa matagal na update. Matagal nang nakatambay tong kabanata na to sa drafts hahahahahahahahahahaha at talaga nga namang di ko alam paano ideliver ang nasa utak ko. Masyadong umaapaw ang ideya sa utak ko na umabot ako sa punto na nahirapan nako hahahahaha. So expect for more late very late updates. Hanggang kabanata 25 ata to luls.

And btw. Sorry din kasi lagi akong nagpapalit ng UN hahahahahahhaa from bbgeezhexx to geezhexx and finally Im zheyaluh now hahahahahahahaha I guess thats final luls.

And...salamat mga repapips sa pag-add niyo nitong storya ko sa reading list niyo. Salamat. Salamat. Vote na din kayo pati comment hehe ayon lang adios~

zheyaluh♡

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon